chapter twenty

1.3K 67 2
                                    

Glaiza's POV

Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sala nila sa itaas. Nanonood kasi siya kanina pero ngayon ay patay na ang tv.

"Good morning... or should i say good afternoon."

Napatingin siya sa pinangalingan ng pagbating iyon at bumungad sa kanya ang maganda at nakangiting mukha ni Daniella. Bumangon na siya at ngumiti lang din dito.

"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba?"

"Namiss kita, e. Kaya pumarito na ko para makita ka."

"Akala ko nasa America ka na?"

"Dapat nga, kaso lang may kailangan pa akong asikasuhin dito, e. Buti nga at pinayagan akong mag extend ng vacation.... Teka nga! Bakit feeling ko, e hindi ka natutuwa na nandito ako!"

"Hindi naman sa ganon. Nagulat lang ako. Tara na lang sa baba at ng makapag merienda, nagugutom na ako e." Hinawakan na niya ito sa magkabilang balikat saka tinulak niya ito patungo sa hagdan.

"Glaiza, may naghahanap sa iyo." Bungad sa kanya ng kanilang maid pagbaba niya sa hagdan.

"Huh? Sino?" Tanong niya pero napalingon siya kay Daniella ng-

"Dad?"

Napatingin na rin siya sa tinawag nitong Dad.

"Mr. Howell? Ano po ang ginagawa ninyo dito? Wala po sina Mommy dito."

"What are you doing here, Daniella?" Sa halip na sagutin siya ay tanong nito sa anak.

"Why do you care?" May kasungitang sagot nito.

Bumuntong hininga na lang ang ginoo at saka bumaling na sa kanya.

"Ikaw talaga Glaiza ang ipinunta ko dito."

"Ako po? Bakit?" Tila may idea na siya sa ipinunta nito sa kanya. "Dani, mauna ka na sa kitchen, susunod na lang ako. May paguusapan lang kami ng Dad mo."

"No need for that. Gusto ko ding marinig ng anak ko ang kung ano mang sasabihin ko."

Napatango na lang siya.

"Gusto ko sanang layuan mo na muna ang lahat ng mga anak ko, Glaiza."

"Bakit po? May mali ba kong nagawa?"

"Hindi ko pa din sigurado."

"Ano bang ibig ninyong sabihin?"

"Basta layuan mo na muna ang mga anak ko hanggat hindi ko nasisigurado kung anak nga din ba kita."

"Anong sinabi ninyo?" Tanong ni Rhian na nasa may pinto.

Nagulat din siya sa sinabi nito pero mas importante sa kanya ang reaksyon ni Rhian kaya naman agad niya itong nilapitan.

"Rhi?" Pagpapakalma niya dito ng susugudin nito ang sariling ama.

"Ano ang sinabi mo?! Hindi ka pa sigurado kung anak mo din si Glaiza? Hindi ka na tao sa paningin ko alam mo ba yun! Tinanggap ko ng madami akong kapatid sa Ama! Pero iyong ibilang mo pa pati ang mahal ko!" Umiiyak na ito sa galit. Binayo nito ang dibdib ng Amang nakayuko lang. "Mamatay ka na sana!" Ang huling sabi nito, bago ito tumakbo paalis.

Susundan niya sana ito ngunit pinigilan siya ni Mr. Howell.

"Hayaan mo na siya."

"Hayaan? Wala kang karapatan na pigilan ako! At ako na ang sisigurado sa inyo na hindi ninyo ako anak!" Iyon lang at tinalikuran na niya ito para sundan si Rhian.

-----------

Daniella's POV

Nagulat din siya sa rebelasyon ng kanyang Ama. Hindi siya makapaniwala. At kung totoo nga na anak din nito sa Glaiza, ibig sabihin ay incest sila. Kahit naman porn star siya ay hindi niya pinangarap na makipagtalik sa kapatid niya. Pero hindi naman niya alam kung kapatid niya ba talaga ito, e. Pero kahit na. Nakakaramdam pa din siya ng pandidiri. Parang bigla-bigla ay nawalan na siya ng gana kay Glaiza. Ipapaalam niya ito kaagad kay Jamie dahil sigurado naman siyang kahit biglang naiba ang istorya ay makakaisip pa rin ito ng masamang plano.

Balewalang nilampasan niya ang Amang tila natuod na sa kinatatayuan.

------------

Rhian's POV

Hindi niya mapaniwalaan ang narinig niyang sinabi ng kanyang ama. Hindi niya gustong kapatid si Glaiza dahil inamin na niya sa kanyang sarili na mahal niya ito. Bumuo na nga siya ng pangarap na kasama ito, oras na nagkabalikan na sila. Tapos bigla-bigla malalaman niya na kapatid pala niya ito, hindi pa nga lang daw sigurado ang magaling niyang ama, pero may posibilidad pa din. Ano ng mangyayari sa kanila.

Inihinto na muna niya sa gilid ng kalsada ang kanyang kotse, dahil lumalabo na ang mata niya sa kaiiyak. Sumubsob na din siya sa manibela. Pero agad din siyang tumunghay ng may kumatok sa bintana niya.

Si Glaiza iyon. Agad niyang binuksan ang pinto at bumaba saka walang sabi-sabing yumakap siya dito.

"Shhh! Tumahan ka na." Anito habang hinahagod ang kanyang likod.

"Iyong tungkol sa sinabi-"

"Wag mo ng isipin iyon. Wala iyong katotohanan."

"Pero paano kung totoo nga." Pangungulit niya, pero wala na siyang narinig dito sa halip ay hinigpitan nalang nito ang pagyakap sa kanya.

Maya-maya ay lumuwag ang yakap nito saka siya inilayo nito ng bahagya pero hawak pa din naman nito ang magkabila niyang balikat.

"Handa ka bang mahalin pa din ako kahit na anong mangyari? Kaya mo ba ang You and Me against the World?" Seryosong tanong nito sa kanya.

Nakatitig lang siya dito partikular sa mga mata nito. Kaya nga ba niyang mahalin ito sa kabila ng pag kontra ng mundo?

-------------

Jamie's POV

Hindi din siya makapaniwala sa ibinalita sa kanya ni Daniella kanina ng tumawag ito. Natatawa siya dahil hindi talaga niya akalain. Tiyak na guguho ang mundo ng kakambal niya kapag nalaman nito iyon. Alam niya kasing may kabaliwan iyong taglay kapag puso na ang pinag uusapan. Tila ata kinakasihan siya ng langit, dahil kahit wala pa siyang ginagawa ay may nangyayari ng mga hindi kanais-nais. Para tuloy gusto niyang halikan sa tuwa ang Ama nila na wala namang pakinabang.

=======================

Ohw! Emm! Gie! Ano na gang nangyayari dine? Naguguluhan na din ako. 😂😂😂

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now