chapter five

1.9K 78 4
                                    

Rhian's POV
Nang tuluyan na ngang umalis si Glaiza ay nag stay pa din siya doon sa rooftop. Muli niyang binalikan sa isip kung tama nga ba ang naging desisyon niya noon, na iwan ito. Never naman niyang sinabi dito na mahal niya ito. Dahil hindi naman talaga. Basta ang alam niya noon ay gusto niya ang lahat dito, espesyal ito sa kanya. At bihira siyang makaramdam ng ganoon sa tao, lalo na nga at bago lang naman niya itong kakilala noon. Ang pagpayag niya sa pakikipagrelasyon dito, ay parte pa din ng pagrerebelde niya sa kanyang babaerong Ama. Dahil alam naman niyang masakit para sa isang magulang na malamang nakikipagrelasyon ang anak nila sa kapwa nito babae. Noong time na sila pa ni Glaiza ay kung kanikanino pa din siyang lalaki na lilink at aaminin niyang totoo iyon. Iyong kumalat na video scandal, totoo din iyon. Nakikipag landian siya sa isang mas matanda sa kanyang lalaki habang ibini video nito iyong intimate moments nila, pero wala lang iyon sa kanya. Hindi nga lang niya inakala na ilalabas nito iyon ng tumanggi na siyang kitain ulet ito. Alam niyang nasaktan niya ng husto si Glaiza kaya siya umalis na lang ng basta. For the first time in her life noon lang siya nakaramdam ng hiya. Wala na siyang mukhang maiiharap dito. Kaya naman kahit na ng puntahan siya nito sa bahay nina Bianca sa Germany ay hindi niya pa din ito hinarap. Gusto niyang layuan na siya nito ng tuluyan. Na siya ngang ginawa na nito.

Pero pagkalipas ng ilang taon ay bumalik siya muli ng Pilipinas. Handa na siyang humarap ulit sa mga tao. Bumalik siya sa mundo ng showbiz, at buong puso naman siyang winelcome muli ng lahat... pwera nga lang si Glaiza. Sinubukan naman niya itong kausapin. Pero naging napakailap na nito. Madalang na din itong umuwi dito sa Pilipinas, at sa tuwing umuuwi ito ay sinisiguro yata talaga na iwasan siya, na naiintindihan naman niya. Pero gusto niya muling makipaglapit dito dahil totoo ang sinabi niya dito kanina na miss niya ito. Hindi pa nga lang niya alam kung paanong muli niyang makukuha ang loob nito. Pero hindi siya susuko at handa siyang gawin ang lahat. Pangako niya sa kanyang sarili, bago siya nag desisyon na umuwi na.

Glaiza's POV
Dahil sa pagiisip niya kay Rhian kagabi, ay nawala na sa isip niya ang usapan nila ni Shay kahapon. Tinanghali na siya ng gising, kaya naman nangangarag siya ngayon sa pag aayos dahil naghihintay na ito sa kanya sa kanilang sala.

"Pasensya na talaga kung napag intay ko kayo." Aniya ng makasakay na sila sa sasakyan.

"No worries. Ako nga ang dapat mag sorry dahil na disturb ko ang tulog at pamamahinga mo."

"Ok lang naman... Nga pala saan ba ang punta natin ngayon?" Naisipan niyang itanong dahil ang alam lang niya base sa sinabi nito kahapon ay two days pa daw ito dito sa manila, bago tutulak ng palawan.

"Sa shangri-la hotel. May press con akong aatenan, siguro mga two hours din tayo doon. Then radio at tv guesting, then-"

"Woah! Sandali, anong parte ko sa mga lakad mong iyon? Bakit isinama mo pa ako."

"Malaki ang part mo, because you will serve as my inspiration. Ayie! Kikiligin yan." Sinundot-sundot pa siya nito sa tagiliran.

Napangiti lang siya pero agad ding natigilan. May naalala kasi siyang kasing breezy din nito.

"Hey? Okey ka lang ba? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" Nagaalalang tanong nito.

"Hindi. I mean wala naman, ayos lang ako."

"Oh, kay."

Tumahimik na lang muna siya. Gusto niyang makalimutan muli si Rhian, pero kahit anong gawin niya ay parang walang epekto. Hanggang sa makarating sila sa Hotel ay para pa din siyang wala sa sarili. Ni hindi nga niya na maintindihan kung ano ang nangyayari sa paligid kaya nagulat na lang siya ng magtuksuhan ang mga press habang nakatingin sa kanya. Mayroon pa nga siyang narinig na napakaswerte naman daw niya, pero binalewala na lang niya iyon. Muli siyang nahulog sa kanyang sariling mundo. Para pa nga siyang bumalik sa nakaraan kung saan halos ganito din ang eksena. Ang kaibahan lang ay si Rhian ang center of attention, hindi si Shay na kasama niya ngayon.

"What's wrong, Glai? You look so bothered mula pa kanina." Anito ng sakay na sila muli ng sasakyan nito.

"Im sorry, Shay pero hindi na kita masasamahan sa mga lakad mo. Naalala ko kasing may usapan nga pala kami ng kaibigan ko." Pagdadahilan niya. Ang totoo habang nasa Shangri-la sila kanina ay nagpa book na siya patungong Korea. Bigla niyang gustong dalawin ang K-pop star niyang kaibigan na si Victoria. Excuse niya iyon para muling makalayo kahit paano sa mga alaalang muling ibinalik ng hindi sinasadyang pagkikita nila ni Rhian.

"Kaibigan nga ba talaga? Baka naman Girlfriend!" Maktol nito na akala mo naman ay may relasyon sila, kaya natawa tuloy siya ng bahagya.

"Kaibigan ko lang talaga yon. Siguro kilala mo yung friend ko sikat yung korean girl group nila e."

"Hmp! Hindi ako mahilig sa mga K-pop! They think they're cute but for me they are so baduy!"

"Ay, grabe ka naman."

"What, totoo kaya. Ang mga alam lang ng mga Kpop na yan e magpauso ng fashion na ewan."

Hindi na niya ito kinontra dahil hahaba lang ang usapan nila at ayaw naman niya itong ma bad trip ng tuluyan dahil may mga guestings pa ito.

"Kelan nga pala ang flight mo puntang land of cuteness?" May pagka sarcastic na tanong nito.

"Mamayang gabi pa kaya Im all yours pa buong araw."

"Agad-agad? That friend of yours ba is dying na kaya ka nagmamadali."

"Im sorry, pero parang sumusobra ka na yata, Miss Shay. Lilinawin ko lang bago pa lang kitang kakilala at wala naman tayong relasyon kaya wala kang karapatan na magsalita ng ganoon patungkol sa kaibigan ko." Seryosong sabi ko. "Mabuti pa yata ay ibaba mo na lang ako, kakalimutan ko na lang na hindi ko nakita ang hindi mo pala magandang ugali."

"No, Glai. Im sorry. Sorry talaga. Please stay with me na lang muna. Ihahatid na lang kita mamaya after ng mga commitments ko." Hindi magkaintindihang pakiusap nito. "Magkaibigan na din naman tayo di ba?"

"Okey fine." Patianod nalang niya tutal ay wala din naman siyang gagawin kung uuwi sya dahil nakaempake pa din naman ang mga gamit niyang dadalhin sa Korea.

"Thanks ha. Ang bait bait mo talaga." Anito saka yumakap at humilig sa kanya.

"Sus, bola." Sabi na lang niya saka tinapik tapik ang braso nitong nasa tiyan nya.

Naging okey naman na sila buong araw. Ihinatid nga siya nito sa bahay nila at hinintay na din, dahil nagpilit ito na ihatid siya sa airport. Hindi naman na ito bumaba ng sasakyan para hindi na mapagkaguluhan, pero bago siya bumaba ng kotse ay hinalikan muna siya nito sa labi na tinugunan naman niya.

"Wow! Ngayon alam ko na ang feeling ng mga nakahalikan mong girls sa tv series nyo." Natatawang biro niya ng magbitiw sila.

"Oo nga at para ka ding sila dahil lahat ng nahalikan ko sa show na iyon ay umaalis kagaya mo ngayon."

"Andrama mo." Pabiro niyang ginulo ang buhok nito. "Dont worry, magkikita pa naman tayo. Kaya wag ka na malungkot dyan." Aniya saka Niyakap niya ito. "Take care okey at mag enjoy ka sa Palawan."

Tumango ito. "Ikaw din, mag iingat ka."

Binitiwan na niya ito. "Sige na at baka maiwan pa ko ng eroplano. Salamat sa lahat, ha."

Tumango lang ito at ngumiti, ngumiti lang din siya saka tuluyan ng bumaba ng kotse nito. Muli pa niya itong nilingon at kinawayan bago siya tuluyang pumasok sa entrance.

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now