Chapter 20:Her Second Power

6.9K 239 1
                                    


Demi Pov



Hindi ako makatulog ngayon dito sa kwarto ko....P*ste iniisip ko parin ang halik ni Kurt na yun...

Sh*t nakuha na nga niya yung First Kiss ko hanggang Second kiss pa...haiiisssttttt...

Kiss stealer ang abno.....nagpagulong gulong ako rito sa kama ko haissst di talaga ako makatulog...

Kaya tumayo na ako at lumabas...kumuha muna ako ng jacket ko at naglakad lakad sa hallway...

At tanging takong lang ng mga sapatos ko ang naririnig dito....at hanggang sa napunta kusa nalang naglakad ang mga paa ko papuntang labas ng akademya....

Hala?anong ginagawa ko dito?

Nagpalinga linga nalang ako at nakiramdam pero wala naman akong narardaman kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.....

Ang sabi kasi nila bawal lumabas ng akademya kapag gabi dahil maraming mababangis na hayop ang gumagala at delikado dito...

Pero anong magagawa ko?dinala lang ako ng mga paa ko dito eh....

Tahimik din ang paligid at minsan ay nakakarinig ako ng kaluskos pero pinapakiramdaman ko to at mga maliliit lang na mga insekto yun...

Habang naglalakad ako ay may nakita akong isang lawa na kumikinang kinang pa ito dahil sa liwanag ng buwan........

kaya lumapit na ako dito at naupo sa tabi nito...kalahati lang ang buwan ngayon...pero kahit kalahati ay maliwanag...

Ang ganda pala dito pag gabiߘʰߘʮ..may mga alitaptap pa kasing nagsisiliparan sa lawa..

Sinisimoy ko lang yung mga malalamig na hangin na dumadampi sa mukha ko...

Feeling ko ang relax relax ng katawan ko...

"Isang taga Akademya"nakarinig ako ng malamig na nagsalita sa likuran ko...

Tskkk kahit kailan ang eepal nila sa buhay ko...ang gusto ko lang naman kaya napunta ako ay peaceful hindi fighting...ta*na...

Kinuha ko muna yung mask na dala dala ko saka yun sinuot(maskara po yanߘ©

Namiss ko ang maskara kong ito...matagal tagal ko na itong hindi nagagamit...

Saka tumayo na ako at humarap sa kanya..hindi niya yun malalaman na naglagay ako nga maskara dahil may hood yung jacket ko..

"Isang taga Dark Kingdom hu?"ngisi kong sabi...nakahood din siya kagaya nung nakalaban ko noon..

"Don't you dare to und------"tskkk..pikon agad?yun panga lang ang sinabi ko eh..

"Underestimate you?who are you ba?"sabi ko na siyang ikinapula ng mata niya....

"Tama nga ako,ikaw ang tumalo sa kapatid ko at sa mga kasamahan niyang council"napahalakhak nalang ako sa sinabi niya....council?

Council ba ang tawag dun sa kanila?hahahaha natalo lang ng isang kagaya ko?owww ang hihina naman pala ng council nila..

"At sa tingin ko hindi ang isang kagaya mo ang tatalo sa akin"sabi nito sabay ngisi
..

Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay nawala na siya sa harap ko at naramdaman ko nalang yung tuhod niya sa likuran ko kaya bigla akong tumalsik sa isang puno...

Sh*t gusto ba niya ng away? Pwes pagbibigyan ko siyaa ng impyerno..

Tumayo ako mula sa pagkatalsik at pinahid yung dugong nasa labi ko..tsk..

Ilang oras pa nga lang ang pahinga ko mula sa leveling at tapos lalaban na naman?

Ngumisi siya sa akin ng tingnan ko siya ng masama...at biglang may lumitaw na isang tigre sa kanyang tabi...

Ang guardian niya....napakuyom nalang ako ng kamao ko...

Madumi pala talagang makipag laban ang mga taga dark...

"Aquarious"tawag ko kay Aqua...subalit walang Aqua ang lumitaw sa tabi ko...

Naalala ko palang nagpapahinga si Aqua ngayon..haissstt

Wala na akong choice kundi lumaban mag isa....

May pinalabas siyang fire ball at itinira sa akin kaya umiwas ako doon..

At ako naman ay nagpalabas ng fire ball at itinira sa kanya subalit hindi pa ito nakakarating ay nawala na ito...

Sh*t ang useless ng apoy ko sa dahil apoy din ang kapanyarihan niya...agad din naman akong binugahan ng kanyang Guardian ng apoy pero umiwas ako at tinirahan sila ng fire ball pero umiwas lang ito sa tira ko aitsss

Hmmm 1 vs 2?fire vs fire?fine alam kong kakayanin ko ito...

Bigla nalang ulit yung lalaki at lumitaw ito sa likuran ko at akma na sanang ilapat yung hawak niyang espada sa katawan ko ng pinalabas ko ang dagger ko at tinransform into a fire Sword at sinagga yun saka siya sinipa kaya napaatras siya....

At may naramdaman naman akong apoy na papalapit sa akin kaya gumawa naman ako ng Fire Shield ko...

"Tama nga siya,ang husay mo talaga pero tingnan nalang natin kung mahusay ka pa rito"sabi nito na ikinalaki ng mata ko...

Ang kanyang tiger kanina ay nagtransform bilang isang malaking aso na naglalaway at kasing laki ito ng limang malalaking elepante na ipinagsama...may pakpak ito na itim at mata na. Nag aapoy saka naglalaway ang bibig niya...ang kanyang buntot ay may mga tinik tinik na nakalagay..

Sh*t bigla ko nalang naisip si Flaire...oo tama si Flaire

"Flaire"tawag ko at bigla nalang siyang lumitaw sa harap ko...

kagaya ng nakita ko kanina sa guardian ng darkian na yun ay ganon din ang reaksiyon niya...

"The Devil Guardian Dog"sambit ni Flaire...ha?Devil Guardian Dog?ano yun?hehe

"Legendary Fire Fairy hu.? Pero walang laban ang guarian mo sa alaga ko ahahahaha Devo sugurin mo na sila"sabi nito at humalakhak

"Mag iingat ka Master mapanganib ang kanyang laway isa iyang acido kaya mag iingat ka"sabi ni Flaire kaya tumango nalang ako sa kanya at naghanda na...

Ipinalabas ko kaagad ang fire ball sa kaliwa kong kamay habang hawak hawak ko yung nagbabagang espada ko...

Napaiwas nalang ako ng bugahan niya ako ng apoy..kaya napunta ako sa kanan at si Flaire naman ay sa kaliwa...

Pero ako ang sinugod niya...tsk...tumakbo nalang ako ng tumakbo saka siya pinaulanan ng Fire Ball pero hindi siya natatablan....

Naisip ko ring gumawa ng illusion at ipasok siya pero di naman tumalab...

Aiiitttssss mahirap ba patayin ang halimaw na to????

"Master yuko"napayuko nalang ako ng biglang nagbuga ang halimaw sa akin....

"Aarrrgghhh"napatingin ako sa gawi ni Flaire ng tumilapon siya sa puno ng maabot siya ng buntot nito...

"Flaire"sabi ko pero ngumiti lang to sa akin saka lumipad naman ulit.

Nakaramdam ako ng mainit na likido sa likuran ko...

Sh*t huminto pala ako sa pagtakbo...kaya napatingin ako sa likuran ko at doon na ang halimaw na asong malagkit na nakatingin sa akin...

May mga likidong tumutulo sa kanyang bibig papuntang lupa kaya natutunaw ang mga dahon at papunta ito sa akin

Sh*t anong gagawin ko?useless naman ang apoy ko..ganon din ang illusion ko...

Kaya akma na sana akong kakagatin ng aso pero agad ko ding isinangga ang espada kong nagbabaga kaya bumaon ito sa bibig niya na ikinaungol niya...

"Sh*t anong ginawa mo sa alaga ko?"bago pa ako lumingon ay tumalsik na ako sa puno na ikinadaing ko...

Sh*t pangalawa na yun ah...masakit pa naman...

Tumayo ulit ako kahit masakit yung likuran ko saka tiningnan sila...

Wala na ang espada kong nakatarak sa bibig ng aso..napalapit naman sa akin si Flaire na may pag alalang mukha

"Master ayos ka lang ba?"tumango nalang ako kay Flaire at tiningnan ng seryoso ang dalawa na ngayon ay ngumingising nakatingin din sa amin....

"Mabilis ka lang pala sa physical babae subalit walang wala ka sa paggamit ng kapangyarihan hahaha"biglang napantig ang tenga ko don sa sinabi niya...ayaw ko ang minamaliit ang kakayahan ko...

Kaya biglang nagbaga ang katawan ko at uminit bigla ang paligid na ikinagulat nila.pero agad ding ngumisi....

"Sayo pala nanggaling ang.mainit na mahika noon babae subalit hindi matatablan ng kapangyarihan mo ang alaga ko"sabi niya ..

Minamaliit talaga ako ng lalaking to...kaya biglang nagbaga din ang mga mata ko....

"Underestimate me and you're dead"malamig sa malamig kong sabi na ikinahalakhak niya..

Naningkit bigla ang mga mata ko kaya nagteleport na ako papunta sa harap niya at sinipa siya sa mukha kaya bigla itong tumalsik...

Sinugod naman ako ng alaga niya at akmang bubugahan ng apoy ng kinontrol ang apoy nito at ibinalik sa kanya..

Kaya nawalan ito ng balanse at natumba na ikinayanig ng paligid..

"You bitch"galit namang sigaw ng lalaki saka naman ako tumalsik sa lupa ng matamaan ng apoy niya....

"Arrgghhh"daing ko ng tumalsik ako

Nagbabaga ang kamay niya ng apoy pero itim na ito..kaya hindi kaagad ako makatayo dahil sa malakas na impact ko kanina at isabay mo pa ang malakas niyang itim na apoy...

Tatayo na sana ako ng bigla nalang niya akong sinakal kaya napataas ang katawan ko sa ere..

Tiningnan ko si Flaire at kagat kagat din siya ng aso...

At mukhang naglalaho na ang mga apoy niyang pakpak...napahawak ako sa kamay niyang nakahawak sa leeg ko ang higpit higpit nito at ilang minuto pang hindi ako makakatakas sa kanya ay mawalan ako ng hininga...

"Mamamatay ka"sabi nito pero di ko na yun pinansin at tiningnan si Flaire na pinipilit makatakas mula sa pagkagat sa kanya...konti nalang at wala na ang kanyang pakpak...

Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko ng makita ko ang alaga kong nagpupumiglas mula sa kamatayan...

Ba't ba ang hina hina ko?.?.hindi ko manlang maprotektahan ang mga Guardian ko... bakit ba umaasa ako sa kanila?

Bakit ba komportable akong maprotektahan sila?pero bakit di ko manlang nagawa?

Tiningnan ko ulit si Flaire na nanghihina na..hindi ko alintanang sinasakal ako..

"FLAIREEEEEEEEEE"sigaw ko nang bigla siyang isinubo ng aso

Nakaramdam ako ng luhang tumutulo sa mga pisngi ko,bigla ring sumikip ang dibdib ko sa nakita ko....

Kaya napahigpit ang hawak ko sa lalaking sumasakal sa akin...patuloy rin ang pag agos ng luha ko sa mga pisngi ko...hindi ko naprotektahan si Flaire...

Biglang umusbong ang galit ko sa dibdib ko at bigla nalang tumalsik ang lalaki sa isang puno ng tiningnan ko..siya..

Bigla ring bumuhos ang malakas na ula ..Umuulan na...sinasabayan ang pag iyak ko

Bigla nalang nagulat ang lalaki sa nagawa ko...pero di ko na sila pinansin...

Biglang sumisikip ang dibdib ko dahil sa galit..

"It's payback time"

Malamig kong sabi sa kanila...agad namang inatake ako ng malaking aso pero agad ko siyang ginamitan ng Water Wave kaya tumalsik siya saka yumanig ng malakas ang lupa...

Naramdaman ko namang papalapit sa akin yung lalaki. Ng gamitan ko siya ng Water Blade kaya tumalsik din siya..

Gagawin ko ang lahat mapoprotektahan lang ang mga taong nakakapaligid sa akin lalong lalo na ang mga Guardians ko...

Napangisi ako ng makita silang nanghihinang tumayo at dahil narin sa mga sugat sa natamo nila...

Nanghihina din sila dahil sa tulong ng ulan..useless ang kanilang kapangyarihang apoy kaya malalagot sila sa akin...

I use my power to make a water sword saka ko tinakbo ang malaking aso na paika ika nang maglakad.....

Bigla ko nalang itong sinaksak sa puso na ikinaungol niya ng malakas..saka tinadtad ang kanyang tiyan....

"Devo"rinig ko namang sigaw ng lalaki pero agad naman akong napangisi sa kanya...

Now!!!ipaghihiganti ko si Flaire sa ginawa ng alaga mo...

Pinagalawa ko ang tubig ng lawa saka pinapunta sa kanya...

Tsk...papatayin ko siya sa pamamaraan ng walang hininga para maalala niya ang ginawa niya...

Pagkatapos kong gawin yun ay ibinalik ko na ang tingin ko sa wala ng buhay na halimaw na to...

Ginamit ko ang espada ko at hiniwa ang tiyan niya...

Wala akong pakialam kong ano man ang ginagawa ko...basta mahanap ko lang siya...

At nang mabuksan na ang kanyang dibdib ay muntikan na akong masuka dahil sa mabahong amoy nito....malalaki ang kanyang mga lamang loob at sigurado akong mahihirapan akong hanapin ito...

Napahawak nalang ako sa ilong ko at bibig dahil sa mga nakikita kong nakain ng halimaw na to..

Mga buhay pang mga hayop siguro ng nilamon nito dahil ang iba ay gumagalaw pa..may mga iba't ibang parte din ng mga katawan ng hayop ang nagkakahiwalay na...at ang ikinalaki ng mata ko ay may mga taong putol putol na ang iba't ibang parte ng katawan...may mga pugot na ng ulo na nakadilat ang mga mata...

I tried to hide them dahil kailangan kong mahanap ito kaagad dahil alam kong may paparating na...

Hinalukay ko ng hinalukay ang mga iba't ibang parte ng lamang loob ng halimaw subalit hindi ko ito makita .

Ginamit ko ang Six Sense ko kaya nakita ko na ito kaagad..

Napunta ako sa bunganga ng halimaw..at agad itong hiniwa kaya nabuksan ng di nahihirapan..

Kaya halos tumalon na ako sa tuwa ng makita siya...umiilaw parin siya pero nanghihina na...

Dali dali ko siyang kinuha at inilagay sa lap ko...namumutla siya at hinang hina na..may konting naiwan na pakpak niya pero hindi na siya makakalipad...

Hinaplos ko yung kanyang mukha kaya napadilat siya...

"M-Master"muling tumulo yung luha ko ng marinig ko yung tinig niya.....kaya niyakap ko siya ...

Ayaw ko silang mawala sa akin...mga alaga ko sila kaya hindi silang dapat mawala....

Lalo namang bumuhos ang malakas na ulan..dahil sa nararamdaman ko...

Nailigtas ko siya...

"Flaire"sambit ko ng mawalan ulit siya ng malay....kaya binuhat ko siya....

Ako ang dahilan kong bakit sila palaging nasasaktan...pero wag na kayong mag alala po-protektahan ko kayo....

Tumayo na ako..habang dala dala ko si Flaire alam kong basang basa na ako pero wala akong paki...

Muling tiningnan ko na yung lalaking nakalutang na sa loob ng tubig wala na itong hininga kaya nag snap ako ng isang beses at biglang bumalik ang tubig sa lawa...

Napatingin ako sa di kalayuan...may mga yabag na akong naririnig papunta rito...

Kaya nagteleport na ako papuntang kwarto ko....

----------


Third  Person Pov

Nang naglaho na ang dalaga ay siya ding pagdating ng mga council ng Akademya kasama ang Headmistress at lahat ng royalties...

Agad na nanlaki ang kanilang mga mata sa nakita at agad din nasuka ang dalawang dalaga sa nakitang mga lamang loob ng halimaw

At napamura din ang ilan sa kanila

"Sh*t ang brutal ng pagkakagawa niyan sa halimaw"sambit ng isa sa mga Council...

"Maglibot kayo siguradong di pa nakakalayo ang may gawa nito"utos ng kanilang headmistress kaya nagkahiwa hiwalay sila...

"H-Headmistress"sabi ng isang dalaga na si Jade nang may nakitang isang taong nakahandusay sa lupa...

"Darkian"bulong nila

Agad naman nila itong nilapitan saka pinulsuhan

"May pulso pa,James buhatin mo ang darkian na yan at dalhin sa academy"utos ng headmistress na isinunod naman ng isang member ng council....

Habang busy sa darkian ang lahat naglibot libot ang isang binata sa paligid...

Hanggang sa napahinto ito ng may nakitang isang bagay na nakatarak sa lupa...

Kaya dali dali niya itong pinuntahan at ikinuha na ikinanoot ng noo nito...

Isang espada na nagbalik bilang isang dagger...biglang pumasok sa isipan kaagad ng binata ang nag mamay ari ng dagger na yun...

Isang tao lang ang may ganong gamit...




"Demi"

Cloud Academy: Lost PrincessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt