Chapter 6: Her Dagger

8.8K 314 0
                                    

Demi Point of View

"Demi pasok na tayo, " rinig kong sabi sa ibaba ni Claire nakabihis din naman ako ng uniform ko, bago pa ako bumaba ay sinuot ko na 'yong gloves ko tyaka lumabas na, by the way dalawang linggo na ako dito sa Academy nabasa niyo naman diba? Dalawang linggo na ako dito at sa dalawang linggong 'yon tanggap ko na mayroon talagang magic. Bumaba na ako sa kwarto ko pero nagulat na lang ako na nandito ang lahat ng Royalties na nag-iingay pero nong nakita nila ako ay tumahimik din sila. Noong nakaraang araw ko lang nalaman na kaibigan pala ng dalawang babae na 'to ang mga Royalties.

"Good Morning Demi," sabi ni Sirene sa akin kaya tinanguan ko lang siya

"Good morning siya," sabi naman ni Zade pero binigyan ko lang siya ng isang malamig na tingin na siya namang ikinalunok ng laway niya.

"Que... este Demi morning," sabi naman ni Jade pero 'di ko na sila pinansin at tumungo na ng lamesa nakita ko pa sa vision ko na tinitingnan ako ng masakit ni Kurt.

Kung naguguluhan kayo sa nangyari do'n sa cafeteria nong first day ko read the flashback.

----Flashback---

"Demi?/Demi/Queen?" sabay na sabi ng tatlong tao na ikinalingon ko sa likuran ng p*ste na 'to namimilipit ata ng sakit, eserve niya 'yan.

Mukha pa ata akong nagulat ng may yumakap sa akin

"*Sniff* Q-Queen *sniff* namiss kita," sabi nito alam kong si Jade to kaya niyakap ko din siya pabalik.

"I miss you too," bigla nalang 'yon lumabas sa bibig ko pero malamig pa rin pagkatapos ng yakapan namin sinalubong kaagad kami ng sigaw.

"MAGKAKILALA KAYO?" sigaw ng mga kasamahan nina Jade kasama ang dalawang babae maliban na lang sa tatlo.

"Yup! siya 'yong ikinuwento ko sa inyo na kaibigan namin," sabi ni Jade t'yaka pinilipot ang kanyang braso sa braso ko.

"YOU!!" napatingin na lang ako sa sumigaw 'yong lalakeng sinikmurahan ko, nakarecover na ata sa sakit pero tiningnan ko lang siya ng malamig akma na rin niya sana akong sugurin ng pinigilan siya ng mga lalake.

"Kurt babae yan," sabi ng isa na kulay light orange ang buhok.

"I dont care!" matigas pa nitong sabi, mayro'n din pala siyang red hair.

"Dont mind him Queen, teka paano ka nakapasok dito?" kibit balikat lang 'yong isinagot ko sa kanya kahit na ako 'di ko alam, tanungin niyo ata si Mommy.

"'Di bale basta makakasama ka na namin dito araw-araw!" sabi nito sabay yakap sa akin.

Umupo na ang lahat sa upuan at dahil labing isa kami kumuha na lang sila ng isang silya para may maupuan ang isa. Kinuwento nila ang lahat sa akin saka nagpakilala na rin.

Cloud Academy: Lost PrincessWhere stories live. Discover now