Chapter 46:Prison

3.1K 124 0
                                    

Jade Pov

Walanghiya talagang Drakus na yan.Pag nakatakas lang talaga ako dito sa kulungan na to gigilitan ko talaga yan ng ulo.Grrrr bwiset talagang matanda na yun.

"Hoy ano ba,pakawalan niyo kami dito.Mga bwiset kayo.Pakawalan niyo kami dito hoyyyyyy" sigaw ko ng dumaan ang isang kawal na mukha namang tsunggoy ang mukha.Pweee

Pero ang tsunggoy.Inirapan lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Madapa ka sanang litse ka

"Mga walanghiya talaga kayo.Pakawalan niyo ko dito" sabi ko ulit...

"Tumahimik ka babae.Kung ayaw mong maputulan kita ng dila" sabi ng kawal na inirapan ako kanina.Putulin niya mukha niya.

Napaupo nalang ako sa madilim na selda na to ng mapagod ako.Wala din namang silbi ang pag iingay ko.

Naalala ko si Sirene.Kamusta na kaya siya?.Sana ayos lang siya.

Napatingin ako sa kabilang kulungan ng tumunog yung kadena na nakagapos sa kamay niya.Napairap nalang ako.

Gising na siya.

"Nasan ako?bakit ako nandito?bat may kadena ako?Si demi?" Ani nito.Bwiset naman oh,nakita naman niyang nasa kulungan siya diba?Tanga lang?

Napairap nalang ako sa hangin.Akala ko ba ang talino ng lalaking to?ba't nauto pa?

Habang nag iisip ako kung paano makatakas dito sa madilim na kulungan na to ay may nakita akong isang tao na nakacloack.Dumaan ito sa harap ng kulungan ko.

Hindi ko alam kung babae ba yun o lalaki dahil nakatakip talaga ang mukha niya.Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tumigil siya sa kabilang kulungan na katabi ko lang.

"Anak" napatingin ako sa harap ng taong nakacloak.

Anak??

"Malapit nang matapos ang pagdurusa mo,Ina" pagkatapos nun ay nag sink in sa utak ko ang tinig niya.

Napakafamiliar.

Tiningnan ko ng mabuti ang nakacloak na tao.Subalit di ko talaga makita ang mukha niya.Sino ba siya?

"Tama na,maawa ka"Haissttt ang OOA naman nila.Ang da-drama.

Pinikit ko nalang yung mga mata ko at di na pinansin ang nag uusap.

Mag iisip pa naman ako kung paano makatakas dito.

Bw*set naman kasi eh!Ayaw ba naman gumana ng kapangyarihan ko.

"Where are we?" Hindi ko pinansin si Kurt.Isa pa yan e!

Leader ba talaga siya o sadyang tanga lang siya.Naiinis ako sa kanya.

Kung di lang dahil sa kanya.Di sana kami nandito.Di sana nasaksak si Sirene at masaktan ang mga kaibigan namin.

"Hey-"

"Pwede ba kurt,tumahimik ka.Nag iisip ako ng paraan kung paano makakaalis dito" inis kong putol sa sinasabi niya.Nagpalinga linga ako sa paligid.

Madilim ang lugar na to at tanging sinag lang buwan ang nagiging liwanag sa loob sa pamamagitan ng maliit na bintana.

Bintana??

Tama!

Tiningnan ko ang kabilang selda.Wala na ang nakacloak.

Tamang tama.

Tumayo ako at lumapit sa bintana.Subalit ang taas,di ko maabot.Haisssttt

"Wala kayong takas sa kulungan na to,Prinsessa" di ko na pinansin yung babaeng nagsalita.

Cloud Academy: Lost PrincessWhere stories live. Discover now