Chapter 13: Forever

2K 67 3
                                    

Ilang umaga ng ganito si Beth. Nahihilo paggising sa umaga at pag may naamoy na di kanaas-nais ay bigla siyang nasusuka. Isang linggo na yata siyang ganito. Nakapunta na siya sa kanyang OB-Gyne para magpacheck-up noong araw. Maraming inihabilin sa kanya ang doctor, huwag daw siyang magpapagod, inumin niya raw ang lahat ng vitamins na nerisita sa kanya dahil nakakabuti yun sa development ng kanyang baby.

Yes, she is pregnant...at walang ibang ama ng batang dinadala niya kundi si Zach. Alam ni Beth na sa gabi kung kailan may nangyari sa kanila ni Zach alam niyang mabubuntis siya kahit isang beses lang na may nangyari sa kanila. She's fertile that time, inihanda na niya talaga ang sarili sa gabing yun dahil alam niyang magbubunga ito. Hindi nga siya nagkamali, nagbunga ang ginawa nila ni Zach sa gabing yun.

Nag-uumapaw pa ang galak ni Beth ng makita sa ultrasound ang maliit na hugis ng kanyang baby at noong marinig niya ang malakas na pagtibok ng puso nito ay parang gusto niyang malunod sa galak. Isa na siyang ina, at gagawin ni Beth ang lahat ng makakaya niyang gawin para ibigay ang lahat sa anak niya kahit...mag-isa lang siya.

"Baby, huwag kang masyadong ma-arte sa pagkain...walang laman ang tummy nating dalawa kung palagi mo na lang isusuka ang pagkaing kinakain ni Mama..." mahinang sabi niya habang masuyong hinimas-himas ang tiyan niya. Flat pa ang tiyan niya kahit na kaunting umbok ay hindi niya makapa, walang senyales sa tiyan niya na may dala-dala siyang baby.

Nakapagdesisyon si Beth na after ang closing ng klase ay magre-resign siya sa pagtuturo. Hindi na siya pwedeng bumalik sa pagtuturo...dahil buntis siya. Hindi siya kasal at walang ama ang batang dinadala niya. Ayaw niyang magpatuloy pa sa pagtuturo dahil alam niyang masisira lang ang integridad niya bilang guro.

Isa siyang guro, isang role model sa harap ng pamayanan, sa paaralan, sa kanyang mga mag-aaral. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa kanyang mga mag-aaral kung magtatalakay sila patungkol sa moral values, tungkol sa self preservation, tungkol sa purity ng isang babae, tungkol sa marital sacredness kung nabuntis siyang walang asawa. Nakakahiya yun at tiyak siya ang magiging pulutan ng tsismis.

Hindi rin naman papalampasin ng paaralan ang ganitong immoralidad. She knows that. Pero kahit pa naman magbitiw siya sa kanyang serbisyo kaya niya pa ring buhayin ang sarili niya lalong-lalo na ang anak niya dahil napakalaki ng perang iniwan sa kanya ng kanyang asawa.

Sa katunayan pwede naman talaga siyang huwag ng magtrabaho pero dahil sanay siyang may ginagawa kaya nagtrabaho siya. Pero ngayon na may dahilan na siyang tumigil pwede na niyang iwanan ang pagtuturo at ituon na lang ang attensyon niya sa kanyang anak. Kahit sa totoo lang ay mamimiss niya ang pagtuturo...naging parte na kasi ito ng buhay niya...pero syempre hindi niya pwedeng piliin ito...isa lang ang pwede niyang piliin at walang iba kundi ang anak niya.

***

"Mrs. Alicia, Ma'am nandito na po ako," tawag niya habang palinga-linga sa living room ng bahay.

"Nasaan na ba si Ma'am?"

Nakita niyang napadaan si tita Magdalene sa harap niya.

"Tita nasaan po ba si Ma'am Alicia?" tanong niya.

Dito na nakatira si Tita Magdalene, nakapagdesisyon ito na dito na manirahan sa Pilipinas. Tumatanda na raw ito at hindi nagugustuhan ang klima ng ibang bansa. Mas gusto nitong manirahan na lang dito dahil pabor sa kanya ang klima ng bansa. At isa pa daw, gusto niyang samahan si Ma'am Alicia sa napakalaking bahay na ito.

Nakita ni Beth na gustong-gusto rin ni Ma'am Quinto si Tita Magdalene halatang nagkakapanatagan ang loob ng dalawa para ngang ang turing ng dalawa ay magkapatid.

Masaya naman si Beth na may makakasama na rin si Ma'am Quinto sa napakalaking bahay na ito. Dati kasi palaging nirereklamo ng matanda na nalulungkot itong mag-isa sa bahay nito.

My Virgin WidowDonde viven las historias. Descúbrelo ahora