Chapter 1: Him

3.4K 70 1
                                    



December 1, 2017

Dear Diary,

Do you believe in first love never dies?

I have a first love. We've got separated by circumstances and after seven long years fate brought us back together.

I can't believe that after all those years...he is still the man who owns my heart...no one else.

But, is this destiny?

Or...we both just need it...to put an end of the story that never even started before?

Yours,

Beth

***

ALAS SAIS Y MEDYA na ng umaga. Naihanda na ni Beth ang mga kagamitan na kanyang dadalhin para sa araw na ito. Handa na ang lesson plan, handa na rin ang iba't- ibang instructional materials na kanyang gagamitin para sa iba't-ibang subjects na hawak niya.

Bago umalis ay sinulyapan niyang muli ang mga kagamitan kung kompleto na ba ang lahat o baka may nakalimutan pa siya. Nang masiguradong bitbit niya na ang lahat ng kanyang kailangan ay agad itong tumungo sa pinto, ni lock at bumaba sa tatlong malalapad na hagdan ng kanyang bahay at kinandado ang malaking bakal na gate tsaka umalis.

Pinara niya ang  tricycle na dumaan. Agad naman siyang hinintuan ng sasakyan.

Napalibot ng tingin si Beth sa ibang mga high shool students na kanyang kasakay. Nakasuot ang mga ito ng kulay puting polo shirt, may gray necktie at gray plated skirt.

Hindi niya mapigilang mapangiti, dahil ito ang uniporme niya noon noong siya ay nag-aaral pa sa highschool.

"Masarap bumalik sa highschool...ang pinakamaligayang sandali ng aking buhay noon...dahil nandoon... pa siya..."bulong niya sa isip habang nakangiti.

Nang umaandar na ang tricycle ay hindi niya mapigilang muling mapatingin sa mga lugar na madadaanan ng sasakyan.

May sarili siyang kotse, regalo ng kanyang asawa noon, hindi naman kasi kayang makabili ng kotse ang maliit na sweldo ng isang public school teacher. Pero sa araw na ito ay mas gusto niyang sumakay lang sa tricyle para makapagmuni-muni. Ganito siya palagi...lalo na pag...nararamdaman niya ang malaking puwang sa kanyang puso...

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at muling itinuon ang attention sa labas ng bintana ng sasakyan.

Napansin niya ang pagbubukas na ng mga maliliit na tindahan ng mga negosyanteng Muslim kung saan nagbibinta sila ng mga damit, bag, tsinelas at sapatos. Namumuhay ng mapayapa ang mga muslim at kristiyano sa kanilang lugar, isa sa magandang aspeto ng maliit na syudad na ito.

Pero...

Marami na ang nagbago sa kanilang siyudad, naisip niya. Hindi na ito tulad noon noong siya ay bata pa na naroroon pa ang PICOP, once the largest integrated wood and paper milling company in Southeast Asia . Dati kasi naalala niya na walang tri-sikad na gumagala sa mga daan lahat kasi noon ay nagtatrababaho sa kompanya.

Hindi rin tulad ngayon na maraming mga tricycle na kahit iisa lang ang pasahero ay pumapayag na ang drayber na pumarada...hindi tulad noon...maliit lang ang mga tricycle na bumabyahe dahil halos lahat ng mga mamayan sa Bislig City noon ay sa PICOP nagtatrabaho.

Pero...noong nagsara na ang kompanya...maraming nawalan ng trabaho...maraming nangibang bansa...at maraming lumipat ng tirahan sa malalaking siyudad para doon maghanabuhay.

Napakalungkot...

Nadaanan ng sasakyan na kanyang sinasakyan ang ibang mga mag-aaral na masayang nagkukwentuhan habang naglalakad patungo sa kanilang paaralan.

My Virgin Widowحيث تعيش القصص. اكتشف الآن