Chapter 12: Loneliness

1.6K 69 2
                                    


December 31, 2017

Dear Diary,

Ayon sa pamahiin kung sino daw ang kasama mo sa bagong taon ay makakasama mo buong taon. Pero hindi na ako naniniwala nun. Paano naman kasi kasama ko noon ang pamilya ko sa bagong taon noong January1, 2009 pero bago magpasko sa taong yun ay hindi ko na sila nakasama pa...

Noong bagong taon sa 2015 kasama ko noon ang asawa ko...pero makalipas lang ng ilang buwan ay nawala rin ito dahil sa isang aksidente...hindi ko rin siya nakasama buong taon sa taon na yun...

Ngayong bagong taon...wala akong kasama...ako lang ang mag-isang nanood ng fireworks display...habang umiiyak...

Yours,

Beth

***

"Miss torotot, tag twenty-five pesos lang," nakangiting sabi ng binatilyong nagtitinda ng torotot.

Napailing-iling si Beth, " Sorry, pero hindi ako bibili," nakangiting sabi niya.

Muling naglakad si Beth para makahanap ng pwesto sa lugar. Nasa baywalk siya ngayon isang pasyalan sa Bislig City. Maraming mga tao ang nandoon yung iba ay magkasintahan, yung iba naman ay magkaka-ibigan at yung iba naman ay magkapamilya. Masaya ang mga tao sa paligid niya...pero siya lang yata ang malungkot sa gabing yun.

Nang makahanap siya ng pwesto, malayo ito sa karamihan, at mangilan-ngilan lang ang mga taong nandoon. Nasa may ilalim ng puno ng niyog siya tumigil at umopo sa mahabang sementong bench na nandoon. Inilapag niya sa tabi niya ang kanyang dala-dalang maliit na picnic basket. Kaunting pagkain lang naman ang dala niya, nagdala lang siya ng tatlong empanada, isang bottled mineral water at isang coke in can.

Naka-upo lang siya doon ng mag-isa...nakatanaw sa malawak na karagatan at sa bahagi kung saan makikita ang baybayin ng baranggay Mangagoy. Hindi niya mapigilang mapangiti habang nakatanaw sa iba't-ibang kulay ng ilaw na makikita sa bahaging yun...parang mga bituin sa kalangitan napakaganda tingnan.

Malakas na umihip ang hangin mula sa karagatan, napatingin siya dito at muli ay napatulalang napatitig sa malawak na karagatan.

Hindi umuulan ngayon, kaya nakikita niya ang malaking bilog na buwan na tumatanglaw sa madilim na karagatan. Ang huni ng mga panggabing insikto, ang mahinang alon ng dagat, ang mayuming ihip ng hangin...yun lang ang tanging tunog na bumabasag sa katahimikan ng gabi.

Ilang oras siyang nakatitig sa kawalan, wala siyang ibang ginawa kundi titigan lang ito.

Ito na yata ang pinakamalungkot na sandali ng kanyang buhay. Inaanyayahan siya ni Mrs. Quinto na sa bahay nito magbagong taon, pero tumanggi siya. Gusto niyang mapag-isa. Mas nanaisin niya yun kaysa may makasama siyang ibang tao. Gusto niyang sanayin ang sarili na mag-isa lang...dahil sa huli palagi lang naman siyang naiiwang mag-isa.

Hindi niya alam kung nasaan nanggaling ang pagiging negatibo ng kanyang utak...pero ayaw na niya talagang umasa na habang buhay ay may makakasama siya...dahil wala rin naman...masasaktan at masasaktan lang siya...mas mabuti na ang ganito... mas mabuting sanayin niya ang sariling mag-isa.

Binuksan ni Beth ang takip ng picnic basket na nasa tabi niya kinuha niya ang baon niya at tahimik na kinain habang nakatanaw ulit sa karagatan.

Pero...ang hindi niya maintindihan bakit nalalasahan niya ang maalat na lasa ng dagat...dahan-dahan niyang dinampian ang nabasa niyang pisngi...

Bakit ba palagi na lang siyang umiiyak?

Ang paisa-isang pagpatak ng kanyang luha kalaunan ay parang ulan na na pumapatak sa kanyang kandungan. Ilang beses niyang ikinusot ang mga mata, pero hindi pa rin tumitigil ang mga luha niya sa pagpatak. Hanggang sa naramdaman niya na lang na yumuyugyug na ang kanyang mga balikat. Humihikbi na siya at ngayon ay humahagulhol na sa pag-iyak.

Ayokong mag-isa...Ayokong mag-isa...napakalungkot ang mag-isa...

"Andrei sana nasa tabi kita ngayon...alam mo kung paano ako papangitiin...alam mo kung paano mo papagaanin ang aking loob...sana nandito ka sa aking tabi ngayon...mahal kong kaibigan...miss na miss na kita..."

"Miss, may nagpapabigay sa iyo...ang sabi niya...huwag ka na raw umiyak...dahil babalik sa iyo ang taong mahal mo..." biglang sabi ng isang tinig na nagmumula sa isang babae. Hindi niya masyadong nakita ang mukha ng babae dahil nanlalabo ang paningin niya dahil sa namumuong luha sa kanyang mga mata. Inilalahad nito sa kanya ang isang bouquet ng puting rosas. Inabot niya ito at inamoy, habang tuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang mga luha. Nakita ni Beth kung paano saluin ng talutot ng bulaklak ang luha niyang pumapatak.

Hindi niya maintindihan, parang biglang naglaho ang kalungkutan niya nang maamoy ang bango ng bulaklak. Para bang biglang naglaho ang sakit na dumudurog sa puso niya dahil na napakabangong amoy na nanggagaling doon.

Nakita ni Beth ang isang piraso ng papel na nakadikit sa bulaklak. May nakasulat doon. Kilalang-kilala niya ang sulat kamay na nakasulat sa papel...at walang ibang taong tumatawag sa kanya sa ganoong paraan...ito lang...

Smile my sweet kitten.

"But how could this be?" kinakabahan niyang bulong sa sarili.

Bigla siyang napalingon-lingon sa kanyang paligid pero kahit na anino ng babaing nagbigay sa kanya ay hindi niya mahagilap.

"How could this be?"

"He is...dead..." mahinang bulong niya. Tapos bigla na lamang naramdaman niya na para bang bigla siyang niyakap ng malamig na hangin. Pero sa halip na matakot ay buong puso niya itong tinanggap. Hindi niya maintindihan ang nadarama...kahit napakalamig ng hangin na yumayakap sa kanya...bakit nagdulot ito ng mainit na pakiramdam sa puso niya?

"Is that you Andrei... my Andria?" mahinang bulong niya habang nakangiti. Niyakap niya ang bulaklak at napatingala sa kalangitan.

Malapit ng matapos ang fireworks display...pero hindi niya aakalaing nakangiti siyang nakatingala at tinatanaw ang dahan-dahang paglaho ng iba't-ibang kulay na kumikislap at sumasayaw sa madilim na kalangitan.

"If this little one inside me is a boy...I will call him...Andrei...but if it is a girl I will call her Maria Andria..."

#MyVirginWidow

©Sleepingangel101

My Virgin WidowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon