Mission Five: Ivan Devour

245 17 1
                                    

Pagdating nila Asty at Tyler, agad silang  tinawag ng mayordomo nila at gusto daw silang makausap ni Dawn. Naglakad sila papunta sa library ng bahay na nasa bandang basement. Doon ang paboritong tambayan ni Dawn.

Pagbukas nila ng pinto, nakita nilang nakaupo si Dawn sa mesa. Nakatingin ito sa malayo. Nang mapansin nitong nasa loob na sila ng library, agad niyang sinabi ang nangyari kanina sa kanya, kung saan isang Aquinox ang nag-abang sa labas ng bahay nila.

"Alam kong mangyayari yon, Dawn." sabi ni Asty.

"Tama si Asty. Ang baguhin ang nakaraan ay may malaking epekto sa kasalukuyan at mula sa araw na ito, we're in trouble Asty." sambit ni Tyler.

"Kailangang maibalik nyo ako sa panahon na pinagmulan ko Astyanax. Pag lumala ang sitwasyon, maaaring mawala ako o mawalan kayo ng memorya. "

"Ang problema Dawn, walang mahika ang pwedeng magbalik sayo doon. Wala ka bang alam na lagusan ng oras?" tanong ni Tyler. Hindi pa rin sumasagot si Asty. Animo'y nag-iisip ito.

"Meron sana kaya lang nagbago na sa panahong ito ang pangalan ng lugar na yon. Mahihirapan tayong hanapin yon." sagot ni Dawn.

"Sina Throwa kaya Asty? Hindi ba sila marunong gumawa ng spell? Mga witches sila di ba? sabad ni Tyler.

"Bukas din ay tatanungin ko sila."

Kinagabihan, lahat sila ay nakaranas ng kakaibang panaginip. Silang lahat ay parehong napanaginipan na sila ay sinasalakay ng mga zombie. Yun ang naging usapan nila kinabukasan.

"Paanong nangyari na tayong lahat ay pareho ng panaginip?" tanong ni Lee.

"Hindi rin namin alam. Ang weird no." sabad ni Xavier.

"Hindi kaya may haharapin na naman tayong bagong adventure? Masaya yan!"

"Hyna, kung panibagong adventure yan, ibig sabihin may mali na kailangang itama." sagot ni Throwa.

"Meron nga."

Napatingin ang lahat sa bagong dating, sina Dawn, Asty, Tyler at Kzael. Si Asty ang nagsalita.

"We need to send them back, si Rafaelo at Dawn sa 17th century. Malas lang dahil wala kaming maitulong. Hindi marunong ang mga Devour na tumawid ng oras." sabi ni Tyler.

"Ha? Para saan pa? Masaya na sila dito ah." sagot ni Vyolene.

"Pag hindi nyo ginawa Vyolene, mawawala lahat ng mga Devour sa mundo at masama pa, baka sa oras na yon, hindi na kayo magkakasama. Hindi ba't ang libro ko ang nagbuklod sa inyong lahat?" sagot ni Dawn.

"Nung nawala kami ni Dawn, hindi pa niya tapos ang libro, at tingin ko'y hindi pa niya napapakasalan si Senyorita Gabriela. Ibig sabihin, maaaring mawala ang kambal at iba pang mga Devour." sabad ni Rafaelo.

"Problema nga yan. Tumatakbo ang oras at kailangan nating habulin. Wala tayong ibang kalaban ngayon kundi ang oras." sabi ni Throwa.

"Hindi lang siya Throwa. Kumikilos na ang angkan ng mga Aquinox para iligpit ako. Pagkatapos ng angkan ng mga Quierhada, mayron pang limang angkan ng mahika akong kinalaban. Isa doon ang Aquinox. Wala ang kapangyarihan ni Laura kumpara sa kanila, kaya kailangan natin ang pag-iingat." sabi ni Dawn.

"Teka, kung nakaalis kayo sa panahon na yon na hindi pa tapos ang libro, paano nyong naaalala lahat ang mga susunod pang magyayari? Hindi ba't dapat hindi nyo pa alam ang mga mangyayari sa kinabukasan nyo?" tanong ni Yhaen.

"Nung natawag nyo kami sa panahon na ito, Yhaen, nabuo ang lahat ng mga alaalang yon noong nandito na kami. Kaya lahat ng nangyari pagkatapos ng pagpunta namin dito ay naaalala at alam namin." paliwanag ni Rafaelo.  "Halimbawa, noong panahon na nawala kami, at hindi pa tapos isulat ni Dawn ang libro, pagdating namin sa panahong ito, tila ba natapos na niya ito dahil alam na alam ni Dawn kung ano ang naisulat niya mula sa una hanggang sa huling pahina. Isa pa, ang alam ko'y hindi pa napapaslang ni Dawn ang iba sa mga nakalaban niya noong nawala kami sa panahon namin."

Series of Shadows: The Battle of ClansWhere stories live. Discover now