Mission Four: The Day of Birth

248 19 9
                                    

Nakikinig ang tatlo sa kwento at paliwanag ni Carlos.

"Bueno, hindi ko sila gusto. Wala silang respeto." sabi ni Dawn. Hindi pa rin nagbabago ang expression nito sa mukha, magkatulad sila ng reaction ni Asty.

Nakaupo si Dawn sa sofa, habang nasa harap naman sila Xynan, Nathaniel, at Radcliffe na animo'y nakaluhod at nanghihingi ng pasensya.

"Grabe ka naman 'tol, pasensya ka na kanina." sabi ni Xynan.

"Hindi ka niya kinakausap kaya huwag kang sumagot." sabi ni Asty. Nakatayo ito noon na malapit sa balcony ng condo.

Natahimik si Xynan. 'Napakalakas mambara nitong tao na to. Kita na sa mukha, kita pa sa gawa.'

"I don't have anything against them in joining the group. But I don't think Asty and Dawn will like them, especially Dawn." sambit ni Tyler na halos katabi lang ni Asty. Tyler had gray hair.

"Bakit? Ano bang meron sa min? Ang yabang nyo ah! Kung sa itsura lang naman, hindi tayo nagkakalayo!" inis na sabi ni Xynan. Medyo napipikon na ito. Pinipigilan na siyang magsalita ng dalawa niyang kasama.

"May dapat silang ipagyabang lalo na si Dawn, Xynan. Kung alam mo ang history ng mga warlocks at witches, sya ang nagsimula ng digmaan laban sa Quierhada clan. Sya si Dawn Devour." sagot ni Carlos sa tanong ni Xynan.

Laglag ang panga ng tatlo.

"Sya si Dawn Devour? Paano nangyari yon eh 305 years ago na nung nabuhay siya? Di naman siguro sya tatawid ng time di ba?" tanong ni Radcliffe na gulat pa rin.

"Actually, nangyari yun dahil sa kin."

Napatingin ang lahat sa bagong dating na si Throwa. Kakasara lang nito ng pinto. May mga kasama pa itong grupo ng babae, sila Hyna.

"Kamusta na, Asty?" tanong pa ng leader ng mga babae kay Asty.

At ang kanina ay masungit na si Asty, ngayon ay nakangiti na.

"Ganon? Nakalaban nyo si Asty kaya kailangan nyong ibalik si Dawn?" naguguluhang tanong ni Xynan.

"Si Asty ay complete reincarnate ni Dawn, dahil halos lahat ng magic na alam ni Dawn ay alam din niya, isali mo pa na magkamukhang-magkamukha sila." sabi ni Hyna.

"Ang galing naman ng adventures nyo, exciting!" bulalas ni Nathaniel.

Naikwento na kasi nila ng buo ang tungkol sa kung ano ang nangyari noong nakaraang taon, ang tungkol kay Dawn, ang tungkol sa laban nila laban sa mga Devour, ang laban nila kay Laura.

"At ang masungit pala na yon," turo ni Xynan kay Asty na nasa balcony noon at kaakbay si Throwa, "boyfriend ni Throwa?! Paano nakakapagtimpi ang kaibigan nyo sa ubod ng sungit na lalaking yon?!"

Tumawa lang ang grupo.

"Hindi ko talaga gusto ang isang yon. Merong masamang plano yan." sabi ni Dawn na noo'y nasa dining room. Kasama nya noon si Rafaelo.

"Napansin mo rin pala. Kailangang maobserbahan ang isang yon." sagot sa kanya ni Rafaelo.

"Ganun pa man, natutuwa ako sa pagbabago mo. Ganito pala ang magiging itsura natin matapos ang apat na siglo." biro ni Dawn.

Ngumiti lamang ang kaibigan niya.

"Why did Tyler and Dawn colored their hair? Usapan nyo bay an nung nasa Spain kayo?" tanong ni Throwa. Nakaakbay pa rin si Asty sa kanya. 'I missed this guy..'

Series of Shadows: The Battle of ClansWhere stories live. Discover now