Mission Seven: Abilities

230 18 4
                                    

Nasa garden si Greta. Kasama nito ang dalawa niyang anak at mukhang magmimidnight snack. Wala man lang gwardya o bantay sa bahay nito, kaya walang kahirap-hirap na pumasok sina Dawn at Kzael. Napansin ni Greta ang dalawang binatang papalapit sa kanila kaya agad agad niyang niyakap ang dalawa niyang anak.

"Anong kailangan nyo?" tanong ni Greta nang makalapit sila.

"May itatanong lang kami sayo, Greta." sagot ni Dawn.

"Ano yon?"

"Alam mo ba kung nasaan ang angkan ng Verden?" tanong uli ni Dawn.

"Wala akong alam tungkol sa kanila."

"Dawn, maghanda ka na. Gagamit siya ng mahika." sabi ni Kzael. Tumango lang si Dawn.

"Kung tama ang hinala ko, galing ka sa lahi ni Greta Malvar Aquinox na nabuhay noon panahon ko, tama ba?" tanong ni Dawn.

"Eh ano naman ngayon kung tama ka? Walang hindi nakakakilala sayo sa aming angkan, Dawn Devour. Nang malaman ng lahat na napunta ka sa panahon na ito, alam namin iisa-isahin mo uli ang mga angkan na kinalaban mo dati!"

"Paano nyo nalaman na bumalik ako sa panahong ito?"

"Alam mo ba kung ano ang sinasabi ng mga ninuno namin? Bigla kang nawala sa panahong yon. Kasama mo ang binatang Kashmir. At naging matunog ang usap-usap sa mga angkan ng mahika na tumawid ka ng panahon." Kwento ni Greta sa kanila. "Salamat sa pagkawala mo dahil nadugtungan pa ng mahabang panahon ang aming angkan!"

Mukhang hindi inintindi ni Dawn ang paliwanag ni Greta dahil nang sumagot sya dito ay walang connection ang sagot nya.

"Gumagamit ka rin ba ng ilusyon? Kagaya ng ninuno mo?"

"Wala ka ng pakialam pa sa bagay na yon." sagot ng babae.

"Kung sasabihin mo ang tungkol sa Verden, hindi na kita sasaktan."

"Bakit naman ako maniniwala sa isang mamamatay tao na kagaya mo?"

"Hindi ka ba natatakot? Sa pwede kong gawin sayo at sa iyong mga anak?"

"Alam nating lahat na pinatay ng angkan ko ang buong angkan ng Verden. Wala na sila! Ano pa bang kailangan mong malaman?"

"Ganon ba?" sabi ni Dawn. Hindi pa rin nagbabago ang expression nito sa mukha. "Ang angkan nyo ba ay may alam sa lagusan?"

"Verden ang nakakaalam sa bagay na yan. Bakit sa isang Aquinox ka nagtatanong?"

'Matapang ang babaeng ito.' isip ni Kzael. 'Hindi man lang iniinda ang sinasabi ni Dawn. At mukhang hindi rin siya natatakot.'

"Ayaw mo ba? Na bago kayo mamamatay sa kamay ko ay nakausap mo ako ng matagal."

Hindi na nagsalita pa si Greta. Unti-unting nasusunog ang kanilang katawan pati na rin ang mga anak nya. Hindi pa rin makatingin si Kzael. Gustong-gusto nyang pigilan si Dawn, subalit alam nyang tama ito.

Aalis na sana sila nang biglang may narinig silang tawa. Boses yon ni Greta Aquinox.

Dahan-dahang pumasok si Rafaelo sa loob ng bahay ni Julio Aquinox. Tahimik ang bahay at walang tao. Pagbukas niya ng pinto, sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin, na para bang isang malaking refrigirator ang bahay ng lalaking yon.

Pag-apak niya sa sahig, naramdaman niyang madulas ito. Pagtingin niya, yelo na ang flooring ng bahay.

Gumawa siya ng isang bola ng apoy para makita niya ang loob ng bahay. Nakapatay kasi ang ilaw ng bahay na yon. Nang lumiwanag sa paligid, nakita niyang nakaupo si Julio Aquinox sa di kalayuan. Blangko ang espasyo ng bahay na yon.

Series of Shadows: The Battle of ClansWhere stories live. Discover now