Mission Eighteen: The Gate Keepers

159 13 1
                                    

“Siya si Aishen?” tanong ni Xynan kila Carlos. Tabi-tabi noon ang mga lalaki na nakatayo malapit sa entrance ng templo.

“I guess. Mukhang malapit sila nung Khmer e.” sagot ni Carlos.

Napatingin si Carlos sa mukha ni Xynan, parang hindi na naman maialis nito ang tingin sa babaeng kakakita lang nila.

‘Type nya siguro itong babaeng to.’ Carlos thought.

“Alam mo ba kung nasan sila Clara?” tanong ni Aishen kay Khmer.

Dinukot ni Khmer ang cellular phone sa bulsa niya. “I’ll call them.”

Natuwa ang lahat dahil mukhang finally, matatapos na ang problema nila. Medyo makakahinga na sila ng maluwag. Mukhang magiging normal na muli ang lahat. Masaya na silang lahat, pero mukhang hindi masyadong kumbinsido si Dawn. Napansin yon ni Rafaelo. Nasa likuran sila ng mga grupo ng Shadows at ng Pegasus.

“Mukhang nababahala ka na naman, Dawn.” sabi ni Rafaelo.

“Nakikita kong hindi pa tapos ang problema.” simpleng sagot nito.

Naaaninagan ni Rafaelo ang konting pula sa mga mata ni Dawn. Mukhang ginagamit na naman nito ang kapangyarihan niya, na galing sa kabilang angkan.

“Bakit mo nasabi yan Dawn?” tanong uli niya.

“Nasa panganib ang mga kasama niya.”

Mukhang tama ang sinabi ni Dawn, dahil nakita niyang namutla si Khmer pagkababa nito sa telepono. May sinabi ito kay Aishen at nabigla ito.

Bumukas uli ng portal si Khmer. Mabilis na tumakbo papasok doon ang dalawang Verden kaya nagmadali rin silang pumasok. Hindi nila naiintindihan kung bakit ganon ang reaction ni Khmer at ni Aishen.

Paglabas nila mula sa lagusan, isang bahay sa kabundukan ang nadatnan nila. Hindi nila alam kung saang bahagi ng Pilipinas yon. Halos kasing-taas yata iyon ng bundok kung saan naroroon ang Palace In The Sky sa Tagaytay. Walang ilaw sa paligid. Mukhang walang mga kapitbahay ang bahay na yon.

Mabilis na tumakbo sina Khmer at Aishen sa loob ng bahay. Mukhang pamilyar sa kanila ang bahay na yon. Sumunod sila.

Lalabas sana si Marina nang biglang hawakan ni Seiya ang kamay nya. Napatingin sa kanya ang binata.

Umiling si Seiya, na para bang sinasabi na hayaan na lang nila ang grupo ng Shadows at Pegasus. “Let’s go back. They don’t need us here.”

Tumango si Marina. And then they vanished from the van.

“Clara! Max! Nhea!” sigaw ni Aishen, pagpasok sa loob ng bahay.

Wala pa ring ilaw sa loob ng bahay. Gumawa si Dawn ng bola ng apoy. Ginawa yon ni Asty at ni Tyler as well. Yon ang nagsilbing ilaw ng grupo nila. Pumasok sila sa bahay.

Pagpasok nila, ang sala ang una nilang nadatnan. Medyo magulo ang bahay na yon, nagkalat na yung mga gamit doon. May fresh na dugo pa doon sa isa sa mga sofa set sa sala ng bahay.

“Ano kayang nangyari dito?” tanong ni Athan. Hinawakan niya ang fresh na dugo sa sofa. Mukhang bagong-bago pa lamang yon.

“Mukhang nahuli tayo ng dating ah.” sabi ni Yhaen.

“Buhay pa kaya sila?” tanong naman ni Carlos.

“Delikado if mapatay ang isa sa kanila, remember?” sabi ni Lee. “Let’s hope for the best.”

Series of Shadows: The Battle of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon