Mission Sixteen: Ohiro

173 18 4
                                    

"What?" ulit na tanong ni Asty. "What Friends?"

Unti-unti nang bumabangon ang grupo mula sa pagkakabagsak nila sa ere.
Inalalayan ni Carlos si Throwa na tumayo.

"Hindi mo ba sila maalala?" tanong ni Tyler.

Umiling si Asty. "No."

"Lagot." sabi ni Xynan. "Hindi tayo maalala ni Bossing."

"Nakalimot siya?" tanong ni Vyolene. 'Pero kung nakalimot siya, ibig sabihin hindi na rin niya kakilala si Throwa.'

Lumapit sila kay Throwa. Hindi makapaniwala si Throwa sa naririnig niya.

"What's the last thing you remember?" tanong ni Tyler.

Hindi sumagot si Asty. "I don't remember well."

"It's okay that you forget them Asty, but it's impossible for you to forget her.” sabi ni Tyler at itinuro pa nito si Throwa.

Napatingin si Asty sa babae. It's as if malapit na itong umiyak. 'But I don't remember her.', Asty thought.

"Sino ba siya?" he asked.

Tyler sighed. "She is Roa. Your childhood bestfriend and your fiancee."

"Fiancee?"

Hindi kaagad nagsalita si Asty.

"Kababata natin siya Asty. Why don't you try to remember?" sagot ni Tyler.

Hirap huminga sina Marina at ang lalaking kasama nila, ang lalaking nauna nilang nakita sa templo ng mga Verden, ang lalaking nagpakilalang si Khmer.

Sa grupo ng Leonza na kaharap nila ngayon, may isa sa mga ito ang may kapangyarihan na maglabas ng lason at ikinakalat nito sa hangin. At dahil immune si Seiya sa kahit anong klaseng lason, siya lang ang hindi naaapektuhan nito.

Sinabihan siya ni Seiya na as much as possible, huwag niyang langhapin ang usok na pinapalabas sa kamay ng isa sa mga lalaking kaharap nila, pero mukhang hindi na kakayanin ng katawan niya. Sira ulo lang ang magsasabi na kailangang hindi huminga ng ilang minuto o segundo. Maaari silang mamatay.
Lumapit sa kanya si Khmer.

May itinuro ito sa di kalayuan, na parang sinasabi na pumunta muna sila doon.
Tumango naman siya.

Mayroong iginuhit sa hangin si Khmer at biglang may bumukas na portal. Pagpasok nila doon, nakalipat sila ng lugar, doon sa lugar sa templo na hindi masyadong apektado ng nakalalasong hangin. Para silang nagteleport. Sumagap siya ng hangin.

"I'm sorry, wala akong maitutulong sa laban nyo sa Leonza.” sabi ni Khmer.

"Wala kang alam na mahika?" tanong niya.
Tumango ang lalaki. "Lalabas muna ako. Hihintayin ko kayo ng lalaking kasama mo. Dadalhin ko kayong dalawa sa Verden."

Tumango naman siya. Kahit gustuhin pa niya, hindi niya maaaring iwan si Seiya. Tutulungan niya ito sa abot ng makakaya niya.

Gumuhit ulit si Khmer sa hangin at bumukas ang portal.

Seiya's eyes have turned bloody red again. Wala na itong masyadong makita dahil sa kapal ng nakalalasong hanging pumapalibot sa loob ng templo.

'I have to get rid of them quickly.' Seiya thought.

Hindi maaaring magtagal ang laban niya sa mga yon dahil siguradong mamamatay si Marina at ang lalaking kasama nila kanina kapag lumampas pa ng ilang minuto ang pananatili ng hangin na yon sa paligid.

He joined his both hands. Unti-unting lumabas ang liwanag na parang kuryente, para itong kidlat. Nagrereact ang nakalalasong hangin dito. Dahil unti-unti ring kumalat ang tila kuryenteng liwanag na yon.

Series of Shadows: The Battle of ClansUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum