Epilogue

206 14 0
                                    

Gulong-gulo ang reaction ni Vyolene. ‘Ano tong pinagsasabi ni Ash na ako daw ang maswerte?’

Pati ang mga kasama niya ay naguguluhan. ‘Ano ang ibig nyang sabihin?’

“Magulo ba?” tanong sa kanila ni Ash. “Ikaw, Vyolene, ang gusto niya. Hindi pa ba obvious?”

“Anong obvious? Eh di ba ikaw ang girlfriend niya?” tanong ni Hyna.

“Ha? Hindi no!” tanggi ni Ash. “Sabi ko na nga ba e, mamimis-interpret nyo. Close talaga kami ni Kzael. At yung kiss, that’s the way how we greet our relatives. Pinsan ko si Kzael.”

“Wow. That’s a shocking revelation.” sabi ni Zach.

Napatingin sila kay Vyolene. Hindi ito makapaniwala sa naririnig. Wala naman pala talagang girlfriend si Kzael.

“Oh isa pa,” sabi ni Ash. “The reason na medyo nagpanggap ako, is because gusto daw niyang tumigil ang mga suitors nya.”

“May pag-asa ka na Vyolene.” Hirit ni Hyna.

“Uy..” inis sa kanya nina Xavier at Leeone. “Nabuhayan sya ng loob.”

Namula si Vyolene. Hindi niya maitago.

Paggising ni Kzael, at paglabas niya ng kwarto, nakita niya si Ash na naglalaro na rin ng scrabble. Katabi nito noon nila Yhaen at Carlos. Mukhang busy ang grupo sa paglalaro. Mukhang masaya na rin ang grupo. Hindi na sila parang pinaglalamayan.

“Oh anong meron? May namiss ba ko?” tanong niya.

“Ah, gising ka na pala.” sabi ni Carlos. “Kawawa nga si Ashley kaya tinutulungan namin ni Yhaen, di ba pre?”

Nagtaka si Kzael. Ibang klase makadikit ngayon si Yhaen at Carlos kay Ashley.

“Anyway, hindi pa daw napapanood ni Ash yung Terminator 3. Magrent kaya tayo sa Video City?” tanong ni Yhaen.

“Oh magandang idea yan. Tara?” tanong ni Hyna. Tumayo sya mula sa pagkakaupo. Parang tapos na ang tournament nila sa scrabble.

“Okay, tara sama ka sa min Ash.” Yaya ni Lee.

Tumango naman ang babae. Umalis ang lahat, maliban kay Throwa, Asty at Vyolene. Nakatambay sa balcony sina Asty at Throwa. Nakaakbay pa ang lalaki kay Throwa.

Tumabi naman si Kzael kay Vyolene. Umupo ito sa couch, at binuklat ang book 5 ng Harry Potter.

“Adik ka talaga kay Harry Potter.” sabi ni Kzael.

“Maganda kasi ang kwento.” sabi ni Vyolene. Hindi nito tiningnan si Kzael.

“Nasan pala yung tatlong itlog? Bakit wala sila dito?”

Biglang bumukas ang pinto. Nagtaka si Kzael. Parang sinapian ng masamang espiritu si Xynan. Inaawat nung dalawa ang lalaki. Mabilis itong lumapit sa kanya, pagkatapos ay hinila nito ang t-shirt niya, pilit syang pinatatayo ni Xynan. Walang sabi-sabi ay sinuntok siya ni Xynan. Napaupo si Kzael.

“Ano bang problema mo?” galit na tanong ni Kzael.

Napatayo din si Vyolene. “Xynan, anong ibig sabihin nito?”

“Tumabi ka Vyolene, away ng lalaki to.” sabi nI Xynan.

“Bakit ba galit na galit ka sa kin?” tanong ni Kzael. “Ano bang ginawa ko sayo?”

Napatingin din sila Throwa at Asty sa mga bagong dating. Inaawat nila Athan at Rad si Xynan.

“Asty, pigilan natin sila. Parang papatulan na ni Kzael si Xynan.” sabi ni Throwa.

Series of Shadows: The Battle of ClansWhere stories live. Discover now