chapter ten

1.4K 70 1
                                    

Rhian's POV

Dalawang araw na din siyang tumutuloy sa apartment nina Victoria. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay hindi man lang siya kinausap ng kaibigan ni Glaiza. Buti na nga lang at mabait si Krystal na siyang bukod tanging nag-aasikaso sa kanya.

"Maraming salamat, ha." Aniya kay Kristal. Katatapos lang nilang kumain at kasalukuyan silang nakatambay sa balkonahe ng apartment.

"Para saan naman, Unnie?"

"Sa lahat, ang bait mo kasi saken kahit pa nga alam mong galit sa akin si Victoria. Ikaw lang ang tanging nakakausap ko dito dahil pati ata ibang members nyo e galit na din saken."

"The truth is kinausap talaga kami lahat ni Unnie Victoria na bigyan ka ng cold shoulder, pero hindi ako pumayag. Kasi... ahm, ewan ko ba, pero sobrang gaan ng loob ko sayo. Para bang matagal na kitang kakilala, Unnie."

"Parehas lang pala tayo. Magaan din ang loob ko sayo, e. Parang ikaw iyong katuparan sa iwiniwish kong baby sister."

"Hala, si Unnie. Ang laki ko naman ng baby sister.'

"Magkasing laki lang tayo pero mas bata ka pa din sa akin ng apat na taon. Kaya baby sister ka pa din." Inakbayan niya ito at yumakap naman ito sa kanya. Hinalikan pa niya ito sa ibabaw ng ulo nito.

-----------

Glaiza's POV

Medyo magaan na ang pakiramdam niya ng siya ay magising. At ang agad niyang nakita ay si Daniella na nakaupo sa harap ng vanity mirror. Bihis na ito at nagme make-up na lang.

"Atlast nagising din ang date ko. We still have an hour and a half, so kung pwede lang po e mag intindi ka na. Ayan na ang dress mo." Turo nito sa nakahanger na evening dress na kulay red.

Bumangon na nga siya at lumapit muna dito. Marahan niyang minasahe ang balikat nito kaya naman tumingala ito sa kanya.

"Come-"

Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil agad na niya itong hinalikan ng madiin sa labi. At ang kamay niya ay bumaba na din sa gitna ng dibdib nito na open na open. Pero bago pa man niya mahawakan ang suso nito ay agad na itong bumitaw sa kanya.

"Oh my God, Glaiza. As much as i want to have sex with you right now ay hindi pwede dahil importante ang event na pupuntahan natin. Kaya go na, i-shower mo nalang iyang init mo." Taboy nito sa kanya saka muli ng humarap sa salamin.

Wala na tuloy siyang nagawa kundi sundin ito.

-----------

Rhian's POV

Araw ng pag uwi na niya ng Pilipinas. Sila lang dalawa ni Krystal ang nasa apartment. Sabi ni Krystal ay may commitment daw iyong apat. Pero duda siya doon. Dahil kung totoo nga iyon e di sana kasama din ito. Ang hinala niya ay sadyang umalis si Victoria at isinama ang tatlo upang hindi na siya makapagpaalam pa sa mga ito.

Hindi pumayag si Krystal na hindi siya maihatid sa airport at kahit pa nga alam nitong pwede itong pagkaguluhan ay bumaba pa din ito ng sasakyan  para ihatid siya.

"Hanggang dito mo na lang ako pwedeng ihatid, Soojung." Aniya ng nasa malapit na sila sa entrance. Humarap siya dito at niyakap ito ng mahigpit. "Magiingat ka lagi ha, little sis."

"Ikaw din, Unnie. Mamimiss kita."

"Sus, anong ginagawa ng internet at cellphone. Im only one call away." Biro niya dito. Binitiwan na niya ito pero hinawakan nito ang kamay niya at mayroon itong inilagay sa palad niya. Isang maliit na manika na afro ang buhok.

 Isang maliit na manika na afro ang buhok

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Natawa na lang siya, eto kasi iyong manika na pinilit nitong mabili noong minsan silang nagtungo sa isang toy store

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Natawa na lang siya, eto kasi iyong manika na pinilit nitong mabili noong minsan silang nagtungo sa isang toy store. Sabi pa nito ay imaginin ko ito na ganoon ang buhok ng katulad sa manika.

"Para maalala mo ko, Unnie." Sabi nito.

Tumango na lang siya at tuluyan na ngang nagpaalam dito. Nang makapasok siya ay muli niya itong nilingon. Tuloy pa din pala ito sa pagkaway sa kanya, kayat kinawayan din niya ito at sinenyasan na umalis na.

Hati ang nararamdaman niya habang lulan na siya ng eroplano. Nalulungkot at disappointed siya sa hindi pagkakita kay Glaiza, pero masaya na rin siya dahil nakilala niya si Krystal na agad na napalapit sa kanya.

"Hay, Glaiza! Saang panig ka na naman ba ng mundo nagpunta? Manang-mana ka talaga sa cartoon version mong si Dora! Haiyst!" May kalakasan niyang sabi kaya naman napapahiyang nagsorry na lang siya sa mga napalingon sa kanya na ang karamihan ay banyaga.

Nang mawala na ang atensyon ng mga ito sa kanya ay nagpasya na lang siyang matulog.

----------

Glaiza's POV

Kanina  pa siyang bored na bored dito sa party. Though may mga pamilyar na mukha siyang nakikita, still hindi niya kilala ang mga iyon ng personal. Sa Red tube lang kasi niya nakikita ang mga iyon na kagaya ni Daniella. Buti nalang at nagvibrate ang cellphone niya. Ipinakita niya iyon kay Daniella saka siya nagpaalam na sasagutin lang iyon.

Lumabas siya at nagtungo sa parking lot. Sumandal siya sa sasakyang dala nila atsaka nagsindi ng sigarilyo. Nag miss called na iyong tawag sa kanya ni Victoria, kaya naman nagreturn call na lang siya dito na mabilis nitong sinagot.

"Grabe ka naman miss mo na ako agad." Birong bungad ko dito.

"Tse! Hindi kita namiss no!

"Weh? E bakit napatawag ka?"

"May ibang nakakamiss sayo! Nagpunta dito at kakaalis lang kaninang umaga!"

"Ha? Sino?" Kuntodo kunot ang noo niya, dahil wala talaga siyang ka-idi-idiya kung sino ang tinutukoy nito.

"Ang ex mong si Rhian."

"Sino?" Pagpapaulit niya dahil tila ata may deprensya na ang pandinig niya.

"Si Rhian Ramos! Iyong ex mong hanggang nggayon e hindi mo pa din na mumove onan."

"Hah? Seryoso ka bang nagpunta siya dyan? Anong ginawa dyan? Ano daw kailangan?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Dami mong tanong! Di ba kasasabi ko lang, namiss ka nga."

"Hindi ako naniniwala. Saka paano naman nalaman nun na galing ako dyan?"

"I dunno! Ask Krystal, mukhang super close na kasi sila....... sige na, may gagawin pa ako. Itinawag ko lang talaga iyon para ibalita sayo."

"Hoy! Saglit-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil pinagpatayan na siya nito ng cellphone.

Napaisip tuloy siya kung bakit siya biglang pinuntahan ni Rhian sa Korea. Ano na naman kaya ang kailangan nito sa kanya?

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now