Chapter 10: Secrets Reveal

1.8K 67 3
                                    

December 10, 2017

Dear Diary,

Buong araw akong balisa, hindi magkandatuto sa kung ano ang una kong gagawin. Naalala ko tuloy yung panahong una akong nakipagdate sa kanya ganoon rin yung nararamdaman ko ngayon. Masyado akong excited, masyado akong masaya.Diyos ko!

Pero...akala ko...magiging masaya ang gabi naming dalawa...hindi pala...

Yours,

Beth

***

Pinindot ni Zach ang door bell sa bahay ni Beth, ilang sandali lang ay binuksan na siya nito ng gate.

"Zach, pasok ka," masayang sabi nito sa kanya.

Zach is surprised by how Beth warmly accepts him in her house, akala niya ay magiging balisa ang babae sa harap niya pero hindi pala. Actually, it amuses him seeing Beth approaches him as if they are really close. Yes...they were...

Napalibot ang tingin ni Zach sa labas ng bahay. May malawak na ispasyo ang harap ng bahay may maraming iba't-ibang klaseng bulaklak ang nakadisplay. May porch sa harap at gawa sa kongkretong baluster ang nakapalibot dito. Napatingala si Zach may kanang bahagi ng bahay ay may terrace na nakaharap sa karagatan.

Napakaganda ng pwesto ng bahay ni Beth.

Binuksan niya ang screen door ng bahay ni Beth, pagpasok niya hindi niya mapigilang mamangha sa kalinisang at kaayusan sa loob ng bahay.

Dirty white ang kulay ng furnishing sa loob ng bahay. May katamtamang laki ng living room na may complete set na puting sofa. Sa living room naroon ang Samsung 75 inch smart t.v.

 Naalala niya noon paborito ni Beth ang manood ng mga koreanovela sa t.v at iba pang mga palabas. Kaya siguro napakalaki ng t.v sa bahay nito dahil paborito nitong manood ng t.v lalo na sa twing nagpapalipas oras ito.

Napansin niya rin ang hagdan na humahati sa dalawang bahagi ng bahay ni Beth.

Siguro nasa itaas ang silid nito, naisip niya. Napasulyap siya sa kinaroroonan ni Beth nasa unahan lang kasi ang kusina nito at matatanaw ito mula sa kinatatayuan niya sa may pinto.

Dahan-dahan siya naglakad malapit sa kinaroroonan ng babae. Abalang-abala ito sa paghanda sa mesa ng mga pagkaing niluto. Mga three meters lang ang haba ng pa-oblong nitong mesa na gawa sa narra, at halos mapuno ang mesa sa mga pagkaing inihanda nito.

"Marami yatang hinanda mo Beth, plano mo bang patabain ako?" nakangiti niyang sabi dito.

Nakita niyang bigla itong nataranta, hindi siguro namalayan ng babae na nakalapit na siya.

"Ah, eh...Zach...hindi ko kasi alam kung anu-anong mga putahi ang ihahanda ko kaya...niluto ko na lang lahat yung mga paborito mong ulam..."sabi nito habang balisa itong napasulyap sa kanya tapos sa pagkaing nasa harap ng mesa.

Oh, God, I wanted to grab her arm and kiss her, bulong niya sa isip.

This woman doesn't know how her thoughtfulness affected him.

My Virgin WidowWhere stories live. Discover now