Mission Fourteen: The Plan For Mass Murder

177 14 2
                                    

Isang tawag mula sa mga Rivaria ang pumutol sa pag-uusap nilang maglola. Nang pumunta sila sa sala, nakaproject sa malapad na blankong wall ang mga imahe nila Max, Clara at Nhea. Iyon ang paraan nila ng pakikipag-usap sa mga malalayo nilang kamag-anak. Dahilan para hindi na sila gumamit ng kahit anong technological gadget.

Nawawala sa eksena si Aishentaru.

"Wala si Aishen?" tanong ni Khmer kaagad.

"Nag-aalala siya na baka hindi makadating ang grupong yon dito sa templo, kaya nagpasya syang umalis para puntahan sila." sagot sa kanya ni Max. "Pinigilan namin siya pero sadyang matigas ang ulo niya. You know how she's like when she's already decided."

"Actually," sagot niya, "pinapapunta rin ako ni Lola sa grupong yon. Mukhang lumalala ang sitwasyon every minute."

"Wala pa bang pumupunta dyan na ibang angkan ng mahika?" tanong ng isa sa mga kasama nila Khmer.

Umiling ang tatlo.

"Wala pa naman. If ever merong dumating dito, agad kaming aalis dito gamit ang portal. Pupunta kami sa ibang lugar." sagot ni Nhea.

Ang portal ay isang lagusan kung saan pwedeng tumawid ang isang Verden. Hindi kagaya ng teleportation, meron silang kailangang iguhit muna sa sahig, sa pader, o sa hangin para sila makalipat ng lugar. Mas matagal din ito gawin dahil kailangan ito ng orasyon.

 "Alam nyo ba kung nasan ngayon si Aishen?" tanong uli ni Khmer.

Umiling si Max. "Alam mo namang mahirap i-track si Aishen kapag gumamit na siya ng portal. Dala niya ang telepono niya. Kung sakaling kailangan natin syang tawagan, madali na lang."

Tumango si Khmer. "Mag-iingat kayo dyan sa templo. Balitaan nyo sina Lola kung may mangyari dyan. I'll get ready to look for those group."

"Pano nyo malalaman kung sino ang grupong yon?" tanong ni Clara.

"Lola saw them in her vision. And she can  transfer that vision to me."

Medyo antok pa siya habang nagdidrive. Tahimik lang sina Rafaelo at Dawn habang binabagtas nila ang daan papunta sa bahay ni Teo Aquinox.

"Nga pala, Dawn, pano mo nalamang may kailangan tayong balikan sa bahay?" tanong ni Kzael. Noong umuwi sila kagabi dahil gusto ni Dawn na magpahinga si Kzael, nabanggit ni Dawn na may kailangan silang balikan sa bahay or sa condo ni Kzael.

Hindi sumagot si Dawn. Nakapikit lang ito habang nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan. As usual, si Rafael ang sumagot.

"Malakas ang pandamdam ni Dawn, Kzael. Hindi nya masasagot ang tanong mo dahil wala naman eksplanasyon kung paano niya nalaman yon." sagot ni Rafaelo na nakatingin sa labas.

'Ah, parang instinct.' isip ni Kzael.

"Hindi ko nakita si Tyler kanina, ano bang nangyari sa kanya?" tanong ni Kzael. "Okay na ba siya?"

"Bumalik siya sa pagkabata, Kzael." simpleng sagot ni Dawn na nakapikit pa rin. "Literal na bumalik sa pagkabata."

"Literal? Bumalik yung katawan niya sa pagiging bata?" tanong niya.

"Oo, Kzael."

Tumahimik si Kzael. "So anong ginawa mo kay Tyler kanina? Malakas yung mga sigaw niya a."

Napamulat ng mata si Tyler. He's feeling better, as if walang nangyari sa kanina kinagabihan. Dawn was indeed a genius, para makaisip ng ganong mahika at paraan.

Series of Shadows: The Battle of ClansWhere stories live. Discover now