chapter eighteen

1.3K 68 3
                                    

Rhian's POV

Maaga siyang gumising para ipaghanda ng almusal si Glaiza. Idadaan niya muna iyon sa mansyon ng mga ito, bago siya pumunta sa taping ng drama series na pinagbibidahan niya.

Agad siyang pinatuloy ni Manang Nelia ng makilala siya.

"Ay, Rhian, Iha, kamusta na? Ngayon ka na laang nadalaw ulet dito, ah."

"Naku, Manang. Pasensya na po kayo. Hindi din po kasi ako magtatagal, idinaan ko lang po talaga itong niluto kong breakfast para kay Glaiza. May taping pa po ako, isang araw po paparito ulet ako para naman po makapagkumustahan tayo ng marami." Mahabang sabi niya.

"Ay, ganoon ba ga? Ay, sya hayo na ikaw at baka ikay ma late pa. Basta ikay babalik, ha."

"Opo, promise." Tinaas pa niya ang kanyang kanang kamay, na tila nanunumpa. "Ay, Manang. Please make sure po na kakainin iyan ni Glaiza. Salamat po." Bilin niya bago tuluyan ng umalis.

-----------

Glaiza's POV

Napasarap ang tulog niya kaya naman lampas alas nuebe na ng siya ay magising. Napakunot ang noo niya ng mula sa alarm clock sa ibabaw ng bedside table ay nalipat sa isang brown na paper bag ang tingin niya. Wala naman iyon doon kagabi noong matulog siya. Inabot niya iyon at inilapag sa pagitan ng kanyang mga hita. Kahit makapal na comforter ang kumot niya ay ramdam niya ang mainit-init pa na laman niyon at langhap na din niya ang nakakagutom na samyo mula sa loob ng paper bag. Inilabas na nga niya ang laman niyon at napangiti siya ng makita ang isang maiksing note na nasa ibabaw ng Tupperware.

I cook and prepare this the way you like it. Eat well.
                     💝's, Rhian.

Inopen niya ang Tupperware na tapsilog pala ang laman at sa tumbler naman ay hot chocolate na walang asukal. Tama nga naman ang nasa note nito. Dahil ganito nga ang gusto niyang pagkain sa almusal. Inumpisahan na niya ang pagkain, bago niya ito tinawagan.

"Good morning, Gorgeous!" Bungad na bati niya dito.

"Tanghali na. Ngayon ka lang nagising? Kumain ka na muna and good morning din, Sexy."

"Nakain na nga po. Alam mo pa pala ang mga gusto ko ah. Thank you, ha."

"E, syempre naman. Ikaw pa ba, e special ka saken."

"Aga natin mambola ah, di pa nga nakakahilamos man lang ang binobola mo."

"Hmp! Di yun bola, noh. Tunay yun."

She can imagine na naka pout ito ngayon.

"Sige na at tawag na ko. Ubusin mo yang breakfast mo, ha."

"Wait! Asan ka ba ngayon?"

"Nandito sa GBS, nagtataping. Sige na, ha. Babye, mwaaah." Iyon nga at pinutol na nito ang tawag.

Napangiti siya ng maluwang habang hawak pa din niya ang cp niya.

"Breakfast plus kiss sa phone from the famous Rhian Ramos. What a nice start of a day." Malakas na sabi niya ng nakangiti saka pinagpatuloy na nga niya ang pagkain.

Nang matapos siyang kumain ay niligpit na niya iyon at iyong note ay itinago niya sa drawer niya.

Naisip niyang wala pala siyang lakad ngayon. Kaya naman naisipan nalang niyang bumawi kay Rhian. Wala na siyang time magluto kaya naman nagtake out na lang siya ng mga pagkain. Dinamihan na niya para kadamay na lahat ng tao sa set.

Tinawagan niya ang PA ni Rhian para masundo siya sa parking.

Sakto ang dating niya dahil mag la lunch na sadya ang mga ito.

"Anong dami mo namang dala." Paninita sa kanya ni Rhian ng salubungin siya.

"E, syempre para kadamay na ang lahat. Hindi lang naman ikaw ang kakain, e."

Matapos magpasalamat sa kanya ng lahat ay inaya na siya ni Rhian sa dressing room nito. Naihanda na pala doon ni Roxy, ang PA ni Rhian, ang mga pagkain para dito. Pandalawang tao iyon dahil sasabayan niya ito kahit pa nga medyo busog pa siya.

"Lunch date with me?" Nakangiting inilahad niya ang palad niya dito.

Nakangiting humawak naman ito doon kaya inalalayan na niya ito palapit sa maliit na lamesa hanggang sa makaupo.

"Wow! Effort masyado, ah." Sabi nito habang ipinaglalagay niya ito ng pagkain sa plato nito.

"Pambawi ko lang doon sa breakfast na diniliver mo sa bahay."

Tumango lang ito at nag umpisa na nga silang kumain pareho. Panaka-naka siyang sinusubuan nito na tinatanggap naman niya.

"Grabe, ang busog ko, ah."

Tapos na silang kumain at ngayon ay halos nakahiga na si Rhian sa mahabang couch na nandoon. Ang couch na laging saksi noon sa mga lambingan nilang dalawa noong sila pa.

"Hoy! Tumayo ka nga dyan. Magpahulas ka muna ng kinain mo." Sinipa pa niya ng bahagya ang paa nito.

"Ayaw! Inaantok na ko!" Nakangusong maktol nito. Napangiti siya sa naisip niya, na marahil ay dito nga nakuha ni Krystal ang mannerism na pag pout pag nagmamaktol.

Pumikit na nga ito kaya naman yumuko siya dito, habang nakatuon sa sandalan ang kanyang kaliwang kamay at ginamit naman niyang pang pisil sa ilong nito ang kanyang kanan.

"Eiiih naman." Muling maktol nito saka kinusot ang ilong bago itinuloy ulet ang pag idlip.

"Pag hindi ka bumangon dyan ay igagaya kita kay sleeping beauty." Banta niya at mas inilapit pa niya ng bahagya ang mukha niya dito.

Pero nagulat siya ng kumawit sa leeg niya ang isang braso nito at kinabig siya hanggang sa maglapat na nga ang mga labi nila. Saglit siyang natigilan pero agad siyang bumitaw dito at umayos ng tayo ng mag mulat ito ng mata.

Tinawanan lang naman siya nito

"Akala ko ba igagaya mo ko kay sleeping beauty? Hanggang banta ka lang pala."

"E, ang aggressive mo kasi masyado. Hindi ka makaintay."

"Sus, mabagal ka lang talaga."

"Ako? Mabagal?" Muli siyang lumapit dito.

"Oo! Mabagal ka! Sobb-rang ba-gal." Sadyang binagalan pa nito ang pagsasalita na talagang nanunura.

Kaya naman agad niya itong pinatungan at hinalikan na, gaya ng banta niya kanina. Gumanti naman ito agad pero mabilis din siyang bumitaw at bumangon na ikinahulog pa nga niya sa sahig dahil nagulat siya sa napasinghap, na si Roxy pala.

"Pasensya na. Liligpitin ko lang to at pwede ninyo nang ituloy ang naantala." Sabi nito na hindi makatingin sa kanila habang nililinis ang lamesang pinagkainan nila.

Nang makalabas na ito ng dressing room ay napatingin siya kay Rhian na nakatingin lang din sa kanya at saglit pa ay nagkatawan nalang sila pareho.

==========================

A/n: buong chapter ng Rastro Moments. Ayieee! Kinikilig si ako. 😂😂

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now