Mission Twenty Point Five: Answer

174 14 4
                                    

Naging issue sa grupo nila ang kissing scene nila Kzael at ni Ashley. Hindi sumasagot si Kzael kapag tinatanong nila. Mula nang magpropose si Xynan kay Vyolene, naglie-low si Kzael. Hindi na ito bumabanat ng malulupit na jokes at namimiss yon ng barkadahan nila. Namimiss nila ang kakulitan ni Kzael.

Si Vyolene, laging badtrip. Mukhang lagi siyang sinusumpong ng kasungitan. Hindi na siya kinukulit ni Kzael at si Xynan naman ang laging sunod ng sunod sa kanya.

“Badtrip na ka na naman?” tanong ni Leeone.

Napansin kasi nilang nakasimangot na naman siya. Nasa hideout sila ng Shadows, pero wala ang mga boys. Binigyan kasi sila ng susi ni Kzael, si Throwa ang may hawak. Kaya anytime maisipan nilang tumambay, walang problema. Wala si Xynan noon, absent sa pagbuntot sa kanya.

“Wala to.” sabi niya.

“Eh bakit nakadikit na naman yang kilay mo? May magnet ba yan?” tanong ni Hyna.

Nakatayo ito noon sa mini bar, nakaharap sa area ng couch. Nanonood kasi ng pelikula noon sa TV sina Xavier, Leeone, Zach at Vyolene. Busy naman si Throwa sa mga homework niya.

Hindi sumagot si Vyolene.

“Isa lang ang dahilan nyan.” sabi ni Xavier. “Si Kzael.”

Napatingin si Vyolene sa katabi. May warning look.

“Pwede ba, Vyolene, for once in your life, aminin mo na gusto mo si Kzael.” sabi ni Zach. Hindi pa rin siya tinitingnan nito, “Obvious naman yung selos sa mata mo ung pinakilala ni Kzael yung Ashley sa grupo.”

“Oo na!” singhal ni Vyolene. “Oo na, gusto ko na si Kzael! Eh ano naman ngayon?”

“Naiinis ka no, kasi may girlfriend na siya. Ikaw kasi eh! Di mo kaagad binasted yung Xynan, ayan tuloy, naghanap ng iba.” sabi ni Throwa.

Napatingin sila kay Throwa, although busy ito sa pagbabasa ng libro at pagsulat ng notes, nakikinig pala ito sa kanila.

“Anong gagawin ko?” tanong ni Vyolene.

“Wala. Wala ka ng magagawa.” Naiiling na sabi ni Zach.

“Nahuli ka na kasi. Maganda din naman yung Ashley at mukha pang mabait. Kahit sinong lalaki, lilingunin yun pag dumaan.” sabi ni Hyna. “Ipagpaubaya mo na lang siya kay Kzael, tutal yan na ang uso ngayon.”

Natigil ang pag-uusap nila nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Lee at si Kzael. Wala nang nagsalita sa kanila. Napansin yata ni Kzael ang pananahimik nila, obvious kasi.

“Oh, what’s the commotion all about?” tanong ni Lee.

“Wala naman. Nagkukuwentuhan lang kami saka nanonood ng T.V.” sagot ni Xavier.

Inilapag ni Kzael ang gamit niya sa tabi ng mga gamit ni Throwa. Doon siya sa dining area umupo. Ganun din si Lee.

“Uy, Kzael, may tanong kami sayo.” sabi ni Hyna. “Okay lang ba?”

“Ano naman yon?” takang tanong ni Kzael. As if wala siyang idea.

“Bakit nagchange ka ng image?” tanong ni Xavier.

“Change? Hindi naman ako nagbago. Ganito naman ako even before you met me. Is that a big deal?”

“Hindi naman. Nakakapanibago lang. I guess namimiss lang namin yung nakilala namin na Kzael dati.” sabi ni Xavier.

“Ganon ba? Di ba nasabi ko na sayo Vyolene dati na ganito ang totoong Kzael, di ba?”

“Oo.” sabi ni Vyolene. “Bakit hindi mo sinabi na may girlfriend ka na?” diretso nitong sagot.

Series of Shadows: The Battle of ClansWhere stories live. Discover now