Chapter 3: Holding hands

1.5K 46 1
                                    


October 2006

Dear Diary,

Alam mo ba ngayon lang yata ako magpapasalamat na may disgrasyang nangyari sa akin. Kung hindi pa ako tinamaan ng bola hindi ako magkakaroon ng pagkakataong mapalapit sa kanya. Bukas hahanapin ko yung bolang yun at pupugin ko ng halik. Hehehehheh. Pero siyempre mas masarap yata kung siya na lang ang hahalikan ko. Kyahhhhhhhhh.

Yours,

Beth

***

Nasa school library si Beth ngayon para sa ginagawang individual research paper nila para sa kanilang English subject.

Siya lang ang nanatiling nasa loob pa rin ng kanilang library kahit alas-sais na ng gabi. Yung mga kaklase niya hayun nagsi-uwian na yung iba naman ay nasa basketball court pa rin. Malapit na kasi ang foundation day ng kanilang paaralan kaya naman todo insayo ang mga kaklase niyang kalahok sa iba't ibang uri ng sport lalo na ang basketball.

Dahan-dahan siyang bumaba mula sa second floor ng kanilang paaralan at buong higpit na niyakap ang tatlong aklat na hiniram niya sa library para mapag-aralan niya sa bahay. Dinaanan niya ang isang pathway na ang tanging daan lamang papalabas ng kanilang paaralan kung saan dito rin madadaanan ang isang open gym kung saan dito nagaganap ang insayo ng basketball team.

Nakita ni Beth ang maraming kababaihang humihiyaw sa pangalan ng nag-iisang lalaking lihim niyang hinahangaan, si Abrahm Zachary de Guzman.

"Tama, I like him...gustong-guto ko talaga siya. Sa loob ng tatlong buwan simula noong naging seat mate ko siya naging aligaga na itong puso ko."

Palagi na lang lihim niyang tinititigan ito...o di kaya'y lihim na sinusundan ng tingin. Kahit animoy pabango ng binata ay memoryado na ng kanyang ilong, kaya naman sa twing naamoy niya ang pabango nito ay nararamdaman niya ang mabilis na pagkabog ng kanyang puso dahil alam niyang nasa malapit lang ito.

Sa twing wala ang binata...palaging ito ang hinahanap sa twina...hindi niya maintindihan...kailanman ay hindi siya nahumaling sa sinumang lalaki...kay Abrahm Zachary lamang...

Sa binata lang nagkakaganito ang tibok ng puso niya na para bang ano mang oras ay puputok ito.

Sa binata lang nararamdaman niya na para bang lagi na lang nagwawala ang buong sistema niya pag nariyan ito lalo na pagkatabi na niya ito.

Alam ni Beth na hindi sila palaging nag-uusap ng binata...pero sapat na sa kanya ang makasama at makatabi ito...ibayong saya na ang hatid noon sa kanya.

Alam niyang 'lihim' lang itong pagtingin niya para sa binata...at alam niyang kahit kailan ay hindi nito mapapansin ang babaing katulad niya....

Pero...

"Elizabeth ALIS! Matatamaan ka ng bola!" malakas na sigaw ng lalaki kay Beth. Hindi niya aakalaing ang lalaking tumawag sa pangalan niya ay ang nag-iisang lalaking gustong-gusto niya.

"Alam niya ang first name ko?"

Nakatulala siyang napatitig sa gwapong mukha ng binata dahil hindi siya makapaniwalang alam nito ang una niyang pangalan. Palagi lang kasing tawag sa kanya ng binata ay 'Ms. de leon' kaya naman hindi nakapagtatakang napatulala siyang napatitig dito habang parang baliw na nakangiti.

Pero sadyang mabilis ang pangyayari, dahil imbis na umalis siya ay pumirmi pa siya sa kinatatayuan kaya naman malakas siyang tinamaan ng bola at sapul sa kanyang mukha.

"B*llsh*t!" malakas na mura ng lalaki.

Huling salitang narinig ni Beth bago nawalan ng malay.

***

My Virgin WidowWhere stories live. Discover now