Chapter 6: Rain

1.3K 56 8
                                    

Sometimes ago...

"Beth...I love you..."buong tamis na bulong ni Zach kay Beth habang binibigyan ng mamunting halik nito ang kanyang buhok.

Napatingala si Beth sa binata at gulat na napatitig sa mga mata nito.

"I love you?:

Ito ang unang beses na sinabi ni Zach ang tatlong salitang iyon sa kanya, palagi kasi nitong sinasabi sa kanya ang salitang "gusto kita" or "I like you"...kailanman hindi pa nito sinabing "mahal" siya nito.

"I love you Beth..." muli nitong bulong sa kanya habang dinadampian ng halik ang kanyang noo sunod ay ang tungki ng kanyang ilong.

"I know what I felt for you right now is not just 'like' but love. Kailanman hindi ako nakadama ng ganito katinding damdamin sa sinomang babae sa iyo lang Beth. How about you, do you love me too?" buong suyo nitong tanong sa kanya at nababasa ni Beth sa kulay itim nitong mga mata ang nag-uumapaw nitong pagmamahal para sa kanya.

Pakiramdam niya para siyang nililipad sa alapaap. Napakasarap sa pakiramdam at walang kasidlan ang sayang pumupuno sa kanyang puso.

Kinulong ni Beth ang mukha ng binata gamit ang dalawa niyang mga kamay.

"I love you too Zach...I love you... sa iyo ko lang naramdaman ang ganitong klase ng damdamin...at alam ko sa iyo ko lang ito mararamdaman habang buhay. Mahal na mahal kita Abrahm Zachary," tugon ni Beth habang matamis na nakangiti sa binata.

"Beth..." tawag nito sa kanya, sunod ay buong suyong dinampian ng halik ang dalawang palad niyang nakakulong sa mukha nito. Hinawakan nito ang dalawa niyang palapulsuhan at dinampian ng mamumunting mga halik habang ang mga mata nito'y malagkit na nakatitig sa kanyang mga mata.

"Beth...hindi pa ba ako pwedeng magpakilala sa mga magulang mo? Napapagod na ako sa ganitong klase ng relasyon meron tayo. Mahal natin ang isa't-isa pero wala akong karapatang tawagin kang 'akin' dahil hindi pa tayo pormal na magkasintahan. Gusto kong pormal na maging tayo." Dama ni Beth sa boses ng binata ang matinding pagtatampo.

"Zach...I'm sorry...pero...ayaw talaga ng mga magulang ko na magkaroon ako ng boyfriend...pasensya na..." nakayukong tugon ni Beth sa binata.

Narinig ni Beth ang malalim nitong buntong-hininga.

"Fine. Just promise me...after we graduated...na papayag kang pormal akong bumisita sa inyo at pormal na hingin ang kamay mo sa iyong mga magulang. Is that okay?" tanong nito sa kanya kahit dama pa rin niya sa boses nito ang pagtatampo.

Napangiti si Beth at sumagot sa binata.

"Sure! Thank you Zach..." masigla niyang sabi tapos ay niyakap niya ng mahigpit ang binata.

"Sweetheart, don't test my patience," bulong nito sa kanya habang dinadampian ng halik ang kanyang noo.

Mabilis siyang bumitaw sa yakap at napahakbang ng tatlong beses habang nakayuko.

"I'm sorry Zach..."

Narinig niyang muli na naman itong humugot ng malalim na buntong- hininga.

"When you are officially my girlfriend...I will go straight to your lips and kiss you deep and torrid, sweetheart."

Biglang nag-init ang dalawa niyang pisngi sa narinig. Kahit dalawang taon na, na ganito ang klase sa relasyon meron sila...kahit kailan hindi pa siya hinalikan nito sa labi.

We never shared our first kiss.

Kahit binabalot ng matinding hiya ay nagawa paring sabihin ni Beth sa binata ang mga salitang iyon.

My Virgin WidowWhere stories live. Discover now