Mission One: Semestral Break

605 26 2
  • Dedicated to Brian Agorto
                                    

Pinagpapawisan ng malamig ang matandang babaeng yon. Her eyes have turned white, as if nawalan na ng buhay ang katawan nito. Nakaupo ito noon sa harap ng isang malaking mesa, na may katapat na bola na gawa sa crystal. May kasama sya sa kwartong yon. It was her grandchild.

"What do you see, Lola?" tanong ng lalaki.

"D-dawn.." halos pabulong na sabi ng matanda.

In her vision, there was a man walking towards a frightened girl. Umiiyak ang babae habang unti-unting nasusunog ang katawan nito. Hindi kilala ng matanda ang babaeng yon. Marahil ay kaaway yon ng binatang Devour.

Aside from Dawn, may nakita syang isa pang lalaki na nakasuot ng makalumang damit. Isang mestiso. Ngunit hindi gaya ni Dawn, maamo ang mukha nito. May katabi ang binatang yon na isang babae. Ang tingin niya ay sa kasalukuyang panahon ito nakatira. Marami pang tao ang naroroon sa bahay na yon. May dalawa pang lalaki ang nasa di kalayuan, na kamukha ni Dawn Devour.

Parang umiikot ang kanyang paningin. Ngunit bago tuluyang mawala sa paningin niya ang lugar kung nasan si Dawn Devour, nakita niya ang marka sa sahig ng bahay na yon. There was a circle. Then inside it was the star of David. Lumiwanag ang marka sa sahig, hanggang sa unti-unti itong nawala.

               

                 

"Hay! Grabe! Ang sarap talaga ng feeling pag bakasyon!" sabi ni Kzael.

It was the last day of school. As expected, nagkita-kita ang Shadows at Pegasus sa hideout nila. Hindi nagbago ang condo. It was the same.

Busy sa panonood ng movie ang Pegasus. Busy naman sa pagpapahinga ang mga boys.

Simula nang matapos ang last mission nila at makuha nila ang libro ni Dawn Devour, naging busy sila sa school nila. Busy si Carlos at si Asty sa council. Busy naman ang iba pa sa kanya-kanya nilang colleges.

Naging official tambayan na rin nila Vyolene ang hideout ng Shadows. Madalas na silang tumambay doon dahil sabi ni Vyolene, mas okay doon dahil may aircon. Kung hindi man sila sa hideout tumatambay, sa dating tambayan, sa bench pa rin sila tumatambay.

"Saan ba ang lakad mo ngayon? Sa Boracay?" tanong ni Lee kay Kzael.     Napatingin si Kzael kay Lee. Nasa balcony sila ng condo unit nila. Nagpapahangin.

"Somewhere else. Baguio siguro then sa Boracay. Gusto mo sumama? Ako sagot sa plane ticket."

"Grabe! Ang yabang ng kaibigan nyo!" sabi ni Vyolene na hindi maiwasang sumagot sa naririnig na pag-uusap nila Kzael at Lee. Malapit kasi ang pwesto nya sa couch sa panonood nila ng  TV kila Kzael.

"Bakit ka nakikisali sa  usapan namin Loves? Gusto mo bang ikaw ang isama ko?" tanong ni Kzael.

Sumimangot si Vyolene. 'As if!'

"Kayo? Anong plano?" tanong ni Yhaen na nasa mini bar. Umiinom ito ng kape.    

"Wala, sa bahay lang." sagot ng iba pa.

"Kayo Asty?" tanong ni Carlos na katabi naman ni Yhaen noon.

"We'll be at Spain. Isasama namin si Dawn." sagot nito. Nakaupo si Asty kaharap ang dalawa sa pinakamatanda sa Shadows. Busy si Asty sa pagbabasa sa libro. Mukhang may hinahabol syang design project dahil puro mga architectural drawings ang nakikita nila sa librong hawak niya.

"Paano na si Throwa?" tanong ni Yhaen ulit.

"She will be busy looking over at Rafaelo. Isa pa, kailangan maayos ang mga documents nila." sagot ni Tyler na katabi ni Asty noon.

Series of Shadows: The Battle of ClansWhere stories live. Discover now