Mission Eight: Killing Spree

194 20 0
                                    

Napatigil si Carlos ilang sandali matapos sila magpalit ng pwesto ni Asty. Napansin ni Asty na nakakunot ang noo ni Carlos.

"Why?" tanong ni Asty sa katabi.

"Someone is waiting for us, Asty." sabi ni Carlos.

'May nakikita na naman siya.'

"Where?"

"Galing sya sa Aquinox. At may kapangyarihan siya. It's a he. He's waiting for us few meters away from us."

"What do you sense with him?"

"He's ready for the kill Asty. Papatayin nya tayo kapag nakita niya tayo."

Hindi na sumagot si Asty. Bumaling si Carlos sa mga kasama niya sa likuran nila.

"Get ready," sabi niya. "May kalaban tayo."

"Ha? Anong kalaban?" tanong ni Xynan.

"Bababa ba tayo ng sasakyan?" tanong ni Hyna. Nagreready na ito sa labanan. She's stretching her arms.

"Masyado tayong marami kung isa lang ang lalabanan natin." sabi ni Leeone. "Ilan ba sila Carlos? Would you know?" tanong pa niya.

Saglit na tumahimik si Carlos bago sumagot. He can sense a lot of energy at aura na nakapaligid sa unang lalaki at kalaban na nasense niya. He can also see a lot of shadows doon sa lugar kung saan naghihintay ang mga kalaban.

 "May mga kasama siya. At least lima sila."

"Ah, so sino sa tin ang lalaban?" tanong ni Xavier. "Baka maganda kung ang Shadows na lang ang haharap sa kanila."

"Pero hindi naman sila marunong ng magic, Xavier. Tayo lang ang may kapangyarihan sa ganon." sagot ni Vyolene.

"Nakalimutan mo ata na meron tayong kasamang galing sa Devour." sabi ni Throwa. "Isa pa, chance na to nina Radcliffe at Athan magpakitang gilas."

Bumaba mula sa kotse ang isa sa mga leader na kabilang angkan. Sunod-sunod ang pagdating ng mga ito sa mansyon ng matandang leader ng clan ng Aquinox. Pinatuloy sila kaagad sa hall ng bahay na yon. Tanging ang mga leader lang at ang kanilang mga kanang kamay ang naroroon.

Nasa round table ang mga leader habang nakatayo lang ang kanilang mga kanang kamay.

"Nagmamadali kaming pumunta dito nang malaman naming nakita nyo si Dawn Devour sa panahong ito." sabi ng matandang babae. Ang babaeng yon ay ang leader ng angkan Leonza, si Mohana Abada Leonza. Isa sa mga naging kalaban ni Dawn sa taong 1699.

"Totoo yan, Mohana." sagot ng leader ng angkan ng Aquinox. "Sa katunayan, sa mga oras na to ay kinakalaban na siya ng mga myembro ng aming angkan. Unfortunately, inuubos niya ang mga magagaling namin mga myembro. Ang huli kong nabalitaan, napatay na niya ang dalawa sa paborito kong myembro."

Ang tinutukoy ng matanda ay sina Julio at Greta Aquinox.

"Anong tulong ang kailangan nyo mula sa amin?" tanong pa ng isang matandang lalaki. Yon ang leader ng angkan ng Braganza, Leonardo Braganza.

"Kailangan nating pagtulungan si Dawn Devour. Pagkakataon na natin makaganti sa kanya. Isa pa, mukhang hinahanap nila ang lagusan pabalik sa panahon." sabi ng matandang Aquinox.

"Ang lagusan? Tatawid sila ng panahon?" tanong ng matandang lalaki na galing sa clan ng Hamayana, si Yadir Hamayana.

"Kung ganon totoo ang balita noon na tumawid ng panahon si Dawn kaya bigla siyang nawala?" tanong uli ni Mohana.

Series of Shadows: The Battle of ClansWhere stories live. Discover now