chapter seventeen

1.4K 71 4
                                    


Glaiza's POV

Pagkahatid niya kay Rhian ay dumiretso na siya ng uwi sa kanilang bahay. Muli siyang wimelcome ng mga kasambahay nila pero tulad pa din ng dati. Wala na naman ang Parents niya, nasa Hong Kong daw at kakaalis lang. Infairness, tuwing nakakaisip siyang umuwi ay laging sakto na umaalis ang Parents niya. 'Ayaw na ba siyang makita ng mga ito?' Tanong niya sa loob nya.

"Manang, sa kwarto na lang po muna ako." Magalang na paalam niya sa Mayordoma/Yaya niya.

"Aba'y hindi ka ba muna kakain?"

"Busog pa ho ako. Sige na po." Hinalikan lang niya ito sa noo at tuluyan na nga siyang umakyat patungo sa kanyang kwarto.

Masaya na sana siya, e. Dahil unti-unti na silang nagkakaayos ni Rhian, pero hindi niya maiwasang malungkot dahil ngayon lang niya na realize na ang kapalit ng pagpayag ng parents niya na maglamyerda siya ay ang pagtatrabaho ng mga ito ng nonstop. Isang desisyon ang kanyang naisip.  Kinuha niya ang kanyang laptop at inimail niya ang mga ito. Patitigilin na niya ang mga ito sa pagtatrabaho dahil siya na ang magtatake over sa kumpanya nila. Panahon na para magstay siya dito sa sariling bansa, dahil wala naman na siyang dahilan para umalis pa. Ilang minuto pagkatapos niyang mai send ang email ay nakarecieve siya ng tawag mula sa kanyang Daddy.

"Is this true, iha?" Tanong nito na marahil ay nakaharap pa sa laptop nito.

"Yes, Dad. Matagal na din kasi akong nag enjoy sa buhay dalaga ko at hindi ko kayo naisip ni Mom. I think its time na kayo namang dalawa ang mag enjoy."

"Wait! Are you saying na magpapamilya ka na? Nag work pala iyong inireto namin sayo last time." Excited na sabi at tanong nito.

"Wooh! Hold up, dad. Wala po akong sinabing ganon. Pagte take over ko sa mga negosyo natin ang topic natin dito." Kahit kailan talaga e wild ang imagination ng dad niya at advance pang mag isip, aiyst!.

"Hindi ba pareho na din yun. You want to take over, so you are going to stay and later on pag stable ka na at ready ay magpapamilya ka na."

See, his wild thoughts and advance thinking.

"Hmp! Bahala na nga lang kayo sa gusto ninyong isipin." Pagsuko na lang niya.

"Okay. Sige, wala ng bawian yan, ha. I love you, baby."

"I love you too, dad and tell mom i love her too. Bye."

"Okay, bye." Iyon lang at pinatay na nito ang tawag.

May ngiti sa labing nahiga siya sa kanyang kama. Maya-maya ay muling nagring ang cellphone niya agad niya itong sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang caller.

"Grabe naman! Namiss mo ako kaagad? Dapat ay nagpapahinga ka na, dahil alam ko namang pagod ka." Nakangiti at malambing niyang sabi.

"Yes! Miss na nga kita. You are so sweet talaga. Paano mong nalaman na pagod ako? Sabagay, alam mo naman talaga na busy akong tao. Kumusta ka na nga pala? Nagtatampo ako sayo, ha."

Mabilis na nawala ang ngiti niya at napabangon din siya saka tiningnan ang pangalan ng caller niya sa screen. Napapalatak siya dahil hindi naman pala ito si Rhian.

"Oh! Shay, ikaw pala." Napipilitang sabi niya.

"Yes, its me! Wait! Sino pa ba sa akala mo?" May kataasan na ang boses nito.

"Hmm! Wala, hindi ko lang inexpect na tatawag ka, ikaw na rin naman ang nagsabi na busy kang tao."

"Oo nga, pero para sayo, Im always available."

Psh! Walang originality. Nagamit na saken yan ng kapatid mo, oy. Gusto niyang sabihin pero no comment na lang siya.

"About nga pala doon sa nangyari sa restaurant kahapon, care to explain, Ms. De Castro."

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now