Chapter 14: The Beginning of the End

3.2K 81 6
                                    


February 10, 2018

Dear Diary,

Isang linggo buhat ng ikinasal kami ni Zach. Bawat araw na kasama siya ay walang kasidlang ligaya sa aking puso.

Masaya ako dahil nandiyan siya sa tabi ko, lalo na sa twing inaatake ako ng morning sickness ko. Nandiyan siya para hagurin ang likod ko habang ilang beses akong nagduduwal sa toilet. Pagkatapos ng pagsusuka ko ay siya ang nag-aalok ng towel matapos kung makapaghilamos. Simpleng gestures lang yun na ginagawa niya pero napakalaking biyaya na yun sa akin.

Nagpapasalamat ako sa Diyos na sa kabila ng lahat na pinagdaanan naming dalawa ni Zach siya pa rin ang lalaking nakatuluyan ko. Sabi nga nila kayhaba-haba man ang prusisiyon sa simbahan pa rin ang tuloy.

Hindi ko aakalaing si Zach talaga ang lalaking itinadhana ng Diyos para sa akin at dahil doon lubos akong nagpapasalamat sa Kanya.

Dalangin ko lang ay makasama ko habang buhay ang lalaking mahal ko.

Yours,

Beth

***

"Andrei, hindi kaba magagalit kung papalitan ko ang litrato sa kasal natin sa kasal naming dalawa ni Zach?" nakangiti niyang tanong sa larawan ni Andrei noong sila ay ikinasal.

Matamis itong nakangiti sa kanya.

"Palagi talagang matamis ang ngiti mo Andrei hindi nakakasawa. Kung nasaan ka man ngayon alam kong masaya ka para sa akin...tama ba ako, Andria?" mahinang sabi niya habang tini-trace ng hintuturo niya ang masayang mukha ng lalaki sa larawan.

"Beth, let's go. May Meeting pa kami sa munisipyo and I'll need to be there on time. Ikaw din diba may MTAP Division Contest pa naman kayo ngayon? Ano pa ang ginagawa mo diyan tayo na," utos ng asawa niyang si Zach.

Kahit naggalit-galitan ang lalaki sa kanya nakangiti naman ang mga mata nito sa kanya.

"Opo, boss nandiyan na po!" masayang tugon niya habang marahang ibinaba ang litrato ng dati niyang asawa...ang naging matalik niyang kaibigan sa loob ng limang taon.

Hindi makapaniwala si Beth nang muli siyang napatingin sa litrato ni Andrei ay bigla na lamang itong kumindat sa kanya.

Muntik ng matumba si Beth sa nakita. Pero noong muli niyang tinititigan ang larawan ay wala namang nagbago. Ipiniling ni Beth ang kanyang ulo.

"Sweetheart let's go what are you doing there? Buong araw mo bang titigan yang mukha ng dati mong asawa baka magsalita yan sa harap mo ikahimatay mo pa. Let's go!"

Bigla siyang hinila ni Zach palabas sa pinto, pero bago makalabas ay muli siyang napatingin sa litrato, nakita niyang muli na naman itong kumindat sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay napangiti siya.

"Maraming salamat Andrei."

***

"Sinong kalaban mo, Mrs. De Guzman?" biglang tanong sa kanya ng isa sa guro sa central school.

Siya ay si Miss Maria Antoinette Garcia, grade five math teacher. Kilala ito sa tawag na Miss Maldita kasi daw ito ang pinaka maldita na guro sa kanilang paaralan, walang kinikilingang tao, walang sinasanto. Kung nakikita nitong nasa tama ito ay hinding-hindi ito aatras sa kalaban nito. Rinig niya maraming nakalaban na guro ito sa kanilang paaralan pero lahat ay hindi makapalag dito. Kilala rin naman kasi si Miss Maldita bilang isa sa mga nangungunang guro sa kanilang paaralan. Katulad niya ay Teacher III din ito pero dinig niya ay malapit na itong mapromote bilang master teacher 1. Isa sa mataas na posisyon na pwedeng makuha ng isang guro.

My Virgin WidowTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang