Chapter 2: Kilig

1.8K 57 0
                                    

The Past

 August 2006

Dear Diary,

Matalino ako, oo. Pero kahit memoryado ko pa yata ang chemical elements at ang atomic mass sa periodic table at kahit master ko pa ang SOH CAH TOA sa trigonometry wala akong ka-ide-ideya sa kung ano ang ibig sabihin ng salitang "kiligin" wala sa bokabularyo ko yun. Pero...noong una ko siyang makita parang naiintindihan ko na yata ang ibig sabihin ng salitang yun...ibang klase pala ang pakiramdam, noh?

Yours,

Beth

***

"Alam mo ba Beth may gwapo daw tayong transfer student," kinikilig na bulong ni Aillen kay Beth.

"Talaga? Saang section raw siya ngayon?" pilit niyang nilalakipan ng interest ang kanyang boses kahit hindi naman talaga siya interesado.

"Wala akong interest sa mga crush crush na yan dahil ang pinagtutuonan ko ng pansin ang aking pag-aaral. Mas mahalaga sa akin ang pag-aaral at manguna sa aming klase kaysa sa mga walang say-say na 'ka-ehusan' na yan," bulong niya sa isip.

"Sa section natin! Kyahhhhh!" pasigaw nitong tugon sa kanya habang nangingislap ang mga mata nitong nakatingala sa kisami ng kanilang silid aralan.

"Hay!" Mabilis niyang inikot ang kayang mga biloging mga mata habang nakahalukipkip.

"Bagong pagkakaguluhan na naman ng mga kababaihan," walang ganang bulong niya sa sarili.

"Class, sit down," malakas na utos ng kanilang class adviser at math teacher na si Mrs. Alejandro.

Agad namang tumalima ang lahat ng kanyang mga kaklase at tahimik na umupo sa kani-kanilang mga upuan.

"I'd like to meet you all our transfer student. He is from Cagayan de Oro city. Come here Mr. de Guzman. Please tell them about you," nakangiting sabi ni Ma'am sa lalaking nakatayo sa kwadrado ng pinto.

Napansin niya ang biglang pangsinghap ng mga babae niyang kaklase, hindi niya aakalaing...siya rin ay mapapasinghap.

Ibang klase!

Ito lang yata ang nag-iisang lalaking nakilala niya na may napakagwapong mukha.

Maputi at makinis ang balat. Kulay itim ang malago at makapal nitong buhok. May deep set na hugis ng mga mata. May mahahaba at pakurbang pilikmata. Matangos na ilong at may triangulong hugis ng mukha.

Mas lalo pag nagpadagdag sa kanyang kakisigin ay ang kanyang katangkaran na hula niya ay nasa 5'9 ang tangkad. Napakatangkad nito bilang isang high school student.

Mas lalo pang nagpadagdag sa taglay nitong karisma ay ang buo nitong boses noong ito ay nagsalita na sa kanilang harap.

"Morning, I'm Abrahm Zachary de Guzman, 16 years old, from Cagayan de Oro Cty. Nice meeting you all."

"Pati accent ng kanyang English ay swabe. Grabeh."

Hindi alam ni Beth noon ang salitang "kiligin" pero noong una niya itong nakita naramdaman niya ang kiligin.

"You sit there Mr. de Guzman," utos ni Ma'am Alejandro sa binata na ang tinutukoy ang bakanteng upuan sa tabi ni Beth.

Napatitig siya sa upuang katabi niya tapos ay sa binata. Pero hindi niya inaakalang sa pagtingin niya sa deriksyon nito ay magtatama ang kanilang mga paningin.

Pakiramdam ni Beth ay bigla niyang nakalimutang huminga at sa bawat paghakbang ng binata papalapit sa kanya pakiramdam niya ay kaya niyang bilangin ang kakaibang pagpintig ng puso niya na para bang lumulukso ito sa bawat nitong paghakbang.

My Virgin WidowWhere stories live. Discover now