Chapter 7: Love and Hate

1.4K 53 3
                                    

December 9, 2017

Dear Diary,

Ano ba ang pag-ibig?

Alam ko ang pakiramdam ng umiibig...pero minsan naisip ko...ano ba talaga ang umibig?

Matapos ang limang araw buhat noong muli ko siyang nakita sa bahay ni Mrs. Quinto, hindi na siya maalis sa isipan ko.

Pero bakit ganoon?

Bakit palaging magkadugtong ang pag-ibig at ang pagkamuhi?

May pagkakataon pa kaya para sa aming dalawa?

O, marahil dapat ko na talagang isa-isip at isa puso na kailanman ay hindi magiging kami...

Kailanman.

Yours,

Beth

***

Sabado, walang pasok.

Pero naririto siya sa paaralan para magtrain ng mga mag-aaral para sa nalalapit na MTAP-District Competition. Isang kompetisyon sa larangan ng matimatika. Dahil siya ang subject teacher sa Math kaya naman obligasyon niyang i-train ang mga mag-aaral na kalahok.

May tatlong mag-aaral na kalahok sa kanilang paaralan. Actually silang mga Math teacher ang may karapatang kumuha ng isasaling kamag-aral ayon sa grade level. Dahil siya ang Math teacher ng grade six level kaya siya lang ang may karapatan pumili ng tatlong mag-aaral mula sa grade six para ilahok sa nasabing kompetisyon.

Sa katunayan, hindi na niya kailangang pumili pa dahil ang mga batang isinali niya ay mula pa noong grade three ay naging kalahok na ng MTAP competition. Alam na ng mga bata ang patakaran kaya naman ang gagawin niya na lamang ay i-train pa ang mga bata sa mga mahihirap na math problems, e-improve ang speed at accuracy nila sa pagsolve.

Ang MTAP District Competition ay ang kompetisyon kung saan kalahok ang tatlong representatives in each grade level sa bawat paaralan na sakop ng isang distrito. Halimbawa kung sa isang distrito ay may sakop na walong paaralan, ibig sabihin ay walong paaralan ang kalahok bawat grade level kaya dalawampu't apat na mag-aaral lahat ang kalahok sa bawal grade level.

Ang paraan ng kanilang kompetisyon ay sa pamamagitan ng written test. Kailangan nilang tapusin ang fifty (50) items sa loob ng isang oras at apatnapu. Hindi ito multiple item test na may pagpipilian, kailangan sagutan nila ang bawat item ng tamang sagot. Word problem lahat.

At kung sinuman ang dalawang makakakuha ng pinakamataas na marka ay makakapag-compete sa MTAP Division Contest.

Iba ang paraan sa Division Contest, kung sa District Competition ay individual ang score dito sa Division Contest ay grupo. Dalawang mag-aaral ang representatives sa bawat district. Pwede silang mag-brainstorming sa araw ng competition para makakuha sila ng malaking marka sa bawat level ng competition.

My Virgin WidowHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin