Mission Thirteen: Rest

213 18 5
                                    

Biglang sumulpot sa van sina Marina at Seiya. Marina was sitting on Seiya's lap. Napatingin sa kanila sina Carlos, Yhaen at Lee na noo'y nakatayo sa labas ng van. Asty was still sleeping at hindi pa rin nagigising. Bumalik naman na sina Radcliffe, Athan at Xynan sa condo dahil na rin sa inutusan sila ni Carlos na sabihan ang grupo ng Pegasus at si Tyler na magpahinga muna.

Mabilis na bumaba ng van si Marina. Hindi pa rin nito pinupunasan ang dugo sa kanyang mukha, ang dugo na galing sa mga nakalaban niya kanina.

Bumaba rin si Seiya sa van. Pagtingin niya kay Asty, it's as if Seiya noticed.

"Is Asty sleeping?" tanong ni Seiya.

"Actually, we don't know." sabi ni Carlos. "He's not waking up. No matter what we try."

Lumapit si Marina sa pwesto ni Asty. Hinawakan ng babae ang mukha nito. Hindi nga ito gumagalaw.

Hindi kaagad sumagot si Seiya. "How about Tyler?"

"He's with the girls. I think they are already resting for now."

"Bakit hindi kayo pumunta sa condo?" Lee asked. "It's better that you also rest."

"Condo?" tanong ni Marina.

Tumango si Yhaen. "Sasamahan ko na kayo don. Magpahinga ka muna don, Marina."

Napatingin si Marina kay Seiya. "Are you coming Sei?"

"Yeah. I guess. My body feels a bit sore. I'm no longer used to using that power." sabi ni Seiya. Nag-unat-unat pa ito ng katawan. True enough, medyo namumula nga ang braso pati na rin ang mukha ng binata.

Pagpasok nila Marina at Seiya sa hideout ng Shadows at Pegasus, halata sa mukha ng mga ito ang pagtataka at amusement. The girls are seating at the couch. They looked tired. Nasa dining area naman sina Xynan, Athan at Radcliffe. Mukhang gising na gising silang lahat. Marahil ay hindi sila makatulog dahil na rin sa kaba na baka bukas paggising nila ay wala na silang memory.

Throwa just stared at Marina and vice versa.

Todo lapit naman sina Vyolene, Leeone, Xavier at Zach kay Seiya. Kinakamusta siya kung okay lang ba siya. Seiya is warmly accommodating them, pero todo ang asikaso nito kay Marina.

"Are you two close?" tanong ni Leeone.

Napatingin si Seiya kay Marina na katabi nito noon. Hindi pa sila nakakaupo sa sofa ay sinalubong na sila ng mga babae.

"Yeah." sabi ni Seiya. "By the way, where's Tyler?" tanong nito.

Bahagyang nalungkot at nagtinginan ang apat na babae. Mukhang hindi sila magiging close kay Seiya, even for that short period of time. Plano pa man din nila magpakuha ng photo at autograph sa sikat na lead vocalist ng BAD.

"He's with Hyna in the room. Hyna is watching over him." sagot ni Throwa. "It seems that he's so sick, Sei."

Dumiretso si Sei sa kwarto at iniwan si Marina kasama ng mga babae. Wala ni isa man sa kanila ang nagsalita.

Siniko ni Leeone si Throwa nang makaalis si Seiya papunta sa kwarto ng condo nila. Dumiretso naman si Marina sa balcony.

"Girl, hindi mo pa kami pinapakilala kay Seiya." bulong nito. "Kelan mo naman kami ipapakilala?"

Lumapit din sina Vyolene, Zach at Xavier kay Throwa. They are curious with the same thing. Napailing si Throwa. "Once this is done, ipapakilala ko kayo sa kanya. Kung gusto nyo, yayain pa natin siya lumabas." sabi niya.

Series of Shadows: The Battle of ClansWhere stories live. Discover now