chapter four

1.9K 93 8
                                    

Glaiza' POV

After niyang maihatid si Jamie sa tinutuluyan nito ay hindi muna siya umuwi sa kanila. Pumunta muna siya sa paborito niyang rooftop. Ngunit hindi niya inaasahang madatnan doon ang babaeng rason kung bakit hindi na siya pumipirmi dito sa Pilipinas. Aalis na sina siya ulet ng magsalita ito.

"You're leaving na agad, kadarating mo pa lang."

Bakit ganito siya kausapin nito. Parang hindi siya iniwanan nito ilang taon na din ang nakakaraan.

"You can stay here you know. Maganda ang gabi, madaming stars."

Gusto niya itong bulyawan at sabihing ang kapal ng mukha nito. Pero hindi niya ginawa. Bagkus ay itinuloy na lang niya ang naudlot na pag alis.

"Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa din nakaka move on, ha Glaiza?" May kalakasang sabi nito. Doon na siya humarap dito.

"Hindi porke iniiwasan kita ay hindi pa ako nakakamove on. Its almost ten years, so dont flutter yourself too much."

"Exactly, almost sampung taon na din pero ganoon pa din ang reaksyon mo tuwing nakikita mo ako. Bakit, Glaiza? Bakit palagi mo pa din akong iniiwasan. We can be friends, you know."

"Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo, at hindi kita gustong kaibigan." Pagkasabi niya niyon ay muli na siyang tumalikod dito. Pero hindi niya akalaing hahabol ito sa kanya, dahil hindi naman nito gawain iyon.

"Glaiza, wait. I just want us to talk."

"Wala naman tayong dapat pag usapan at kung kukumustahin mo ako e okey lang naman ako at mukha namang ganoon ka din."

"I miss you."

"Huh!" Napa ismid siya sabay piksi sa kamay nitong nakahawak sa braso niya. Saka mabilis na siyang umalis. Good thing at hindi na ito humabol pa sa kanya.

Hindi niya alam kung paano siyang nakauwi ng ligtas, gayong samut-saring emosyon ang nararamdaman niya. At kung anu-ano din ang nasa isip niya.

Nang nasa kwarto na niya siya ay kinuha niya ang frame na itinago niya sa pinakailalim ng kanyang drawer. Ang picture na nandoon ay ang masayang larawan nila ni Rhian noon. Hinaplos niya ang mukha nito doon at parang bigla siyang nagbalik sa nakaraan nila.

Flashback

Hindi naman siya rebeldeng teenager noon basta lang ginagawa niya ang lahat ng gusto niya. She's just enjoying herself . At dahil dito kaya niya nakilala ang nagrerebeldeng si Rhian. Kasama niya noon na mag bar ang mga buddy niyang sina Angelica, Ketchup, at Alwyn. Pero dahil tila may mga kanya-kanya ng pinagkakaabalahan ang mga ito ay naiwan siyang mag isa sa table nila. Kaya naman naisipan niyang magtungo nalang sa favorite spot niya, sa rooftop ng bar na iyon. Gustong-gusto niyang nagtutungo doon, dahil tahimik at walang gasinong nagagawi.

Pero parang gusto na niyang umurong ng makita niyang may nakabulagta sa isang parte ng rooftop. Hindi niya alam kung lasing lang ba ito o baka naman biktima ng holdap or worst e na rape ito. Sa isiping iyon ay agad niya itong nilapitan. At nakahinga siya ng maluwag ng malaman niyang natutulog lamang ito, marahil ay sa sobrang kalasingan siguro. Iiwan na lamang sana niya ito pero delikado masyado, namukhaan niya kasi ito. Ito iyong commercial model ng float sa mcdo, at ang leading lady ni captain barbel. Walang iba kundi ang napakagandang si Miss Rhian Ramos. Aaminin niya na kung siguro ibang tao ito malamang ay kanina pa niya ito iniwan. Pero dahil si rhian ito na celebrity crush niya. Aba, ay ibang usapan na iyan.

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now