Chapter 8: Give up

1.3K 49 3
                                    

December 9, 2017

Dear Diary,

Sabi nila...first love never dies...but, true love buries it alive. But what if first love strives hard to be back in her one true love's heart could it be possible?

Or should she...just give up and just let her self be buried alive without even giving a fight?

After all...it's all her fault.

Yours,

Beth

***

Yesterday

"Manong, magkano po ba ang malasugi?" tanong ni Beth sa tindero ng isda.

"Three fifty ang kilo, iha," nakangiting tugon ng tindero sa kanya.

"Hmmm, Zach kumakain ba ng kinilaw si Michelle?" tanong ni Beth sa binata na nasa tabi niya.

Hindi alam ni Beth kung saan siya humuhugot ng lakas para maging pormal ang naging katanungan niya.

"No, hindi siya mahilig diyan," maikling tugon naman ng binata sa kanya.

"I see, ikaw ba Zach kumakain ka pa rin ba ng kinilaw?" pormal niyang tanong.

"Yes," napaka-ikling tugon ng binata sa kanya.

Alam ni Beth na nagtataka na ang binata sa pagiging pormal niya na para bang wala silang alitan, na para bang magkaibigan silang dalawa.

"How about si tita Magdalene at si Sarah kumakain pa ba sila hanggang ngayon ng kinilaw na isda?" muli na naman niyang tanong habang pormal pa rin ang tono ng kanyang pananalita.

"Yes," maikling tugon ulit ni Zach.

"Manong kalahating kilo lang po ang bibilhin ko," nakangiti niyang sabi sa tindero.

"Sige Miss, 175 lang."

"Manong gawin mo na lang 170, deal tayo," nakangiti niyang sabi habang nagbeautiful eyes.

Biglang napangiti ang tindero ng isda.

"Awzt, basta ikaw miss maganda kahit pa 160 fights yan," nakangiting tugon naman ng tindero sa kanya.

"Kaya gusto ko kayo manong you're the man!" natatawang tugon ni Beth saka nag-abot ng 160 pesos sa tindero.

"Pabalik-balik ka dito Miss Beth, komusta nga pala ang anak kong si Aisha nag-aaral ba ng mabuti?" tanong ng tindero habang matamis na nakangiti sa kanya.

"Yes, po next month po may district MTAP competition po kami kaya po marami po akong iniwang activities sa kanya, supurtahan niyo po sana siya," nakangiti niyang sabi sa tindero na alam ni Beth ay ama ng bata.

"Oo, naman para sa kinabukasan ng aking anak," masiglang tugon nito sa kanya.

"Sige po manong, alis na po kami," paalam ni Beth habang matamis nakangiti at kinakawayan ang tindero.

Napadako siya sa nagtitinda ng bariles na isda.

"Manong, magkano ang kilo?" tanong ni Beth.

"Two- Eighty, lang Miss Beth, bili po kayo ito po bang malaking isda?" tanong ni Manong Bert ang tatay ni Marky.

A/N: Ito po talaga ang presyo ng mga isdang binanggit dito sa amin sa Bislig City. Malapit lang po kasi sa amin ang dagat. Mahal na nga po sa amin ang presyo na yan.

Sinuri ni Beth maigi ang isda kung kumikinang pa ba ang mga mata, kung pula pa ba ang hasang, kung makinis pa ba ang balat ng isda, o kung matigas pa ba ang tiyan ng isda nang walang makitang deperensiya si Beth ay agad niyang tinuro ang isda para itimbang.

My Virgin WidowWhere stories live. Discover now