Mission Two: The Date

368 21 1
  • Zadedykowane Aleshia Leeshen Santos
                                    

Sa isang mamamahaling hotel sya dinala ni Kzael. Sinundo pa siya nito mula sa bahay. Kahit nong papunta pa lang sila na si Kzael ang nagda-drive ng sasakyan kinakabahan na siya. Pakiramdam kasi niya ay may gagawin itong kakaiba. Pagbaba nila sa sasakyan, normal lang ang lakad nila hanggang sa makarating sila sa lobby.

Maraming tao doon. Halos karamihan sa mga tao doon ay mukhang mga elite at high class na tao.

"Ano ba ito? Bakit mo ko dinala dito?" tanong ni Vyolene sa kasama.

"Andito sa bansa ang business partner ng parents ko. The problem is, wala sila mommy at daddy dahil may business meeting sila sa Costa Rica."

"Costa Rica?" 'Ganito ba kayaman itong lecheng to?'

"Oo, you know, a country in Central America?" sagot ni Kzael. As usual binabasa na naman nito ang nasa isip niya, kahit pa pinagbawalan sila ng leader ng Shadows.

"Eh bakit niyaya mo ko ng date kung imemeet mo pala sila? Aalis na ko. I don't belong here."

Hinila siya ni Kzael bago pa siya makalakad paalis ng hotel. Ilang pulgada (inch) na lang pala ang layo ng mukha nito sa mukha niya.

"You are beautiful." sabi nito na halos pabulong.

Hindi niya napigilang pamulahan ng mukha. Naitulak lang niya si Kzael palayo nang marinig nila na tinawag ng isang babae si Kzael.

Nagbabasa si Marina noon ng libro sa sala ng bahay ng mga Devour sa Espanya. Wala naman kasi siyang mapagkaabalahan dahil ayaw rin niya mamasyal sa labas. Madalas na wala si Asty at si Tyler dahil na rin sa pamamasyal nila sa mga kaibigan at pinsan nila sa Espanya. Ang madalas maiwan sa bahay ay si Dawn, sya at ang lola nila.

Maaga pa ng bumangon si Dawn at nakita si Marina na nagbabasa ng libro habang umiinom ito ng gatas. Umupo sya sa katabing sofa ni Marina. Mukhang napansin siya ng babae at kaagad nitong ibinaba ang libro at binati siya.

"Magandang umaga, senyor Dawn."

Ngumiti si Dawn at tumango. "Nasaan ang kambal?"

Nagkibit-balikat siya. "Maaga silang umalis kanina. Niyaya daw sila ng kanilang mga kaibigan na magpicnic."

"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" tanong ni Dawn.

"Mas kumportable akong nandito sa bahay, senyor. Isa pa, maaaring…"

Hindi natuloy ni Marina ang ibig sabihin. Pano ba naman kasi siya magiging kumportable kung buong buhay nya e pinagtatangkaan siyang patayin ng mga kalahi nila na hindi rin naman niya kakilala.

Mukhang nabasa ni Dawn ang nasa isip niya.

"Hindi ba't sinabi ko sayo na tuturuan kitang gumamit ng mahika? Ang mabuti pa, simulan na natin ito ngayon." sabi ng binata.

"Talaga  bang kaya mong turuan ang kagaya kong hindi biniyayaan ng kapangyarihan?" tanong niya.

"Hindi mo ba narinig sa ating mga kamag-anak ang tungkol kay Laura?"

Umiling siya. "Hindi ako malapit sa mga Devour. Bata pa lamang ako ng mamatay ang aking ama at ina. Walang nakapagkwento sa akin ng kahit anong tungkol sa mga Devour, senyor."

"Ah." sabi ng binata. Huminga ito ng malalim. "Ang ating angkan ay likas na marunong gumamit ng mahika, Marina. Hindi magiging mahirap sayo ang matutunan ang mga ituturo ko sayo. Sa panahon ko, nakaya kong turuan ang isang indio na walang alam na kahit ano sa mahika. Kaya hindi ako nagdududa na kaya mong gawin ang ginawa nya."

Series of Shadows: The Battle of ClansOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz