Chapter 23:Hurt

6.5K 249 1
                                    

Louise Pov 

Nandito na naman ulit kami sa clinic...nagiging tambayan na namin to dahil sa madalas na nangyayari kay Demi...

Napayukom nalang ako ng kamao ko ng maalala ang nangyari kahapon..

Bakit siya pa???

Ayaw kong masaktan si Demi pag dumating ang oras na bumalik na siya...Sana hindi pa huli ang lahat...sana...

Napatingin ako kay demi na nakahiga sa kama at si Kurt na nakaupo sa tabi nito..

Hindi to maaari..kaya tumayo na ako at nilapitan siya...

"Kurt we need to talk"malamig kong sabi sa kanya at nauna nang maglakad palabas papuntang rooftop..

Naramdaman ko namang nakasunod siya sa akin habang naninihol..pa..

Napakuyom ako ng kamao.....

Nakarating ako sa rooftop at ganon din siya...pero di pa ako nagsasalita..

Naghahanap pa ako ng tyiempo...

"Anong pag uusapan natin?"sabi nito sa akin...hinarap ko siya at tiningnan ng madilim...

Hanggang sa nasuntok ko siya sa mukha .. Napaupo naman siya sa sahig at napahawak sa labi ng nagdudugo...

Tiningnan din niya ako ng masakit

"Ano bang problema mo ha?"singhal niya sa akin..nilapitan ko siya ay kinuwelyuhan..

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"inis kong sabi sa kanya..pero kinuotan lang niya ako ng noo na ikinainis ko lalo kaya sinuntok ko ulit siya..

"Ano bang pinagsasabi mo?"sabi niya sa akin at alam kong galit na galit na siya ..

Oo leader namin siya at takot ang lahat sa kaniya pero wala akong pakialam si Demi ang pinag uusapan rito..

"Layuan mo siya"malamig kong sabi sa kanya at agad din naman niya iyong nakuha...

"Ba't mo ako inuutusan?gusto mo din siya?"sabi nito kaya sinuntok ko ulit siya pero gumanti naman siya sa akin at sinuntok ako sa mukha kaya napaupo ako sa sahig..

"Wala kang pakialam kong lalapitan ko siya,gusto ko siya at alam kong gusto niya rin ako"sh*t you f*cking bastard..dali dali akong tumayo at sinugod ulit siya saka dinambahan ng suntok..

"Sasaktan mo lang siya pag dumating na siya kaya habang maaga pa layuan mo siya"sabi ko na ikinatigil niya...

Napangisi nalang ako..saka pinahid yung dugong nasa gitna ng labi ko..

"A-Ayoko"napaigting nalang ang panga ko at sa huli ay sinuntok ko siya ng napakalakas na siyang ikinahiga niya sa sahig...

"F*ck you Kurt,pag nasaktan si Demi kukunin ko siya sayo,alam mo kung ano ako Kurt"sabi ko at nilisan na ang rooftop...

Sh*t ba't ba lahat ng minahal ko kay Kurt napupunta?

May nagawa ba akong mali?Naging mabuti naman akong kaibigan sa kanila ahh...

Lumabas ako ng Academya at pumunta sa paborito kong lugar ..

Sa lawa...

Kung saan ko nakita ang dagger ng babaeng mahal ko..

Naupo ako sa tabi ng lawa saka kinuha yung dagger niya sa bulsa ko..

Nandito parin ang pulang bato...

Napaisip nalang ako bigla ..

Paano kung saktan siya ni Kurt?

Paano kung iiwan niya din siya sa huli?

Makakaya niya kaya akong mahalin pag sinabi kong mahal ko siya?

Sh*t....that f*cking life...bakit palagi ako nasasaktan?

I think kailangan ko nang ihinto tong nararamdaman ko ....lalo lamang akong masasaktan pag pinatuloy ko ito....

Pinahid ko yung luhang pumatak sa pisngi ko ....bakit siya pa kurt?

-------

Ilang minuto din ang tinagal ko sa lawa at naisipang bumalik sa Academy..

Itinago ko narin ulit sa bulsa ko ang dagger niya..alam kong gising na siya...

Titingnan ko nalang siya saglit at iiwas na sa kanya.

-----------

Van Pov

Napatingin ako ng bumukas ang pintuan at inuluwal don si Kurt na bugbog sarado ang mukha...

Wala pa atang nakakaramdam ng kanyang pagpasok ...

Tumayo ako at nilapitan siya ng umupo siya sa isa sa silya...

"What happened to your face Kurt?"sabi ko sa kanya...kaya napatingin siya sa akin at umiwas ulit ng tingin...

Putok ang kanyang labi at nagdudugo pa ito saka may pasa din siya sa kabilang pisngi niya...

"Wala"napanganga nalang ako sa sinabi niya...

Seriously???

"Oh God Kurt anong nangyari sa mukha mo?"sabi naman ni Sirene ng makita si Kurt at nilapitan

"Bat putok yung labi mo?"sabi naman ni Thunder

"Oh may pasa ka pa"sabi naman ni Jade

"Wala"sabi niya ulit at tumayo papunta sa kama ni Demi..

Hindi kaya nagsuntukan sila ni Louise???

Magkasunod kasi sila kanina palabas ng clinic...

"Masama ba ang magmahal?"nagulat kaming lahat sa sinabi niya...

Si Kurt ba talaga to???

"Masasaktan ba talaga pag nagmahal?"natahimik kaming lahat sa sinabi niya.....wala kaming masabi...

Nasasaktan ba siya dahil sa pagmamahal ..

"Kailangan ba pumili kapag nagmamahal?"sabi niya ulit...

Tinitingnan lang niya si Demi na nakahiga sa kama...

At sa isang kurap ko lang ang may nakita akong luhang pumatak galing sa mata niya...

Umiiyak ba siya???

"Wala namang masama kung magmahal diba?"sa ngayon ay humarap na siya sa amin...kahit pula ang kanyang mata makikita mo parin ang na lumuluha siya ...

May emosyon doon na nasasaktan...

"K-Kurt"rinig kong bulong ni Jade ....

Nasasaktan ba siya???

"Siguro tanga lang ang taong nagmamahal"napatingin ako sa kanya at agad siyang sinuntok na ikinatalsik niya sa dingding....

"VAN"sigaw nilang lahat....tiningnan ko ng masama si Kurt...

Hindi tanga ang pagmamahal at alam ko yun....

"Hindi tanga ang pagmamahal,walang pinipili yan Kurt,kusang titibok lang ang puso mo ng di mo malalaman at naranasan mo na yan Kurt,naranasan mo na yan sa KANYA"sabi ko at umalis na sa clinic...

Nakita ko pang masasalubong ko si Louise at may pasa din siya ..

Tama ako...nagsuntukan sila dahil kay demi...

Alam kong may nararamdaman din si Louise kay Demi.. at yun ang ikinabahala ko...

Di ko na siya pinansin ng magkasalubong kami....

Kung makipag agawan lang sila sa isang babae mabuti pang isuko nalang ni Kurt sj Demi kay Louise alam kong hinding hindi masasaktan si Demi sa piling ni Louise...

-------
Kurt Pov

Napasuntok nalang ako sa sahig dahil sa katangahan ko...

Gusto ko si Demi pero gusto ko rin siya

Mahal ko si Demi pero mahal ko parin siya

Pwede bang isa nalang sa kanila???

Bat ang tanga tanga mo Kurt????

"Ang tanga,tanga mo"sabi ko sabay suntok sa sahig...dahil sa katangahan ko nagalit sa akin si Louise at Van...

"Tama si Van,Kurt hindi mo pinipili kung sino ang mahalin mo,kusa lang yang tumitibok ng di mo nalalaman"sabi ni Jade sabay upo sa harap ko at itinuro ang puso ko...

"Siguro nakalimutan mo na siya sa puso mo at pinalitan ng bago,si Demi"sabi ulit nito ......

Napatingin ako sa kanya....awang awa na ba sila sa akin?

P*steng pagmamahal na ito ba't pa ako tinamaan eh..

"Kurt wag mong sisihin ang sarili mo kung kusa ka lang ulit nagmahal,sundin mo ang puso mo Kurt...kalimutan mo na ang nakaraan at ituon ang tingin mo sa kasalukuyan"napantig ang tenga ko sa sinabi ni Carl....

Tama nga sila. ...ilang taon....

Ilang taon akong naghintay na bumalik siya...pero wala...

Hindi siya bumalik....

Kakalimutan ko na ba talaga siya???

Tiningnan ko si Demi sa kama...

Itong babaeng to....nahulog ako sa kanya dahil sa kanyang ugali...moody.

"Kurt kalimutan mo siya, ko ilang taon na ang nakalipas...ilang taon na nang sabihin niya sayong babalik siya...o nandito na ba siya??"napatingin ako kay Zade nang sabihin niya yun....

"At saka jan naman si Demi oh kahit ang brutal niyan maganda parin ang ugali at remember Kurt may baby na kayo"sabi ni Thunder na ikinatawa nila..

napangiti naman ako sa sinabi niya...tiningnan ko isa isa ang mga kaibigan ko...

Lahat sila nandito para sa akin...sinusupu rtahan at masasandigan... Pinapatawa kapag may problema Sinesermonan kapag may kalokohan

Napatingin ulit ako kay Demi saka ngumiti...

Siya...siya ang pipiliin ko.. poprotektahan ko siya at higit sa lahat ay mamahalin..

Hindi ko siya sasaktan..pinapangako ko yan...

"Oh!!ano handa na yang puso mo?"sabi ni Carl saka ngumisi kaya nginisihan ko din siya at pinahid ko ang labi kong putok na dahil sa pagsuntok ni Van...

"Thanks"sabi ko at pumunta sa kabilang kama...

Ipagagamot ko lang tong sugat ko..

Hindi ako galit sa kanilang dalawa...alam ko yun...nag aalala lang sila sa nararamdaman ni Demi na kapag mapupunta siya sa akin ay masasaktan lang siya...

"Oh!anong nangyari sa mukha mo?bakit putok na putok yan?"tanong ni Ate Lei sabay hawak ng hintuturo niya yung pasa ko..

"Awwww"daing ko nalang...hindi ko napansin na masakit pala....

"Tssskkkk love triangle nga naman"sabi ni Ate Lei sabay tawa..napaismid nalang.ako sa kanya..ang tsismosa talaga ni Ate Lei..hehe..chaarr..(A/n:nagmumukha kang bakla ) So??

Ginamot na ni Ate Lei yung sugat ko gamit ang healing power niya kaya bumalik na sa huli ang gwapong mukha ko...*smirk*

"Oh ayan gwapo ka na ulit"napangiti nalang ako sa sinabi ni Ate Lei

"Alam ko"sabi ko sa kanya...

"Alam mo Kurt sa pagmamahal makakaranas ka muna ng masaktan bago maging masaya..kaya kung may mahal ka ipaglaban mo at sabay niyong harapin ang pagsubok...masisira lang yang relationship niyo kung bibitaw ang isa sa inyo..kaya maghanap ka ng babaeng matatag ang loob at kaya kang ipaglaban"napangiti nalang ako sa sinabi ni Ate Lei...nakaranas na ata to ng pag ibig eh haha...

"O siya alis na balik ka na don sa mahal mo..tsuuupeee"grabi talaga tong si Ate Lei oh.. oo...

Bumalik na ako sa kama ni Demi...Tinitigan ko siya habang nakangiti..

Ang ganda niyang pagmasdan kasi kahit natutulog same expression siya...

Cold...

Habang tinitingnan siya ay agad nangunot ang noo ko ng may nakita akong umiilaw sa balikat niya kaya nangunot ang noo ko...

Kaya agad ko siyang nilapitan at itatas na sana ang damit niya sa balikat ng...

"Kurt may problema ba kay Demi?"sabi ni Sirene kaya nabitawan ko to...

"A-Ah wala may nakita kasi akong-----"di ko na natapos ang sasabihin ko ng ng lumapit siya sa balikat ni Demi...na umiilaw...saka itinaas ang kanyang damit sa balikat..

"OH MY GODDDD"napatingin ako sa balikat ni Demi na ngayon ay kitang kita na ang balikat niyang umiilaw ..

Nanlaki bigla ang mga mata ko...

"Anong nangyayari?"sabi naman ni Thunder at nagsilapit sila sa amin..

At gaya ng expression ko nanlaki din ang mga mata nila ..

"W-What the eff"sabi nilang lahat..

"S-Shes.. . . . . .


THE LONG LOST PRINCESS?"

Cloud Academy: Lost PrincessWhere stories live. Discover now