chapter fourteen

1.4K 77 7
                                    

Rhian's POV

Kinabukasan ay wala naman siyang trabaho kaya magbababad nalang siya sa kanyang kama at matutulog maghapon lalo pa nga at halos hindi naman siya nakatulog kagabi, kakaisip niyong pangyayari sa resto. Ngunit ng malapit na siyang makatulog ulet ay kinatok at pinasok siya ng yaya niyang si Manang Lita.

"Yoyon, mayroon kang bisita." Anito habang hinahawi ang makapal na kurtina sa bintana.

Napaingit siya ng tumama sa mukha niya ang nakakasilaw na liwanag ng mataas na palang araw. "Sino ba yun, Ya?"

"Kapatid mo daw siya, e. Hindi naman na ako nagtaka gawa ng kagandang bata parang ikaw tapos ay katingkad pa ng kulay pulang buhok. Kuh! E kaganda talagang bata!" Pauli-ulit halos na pamumuri nito sa bisita ng alaga.

Napabalikwas siya ng bangon at tila nawala na sa isip niya ang kanyang plano kanina, dahil base sa paglalarawan ni Yaya e parang alam na niya kung sino ang tinutukoy nitong bisita. Ang ipinagtataka lang niya ay ano ang ipinunta nito at kailangan sa kanya?

"Sige po, Yaya. Pakisabi nalang po ay pakihintay ako. Mag-aayos lang ako sandali." Tuluyan na nga siyang bumangon para magtungo sa cr na nandoon lang din sa loob ng kanyang kwarto.

"Pero teka lang, Yoyon. Wag mong mamasamain, hija, pero sino ba ga iyon? Kapatid mo nga ba iyon?" Natural lang naman na mag usisa ito dahil kahit naman alam nitong babaero ang kaniyang Ama ay hindi naman nito alam na may mga anak ito sa mga babaeng iyon.

"Opo. Si Krystal po iyon. Paki asikaso na lang po ha, Yaya. Salamat." Iyon lang at tuluyan na siyang pumasok sa cr.

-------------

Krystal's POV

Bakit nga ba siya narito ngayon. Well, she's going to play a cute korean cupid. Dahil base sa mga observation niya sa dalawang tao na mahalaga sa kanya ay pareho namang inlove ang mga ito sa isat-isa. Ang Unnie Rhian niya nga lang ay hindi umaamin at ang Unnie Glaiza niya ay pilit namang sinusupil ang nararamdaman. Kaya kailangan na niyang tumulay sa mga ito, bukod kasi sa bayad siya ay ayaw niyang mapunta ang Unnie Glaiza niya sa iba pa niyang mga half sisters dahil iba ang nakikita niya sa mga ito, walang love o spark man lang.

"Ano ang ginagawa mo dito?"

Maasim agad sa pandinig niya ang tanong na iyon. Parang gusto niyang mangiti, dahil kung tama ang hinala niya na galit din sa kanya ito dahil iniisip nitong karibal din siya nito kay Unnie Glaiza niya. Kung pagbabasihan kasi iyong ginawa niyang pagtakas sa love of her life nito ay iisipin talaga ng kahit na sino na may something din siya sa kanyang Unnie. Hindi naman niya itinatanggi na na crushan niya ito noon pero hanggang doon lang iyon, mas lamang ang pagtingin niya dito bilang Unnie kesa lover.

"Nalimut mo na ba agad, Unnie. Di ba may usapan tayo na lalabas tayo some other time. At ngayon iyong time na iyon." Ginamitan niya ito ng super charm niya na walang kahit na sinong kayang humindi.

"Bakit hindi na lang si Glaiza ang ayain mo? Di ba magkasama kayo kahapon!"

"E, tulog pa si Unnie Glaiza nung umalis ako, kaya tayo nalang, please."

"Magkasama pa kayo hanggang kagabi? Tabi kayong natulog? May nangyari sa inyo?"

"Hala! Si Unnie ang wild ng imagination. Wala pong nangyari sa amin, at hindi kami tabing matulog no."

"Kung ganoon e bakit sabi mo tulog pa siya ng umalis ka."

"Oo nga, sa couch siya natulog tas kami ng Unnie Jessica ko sa isang kama tas sina Appa at Omma sa isa pang kama. Nasa isang room lang po kami lahat."

Napatango-tango ito at kita pa nga niya ang tila relief na bumakas sa mukha nito.

"Ano, Unnie? Let's go?" Tanong niya ulet. And this time ay sumama na nga ito.

"So, where are we going? I don't know anything here in your country."

"Where do you want us to go." Balik ding tanong nito saka siya nilingon. Ito kasi ang driver dahil nag taxi lang siya papunta dito kanina.

"Umm! Somewhere we can relax?"

"Ok!" Yun lang at pinaandar na nito ang kotse.

Automatic na tumugtog din ang car stereo at pumailanlang ang kantang hindi pamilyar sa kanya pero ang boses ng kumakanta... ng biglang sumabay sa song ang Unnie Rhian niya.

🎶🎶"susuko na ba ang nararamdaman.
O muli pa bang ang puso ay pagbibigyan.
Pangarap natin ay liliparin. Dama ng hangin masakit."🎶🎶

"Wow! This is your own song!" Pagkukumpira niya.

Tumango lang ito.

"Its for Unnie Glaiza, right?"

Muli niyang tanong. Pero hindi ito sumagot at naging tahimik na nga ito buong byahe nila. Panaka-naka niya itong tinitingnan at nabasa niya ang tila pagkapagod nito. Oh em gee! Dont tell me susuko na nga ito sa Unnie Glaiza niya. It can't be. Mag iistart pa nga lang siya sa mission niya e.

Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at nag compose ng text doon at ng maisend niya ay muli na niya iyong ibinalik sa kanyang purse.

Inihinto na nito ang sasakyan at ng tingnan niya ang labas ay nasa tapat sila ng isang napakataas na building. Balak ba siyang ihulog nito doon para mabawasan ang karibal nito?

"Unnie, where are we?" Tanong niya na mahahalatang kinakabahan siya.

Tumingin ito sa kanya habang nag aalis ng seat belt tapos ay bigla na lang siyang tinawanan nito. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng takot. Naisip niya na baka nga naluka na ito sa sobrang pagmamahal sa Unnie Glaiza niya. May ilan na siyang napanood na ganoon e.

"Hey, iniisip mo na naloloka na ako at balak kitang patayin, no."

"Huh? Paano mo nalaman?"

"Your facial expression." Matipid na sagot nito. "We are somewhere in Makati. Dito ako nagpupunta pag gusto ko magrelax. Come on." Aya nito sa kanya saka nauna ng bumaba.

Muli niyang kinuha sa purse niya ang kanyang cp saka muling nagtext ng maiksing 'we're here' pagkasend niya ay inopen niya ang kanyang tracking device app. Saka siya sumunod sa kapatid.

Sumakay sila sa elevator at sa rooftop ang tigil nila. May konti pa din siyang agam-agam pero ng nasa itaas na nga sila ay medyo na relax na din siya dahil kahit wala namang gasinong kakaiba doon sa rooftop ay relaxing naman talaga ang ambience.

May ilang sandali na din sila doon pero wala pa ding nagsasalita sa kanila tapos maya-maya ay naramdaman niyang nag vibrate ang phone niya at ng makita niya iyon ay tinanong niya si Rhian kung saan ang cr. Sasamahan pa sana siya nito pero tumanggi siya. Hindi naman na ito nagpilit pa at hinayaan na nga lang siya.

Tinungo na niya muli ang elevator at inantay na mag open iyon. Alam niyang lulan na niyon ang itinetext niya kanina. Nilingon niya ulet si Rhian na nakatalikod sa gawi ng elevator.

Pagharap niya ay saktong bumukas ang elevator at iniluwa nito si Glaiza.

Tinapik lang niya ito sa balikat saka niya ito bahagyang itinulak patungo sa gawi ng kapatid. Unsure na lumingon pa ito sa kanya pero kinindatan lang niya ito at sinenyasan ng 'fighting'.
Tumalikod na nga ito at tuluyan na ding sumara ang elevator. Wala pa man ay nakakaramdam na siya ng kilig. Para kasi sa kanya ay napakalakas ng chemistry ng kanyang mga Unnies. 😊

========================
A/n:
Napagod by Rhian is now available in spotify.

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now