Chapter 43:The Past and The Preparation

3.4K 118 2
                                    

Demi Pov


Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng dorm kaya naman tumayo ako saka lumabas ng kwarto ko.

Wala ang mga bata sa kwarto kanina at paglabas ko naman ay wala din akong nakitang anino nina Claire at Jhenella san na naman ba pumupunta ang dalawang yun?

Lumabas ako ng dorm at nakita kong busy na busy ang mga Prof at Estudyante ngayon di ko alam kung bakit.Napahawak ako sa likuran ko ng makaramdam na naman ako ng kirot.Di ko alam ang nangyayari sa akin at ilang araw na ako nakakaramdam nito.

Naglakad lakad ako sa hallway ng may narinig akong usapan ng mga Estudyante.

"Nakita na raw ang Prinsessa?"napahinto ako ng marinig ang sinabi nito.

Anong ibig nilang sabihin?

"Oo!kaya nga naghahanda ang buong akademya para sa kaarawan nito bukas at alam mo girl ipapakilala daw siya ni Queen Reina at King Markus sa lahat kasama si Prince Van excited na nga akong makilala ang Prinsessa eh"sabi nito ng dumaan ito sa harap ko.

"Excited na nga rin akong makilala ang Prinsessa eh!"sabi pa ng isa

Kaarawan?

Sorpresa?

Diba ako ang prinsessa?

At wala akong maalala na bukas ang kaarawan ko!

Kunot noo akong naglakad patungong Office ni HM.

May nadadaanan pa akong may nagpapakabit ng mga desenyo sa hallway at pinapaganda ang mga paligid.Ito ba ang tinatago sa akin ng mga kaibigan ko?

Ilang araw ko kasi silang napapansin na may pinagplanuhan sila akala ko nga galit sila dahil di nila ako pinapansin.

Ba't ba ang sakit ng likod ko?

Sumandal muna ako sa pader saka pumikit.Sh*t ba't ba ang sakit sakit ng likod ko?

"Are you okay?"napadilat ako ng isang boses na kinaiinisan ko..

Akma na sana akong aalis ng hawak na naman niya ang braso ko!

"Reighn please!let me explain"sabi nito nanginginig ang mga kamay niyang nakahawak sa akin kaya tiningnan ko siya ng masakit.

"5 minutes"sabi ko isang ngiti ang lumabas sa labi niya na alam kung pilit lang tinitingnan ko lang siya ng malamig na expression.

"Not here"

------

Nandito kami ngayon sa rooftop kaharap ko ngayon si Travis.

"Begin"sabi ko sa kanya na ikinababa ng tingin niya sa sahig.

"Nung gabing sinabi ko sayong susunduin kita sa School sa AU nakapasok na ako sa kotse nun...."pinutol ko ang sinabi niya ng magsalita ako.

"Bakit di ka dumating?"sabi ko nakayuko lang siya habang nakasara ang kamao nito.

"May tatlong lalaking lumapit sa akin nun at sinabing nadisgrasya ka,ayaw ko pa sana maniwala subalit pinakita nila sa akin ang pekeng litrato na ikaw,sumama ako sa kanila subalit hindi ikaw ang nakita ko......"

"Im not that kind of girl na madidisgrasya lang basta basta Trav at alam mo yun"sabi ko sa kanya.

"Yeah oo nga pero nahulog ako sa patibong nila,nang nalaman kung patibong lang yun ay aalis na sana ako kaso may isang bagay ako na naamoy na ikinawalan ko ng malay........"

"Malayo ka na sa dapat mong ipapaliwanag Travis"inis kong sabi sa kanya alam kong hindi yun ang totoo at gusto niyang pahabain ang pag uusap na to para di ako makakaalis kaagad.

Cloud Academy: Lost PrincessWhere stories live. Discover now