Chapter 4: Promise

1.5K 47 2
                                    

October 13, 2006

Dear Diary,

Sana naging ice cream na lang ako.

Ito na yata ang pinakamaligayang araw ko.

Yours,

Beth

***

Kanina pa hindi mapakali si Beth.

Maaga pa lang siyang gumising para lang pumili ng damit na maiisusuot.

Pero kahit anong halungkat niya sa kanyang mga damit ay wala siyang mapili.

"Ano ba ang isusuot ko?"

"Pero hindi na man ito date diba? Sasamahan niya lang akong bumili ng eyeglasses, yun lang. Bakit ko naman pag-aaksayahang maghanap ng magandang isusuot? Diba?"

"Pero kahit na. Siya ang kasama ko, gusto ko lang maging presentable sa harap niya. Yun lang yun diba?"

Kanina pa niya denidebate ang kanyang sarili. Kanina niya pa lang laging sinasabi sa kanyang sarili na hindi ito date at wala siyang dapat na i-anticipate dahil hindi naman sila magkasintahan ni Zach. Pero kahit anong pagpapaliwanag niya sa sarili ay palagi siyang umaabot sa conclusion na kailangan niyang maging maganda para maging presentable siya sa harap ng lalaki.

Hay!

Hinablot niya ang kulay blue niyang maong na shorts at white sleeveless na damit na may curve neckline.

"Okay naman siguro toh diba?" tanong ni Beth sa sarili habang tinitignan sa stand mirror ang sariling reflection.

Bahala na.

Mabilis siyang pumainaog paibaba ng hagdan ng kanilang bahay.

"Ma...aalis po ako bibili po ako ng bagong eyeglasses ko," paalam ni Beth sa kanyang ina habang ito ay abala sa panonood ng paborito nitong programa sa t.v.ang Wowowee sa ABS-CBN.

"Sige anak, ingat ka. Sa susunod ha huwag kang madadapa para hindi mabasag uli ang salamin mo," paalala ng mama ni Beth sa kanya. Bigla tuloy siyang nasapid sa sinabi ng kanyang ina. Nagsinungaling kasi siya rito, sabi niya nadapa siya at nahulog ang kanyang salamin tapos may kamag-aral niyang aksidenteng naapakan ito.

"O-opo ma," taranta niyang tugon tapos ay mabilis na siyang umalis ng kanilang bahay.

Napatingin siya sa wrist watch na suot niya tapos ay mabilis na pinara ang tricycle na dumaan.

"Kuya sa palengke po," sabi niya. Nasa tapat lang ng palengke yung Optical clinic kaya diritso agad siya roon. Nakalimutan niyang sabihin kay Zach kung saan sila magkikita.

Hay!

At saka paano naman niya mako-contact ang binata wala naman siyang cellphone number nito.

Kainis!

"Ewan kong talagang pupunta siya doon...o kung magkikita ba kami," may lakip ng paghihinayang niyang sabi sa sarili.

Pumasok si Beth sa tricycle at doon umupo sa may unahan kung saan katabi niya si manong drayber nang may bigla na lamang na tumabi sa kinauupuan niya. Pabango pa lang na gamit nito kilalang-kilala niya na.

Mabilis siyang napalingon sa binata at ganun na lang ang pagkabog ng puso niya nang mapagtantong gahibla na lang ang pagitan ng kanilang mga labi.

Bigla niyang naramdaman ang biglang paglalim ng kanyang paghinga, pakiramdam niya mauubusan siya ng hangin sa katawan.

"I-ikaw pala Zach..." utal-utal niyang sabi sa binata tapos ay mabilis siyang napayuko para ikubli ang kanyang pagkataranta.

"Akala ko hindi ka darating..." mahina niyang sabi habang nanatili pa ring nakayuko.

My Virgin WidowWhere stories live. Discover now