Chapter 11: Deepest Secret

1.8K 58 2
                                    

December 24, 2017

Dear Diary,

Ilang araw buhat nang may nangyari sa amin at nalaman niya ang tungkol sa amin ni Andrei...hindi ko na siya muling nakita pa...

Ang sabi ni Ma'am Quinto ay sumunod daw si Zach sa fiancée nito sa Cagayan de oro city at doon daw magdiriwang ng pasko...wala itong sinabi kung babalik pa ba ito sa bagong taon...

Miss na miss ko na siya...pero...wala akong magagawa...kasalanan ko naman ang lahat kung bakit nawala siya sa buhay ko.

Yours,

Beth

***

December 9, 2017

"Zach, uuwi ako sa amin sa Cagayan de Oro...pasensya na...kung hindi mo ako makakasama sa pasko tulad ng pinangako ko dati sa iyo..."malungkot na sabi ni Michelle sa kanya.

Nakita ni Zach ang dala-dala nitong malita, paalis na ito kaya naman ay tinawagan siya nito kanina...ito pala ang dahilan.

"Why Michelle?" mahinang tanong niya sa babae habang nakatitig siya rito.

"Zach, sino ba ang mahal mo...siya o ako? Hindi, let me rephrase my question...hanggang ngayon ba mahal mo pa rin ba siya?" bakas sa mukha ni Michelle ang labis na kalungkutan. Alam niyang nasasaktan niya ito ng labis dahil sa nararamdaman niya para kay Beth. Pero hindi siya makasagot, mahal niya si Michelle...pero...mahal niya pa rin ba hanggang ngayon si Beth? Naguguluhan siya sa sariling damdamin. Sa twing nakikita niya si Beth hindi niya maintindihan ang sarili, bumabalik ang dating siya noong mga bata pa sila ni Beth. Bumabalik ang dating Zach na noon ay baliw na baliw kay Beth.

Pero...magagawa niya bang saktan si Michelle? Napakabuti ng babaing ito sa kanya. Natatandaan niya pa noong panahong iniwan siya ni Beth si Michelle ang babaing palaging nasa tabi niya. She's the girl who comforts him when he was down, she's the girl who heal him after Beth broke him into a million pieces. She's the girl who build him up again. The girl who help him to be what he is now.

Kung wala si Michelle sa mga oras ng iyon...hindi niya alam kung nakayanan niya ba ang sakit. Hindi niya alam.

Zach loves this woman infront of him. She's strong, independent, generous and most of all, she's the most kind-hearted girl he've ever met.

Matapos ang kasal ni Beth...limang taon ang inabot bago niya pinapasok si Michelle sa puso niya...limang taon. Hindi katulad ng ginawa ni Beth sa kanya na isang buwan lang silang walang communication dahil sa pagbabanat niya ng buto matapos ang isang buwan nakita niya lang itong may kayakap na na ibang lalaki at ito pa ang pinakasalan nito.

Dapat ay wala na siyang nararamdaman na kahit na ano para kay Beth ngayon...dapat hindi na siya nagagalit o nagseselos sa twing binabanggit ang asawa nito sa harap niya. Dapat hindi na niya ito hinalikan...dapat....hindi niya sinasaktan ngayon ang babaing tapat na nagmamahal sa kanya ngayon...si Michelle.

"I'm sorry Michelle...I don't intend to take you for granted...because Beth is here...I'm sorry...I just don't know why I'm like this..."malungkot niyang sabi rito.

"Zach...plese don't apologize to me...pero...hindi ko kayang makipag-share ng attention mo kay Beth. I wanted to know...kung sino ba sa amin ang mahal mo...bibigyang kita ng pagkakataong kilalanin mo ang puso mo. Aalis ako ngayon...pero hihintayin kita sa araw ng pasko...kung darating ka...ibig sabihin noon ako ang mahal mo...pero kung...hindi ka na dumating...si Beth ang pinili mo...don't worry...our wedding we'll be canceled. I want you to decide it on your own...remember I just want your happiness. Ayokong ikulong kita sa relasyon na hindi ka masaya...hindi rin ako sasaya noon Zach you know that...mas mabuting pakawalan kita at maging masaya sa kanya kaysa pilitin ka na maging masaya sa piling ko," lumuluhang sabi ni Michelle sa kanya habang nakakulong ang mga kamay nito sa kanyang mukha.

My Virgin WidowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon