Chapter 5: Broken

1.3K 54 1
                                    

Present

December 3, 2017

Dear Diary,

Sana nasa tabi ko ngayon ang aking asawa...miss na miss na kita...Andrei...

Yours,

Beth

***

"Ate...are you okay?" puno ng pag-aalalang tanong ng bunsong kapatid ni Beth sa kanya.

Nag-uusap sila via video call sa messenger. Nasa Macao ang kapatid niya at kasama nito ang Canadian husband nito. Nurse ang kapatid niya sa Canada at doon nakilala ni Cathy si Jonathan na isa ring doctor sa hospital na pinagtatrabahuan ng kapatid niya.

Ang asawa niya ang dahilan kung bakit nakapagtrabaho agad ang kanyang kapatid sa isang malaking ospital sa Canada kahit isang taon palamang ang karanasan nito sa bansa bilang isang nurse. Magkakakilala kasi ang pamilya ng asawa niya sa nagmamay-ari ng malaking Ospital sa Canada na pinagtatrabahuan ngayon ng kanyang kapatid.

Naalala niya pa noon, na gustong bumalik ang kanyang bunsong kapatid sa Pilipinas at dito na rin manirahan para masamahan siya noong nawala ang kanyang asawa. Pero siya ang nagpumilit sa kapatid na okay lang siyang mag-isa at walang dapat itong ikabahala.

Alam ni Beth na mahirap para sa kanyang kapatid na iwan ang lahat sa Canada. Naroroon ang trabahong pangarap nito at naroroon din ang lalaking minamahal nito. Kaya kahit...labis niya itong pinangungulilaan hindi niya maatim na ipagdamot sa kanyang kapatid ang mga bagay na pinapahalagahan nito...dahil lamang sa kahungkagan niya.

She's fine...

Alone...

"I'm fine Cathy...bakit mo naman naitanong?" nakangiti niyang tanong sa kapatid.

"Ate...I know you are not fine. I can see it...may nangyari ba? Please tell me..." pinilit niyang muli na mapangiti. Ayaw niyang mag-aalala sa kanya ang nakababatang kapatid dahil baka ito pa ang dahilan na umuwi ito sa Pilipinas at i-cancel ang honeymoon vacation nilang mag-asawa.

"No, I'm just fine Cathy," masigla tugon ni Beth sa kapatid. "Ikaw, komusta ang vacation niyo diyan sa Macao, romantic siguro noh?" lihis niyang tanong dito habang nakangiti.

Nakita niyang malalim itong napabuntung-hininga tapos ay pinilit rin na mapangiti. Masigla na nitong sinaysay ang mga nangyari sa kanila ng asawa nito sa Macao.

"Ate...if you need someone to talk to...please just call me okay? You know I'm always here, I always have time for you...okay?" malumanay nitong tanong sa kanya, pansin ni Beth ang pag-aalalang bumalot sa magandang mukha ng kanyang kapatid.

"Hmmm, of course Cathy...promise I will call you...enjoy your trip okay? Huwag mo akong alalahanin...I'm fine..." nakangiti niyang sabi kahit parang dahan-dahang binibiyak ang puso niya.

You deserve to be happy Cathy...ayokong mag-aalala ka pa sa akin...kaya ko ito...kayang-kaya ko ito kahit masakit. I'm fine.

I will be fine.

Matagal ng naka-off ang cellphone niya, pero hindi pa rin mapuknat ang mga mata niya sa katitig sa screen nito.

Nanatili lang siyang nakatulala. Ilang sandali lang ay narinig niya ang malakas na buhos ng ulan. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa swivel chair na kina-uupuan niya at binuksan ang pinto tungo sa terrace ng kanyang silid.

Napalibot ang kanyang tingin sa buong kapaligiran.

Nakakubli ang malaking buwan sa makapal at kulay itim na mga ulap, tanging ang ilaw na nanggagaling sa kidlat ang nagsisilbing liwanag sa madilim na kalangitan at ang tanging buhos ng ulan at panaghoy ng malakas na ihip ng hangin lang ang nagsisilbing ingay na bumabasag sa katahimikan ng gabi.

My Virgin WidowWhere stories live. Discover now