chapter eight

1.5K 65 17
                                    

Jamie's POV
Naiinis siya ng malaman niyang nakaalis na pala si Glaiza. Hindi man lang kasi nito naulit sa kanya na wala pala itong balak magtagal dito sa Pilipinas. Paano niya nalaman na umalis pala ito? Sa pamamagitan ng pag iistalk niya kay Shay. Nagpost kasi iyon ng picture kasama si Glaiza, nasa sasakyan ang mga ito, at ang caption ay -on the way to NAIA. Take care @glaizaredux  😘😘😘-
Isa pang kinaiinis niya ay ang pakiramdam na nalamangan na naman siya ng kakambal, dahil ito pa ang naghatid kay Glaiza sa airport at marahil ay alam din nito kung saan ang tungo ng dalagang naka date niya sakay ng big bike na monsty ang pangalan.

-----------

Shay's POV

Naisipan niyang tawagan si Glaiza habang nasa waiting area sila. Ngayon kasi ang flight nila papuntang Palawan.

Tel con

S: hello, Glai? Si Shay to.

G: oh, hi. Napatawag ka. Kumusta?

S: im fine, andito kami ngayon sa airport. Nagwe wait lang kami ng call for boarding.

G: pabalik na kayo sa LA?

S: nope, pa Palawan pa kami, remember?

G: oo nga pala. Ingat kayo ha, at mag enjoy ka ng marami dahil for sure pagbalik  nyo sa LA magiging busy ka na ulit.

S: hay naku! Sinabi mo pa. Pero mas mag eenjoy sana ako kung kasama kita ngayon.

Wala siyang narinig na salita mula dito. -- hanggang sa

Calling for flight --------

S: paano? flight na namin yun, bye na muna. See you when i see you. Mwaah.

Hindi na niya hinintay ang sagot nito, basta pinatay na lang niya ang tawag nya. Saka naglakad na siya papuntang entrance. Inescortan pa nga sila hanggang sa makasakay na sila ng eroplano. Nang makaayos siya ng upo ay naghanda na siyang matulog.

---------

Glaiza's POV

Wala siyang ikinumento sa sinabi ni Shay hanggang sa nagpaalam na nga ito.

"Kuh! Glaiza, iba na naman iyang katawagan mo. Wala ka na ba talagang balak magbago? Aba, e dinaig mo pa ang mga lalaki sa pagkababaero mo." Si Victoria na punong abala na naman sa kusina pero this time ay ang cute na si Krystal ang assistant nito.

"Hoy! Vic, wag ka nga! Baka maniwala yang si Krystal, ay paktay na." Maktol niya kay Victoria. "Krystal, wag kang maniniwala kay Victoria, ha. Walang katotohan ang sinabi nyan. Kaibigan ko lang iyong kausap ko kanina pati na din iyong kahapon. Friendly lang kasi talaga ako, e." Hindi magkaintidihang paliwanag niya kay Krystal. Pero tiningnan lang siya nito ng tingin na  tila nagsasabi ng pakealam ko ba.

"Boom! Basag!" Kantyaw sa kanya ni Victoria saka tumawa pa ng malakas.

"Tsk! Ganan ka ba talaga, Krystal?"

Muli ay tiningnan lang siya ulit nito.

"Laging no comment."

"Unnie, sa kwarto na lang muna ako, ha. Papuntahin ko na lang si Unnie Sulli dito, para syang tumulong sayo. Okie?" Pamamaalam nito kay Victoria. Tumango lang naman iyong isa na abala sa paghahalo ng niluluto.

"Hoy! Krystal, wag ka na umalis." Pigil niya pero hindi sya pinansin nito.

"Glai, mailap talaga yang si Soojung sa ibang tao. Saka kung gusto mong makuha ang loob nyan e wag mong laging bibiruin dahil sobrang pikunin ng batang yun." Sabi ni Victoria na abala pa din sa kanyang niluluto.

Hindi siya nagkomento, pero tinandaan niya ang sinabi nito.

--------

May ilang linggo na rin siyang tumitigil sa apartment ng grupong f(x) at masasabi niyang close na siya sa mga ito, pati na kay Krystal na dati ay napakailap sa kanya. Kaya nalaman niyang may pagka childish pala ito at sobrang malambing. Para nga niyang nakikita dito si Rhian kapag naglalambing ito sa kanya. Rhian na Rhian kasi ang arte nito. Hay! Sa lahat na lang ba ng tao ay may katulad si Rhian? Paano naman niya ito malilimutan kung hindi nakikipag cooperate sa kanya ang utak niya. Napailing-iling na lang siya at nag focus nalang sa kanyang ginagawa.

Kasalukuyan kasi siyang nagluluto ngayon ng pagkain nila. Hindi niya kasi sure kung anong oras uuwi ang grupo dahil ang sabi sa kanya ng mga ito nung umalis kaninang alas tres ng madaling araw ay may shoot daw ang mga ito para sa MV ng latest song nila.

Nag headset nalang siya at paminsan minsan ay nasabay sa kanta habang tuloy sa pagluluto kaya hindi niya namalayang dumating na ang grupo. Kaya naman pag lingon niya ay nagulat talaga siya ng makitang nakapwesto na ang mga ito sa lamesa. At ang mas higit na ikinagulat niya ay ang new hairstyle ng mga ito. Blonde pa din naman ang maiksing buhok ni Amber, itim na ang dating blonde na buhok ni Luna. Medyo brownish naman ang buhok ni Vic, ang kay Sulli ay coffee red ang kulay, at ang pinaka outstanding sa lahat ay ang pulang buhok ni Krystal. Hindi niya maiwasang matulala dito, dahil lalong lumutang ang ganda nito.

"Ehem! Glaiza, baka masunog na ang niluluto mo ha." Sabi ni Victoria.

"Kainis ka talaga, Glaiza! Nandito naman ako pero lagi pa ding si Krystal lang ang tinititigan mo, e pareho naman kaming mukha ng grupo namin, pareho kaming bumibida sa mga korean drama, pareho kaming indemand na commercial model, pareho kaming kasama sa top 10 ng may pinakamagagandang mukha na kpop idol. Ano pa bang meron si Krystal na wala ako?" Drama ni Sulli na lumapit at yumakap pa sa braso niya.

Nagtawanan ng malakas ang mga ka grupo nito, pati na din si Krystal ay mautas utas na sa pagtawa.

Natawa na lang din siya saka pa simpleng kumawala sa pagkakayakap nito. Humarap din siya sa niluluto niya para naman hindi ito mapahiya masyado.

"Tanggapin mo na lang Sulli na mas maganda at mas charming sayo si Krystal." Pangangantyaw pa ni Amber dito.

Sasagot pa sana si Sulli pero inakbayan na lang niya ito ay iginiya paupo ulet sa lamesa.

"Tama na yan, kumain nalang tayo at alam ko namang mga gutom at pagod na kayo. Nagluto ako ng mga filipino dish na alam kong first time nyo pa lang matitikman." Sabi ko saka inihain ko na ang mga niluto ko.

Nakatingin lang ang apat pero si Victoria ay nag umpisa ng kumain dahil kahit paano naman ay pamilyar na ito sa mga iyon.

"Ano pang hinihintay nyo? Let's eat." Aya ni Victoria sa mga ka myembro.

"What's this?" Cute na tanong ni Krystal, habang dinudutdot nito ng chop stick ang sitaw.

"That's adobong sitaw."

"How about this?" Tanong naman ni Sulli.

"Chicken and pork adobo."

"Adobo lang ba ang luto sa inyo doon sa Pilipinas?" Inosenteng tanong ni Krystal.

Kaya naman natawa sya ng malakas.

"Hindi no, madami pang masasarap na pagkain doon sa amin. Kaya pag mag asawa na tayo, tataba ka na for sure, dahil doon na kita sa Pilipinas ititira." Biro niya dito, na medyo totoo naman.

Sinimangutan lang naman siya nito saka nag umpisa na ngang kumain. Hindi niya maiwasang mangiti habang pinapanood ang magana nitong pagkain. Hindi siya gaanong nakakain pero ng marinig niya ang pag burp ni Krystal na ikinatawa ng grupo, ay busog na din siya.

==========================

A/n: filler chapter, champuradong lugaw na update. Ah, basta kinikilig pa din ako kay Glaiza. 😂😂

Glaiza + Krystal = ???

La kong maisip na ship name nila  😞


Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now