chapter nineteen

1.3K 60 4
                                    

Mr. Howell's POV

Hawak ko na ngayon ang lahat ng impormasyon tungkol doon kay Glaiza at dito ko malalaman kung ano nga bang talaga ang kaugnayan nito sa lahat ng mga anak ko. Agad ko ng binuklat ang folder at nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko ang pangalan ng Mommy nito. Christina Galura De Castro. Biglang naipanalangin niya na sana ay iba ito sa Christina Galura na nakilala niya noon sa Japan noong kabataan pa niya.

Pinasadahan pa niya ang iba pang basic info tungkol dito, bago niya inilipat sa sunod na pahina. May mga pictures doon na  kasama ang anak niyang si Rhian, bata pa ang mga ito doon at mahahalata agad na higit pa sa magkaibigan ang relasyon ng mga ito. Alam naman niya noon na nagkaroon nga ng karelasyong babae si Rhian, pero never niyang na kilala iyon dahil bukod sa galit sa kanya ito ay tutol din pati siya sa ginawa nitong pakikipagrelasyon sa kapwa nito. Nakalagay din doon ang ginawang pagiwan ng anak niya kay Glaiza, pati na din ang paghabol nito sa Germany. Nandoon din ang lahat ng adventures nito sa ibat-ibang bansa na ang sinasabing rason ay ang anak niyang si Rhian.

Sunod na pahina ay larawan ulit nito kasama ang panganay niya. Kuha iyon sa isang event na inattendan ng mga ito sa Paris. Hindi niya maalis na madisgusto sa term na ginamit sa relasyon di umano nito sa kanyang anak, 'Fuck buddy'. Hindi siya pabor sa trabaho ni Daniella at lalong hindi rin siya pabor sa relasyon nito at ni Glaiza na nagumpisa lang sa init ng katawan. Nakalagay din doon na sa isang hotel sa New York ang mga ito nagkakilala.

Sunod na pahina ay may larawan ulit ito kasama ang isa sa kambal, ang mas batang si Shay. Kuha iyon sa loob ng eroplano, magkatabi sa upuan ang mga ito. Ayon doon sa file ay naging malapit na magkaibigan daw sina Glaiza at Shay pero may isang larawan na kasama doon na ang kuha ay magkalapat ang labi ng mga ito. Kahit medyo malabo ng kaunti ay authentic naman iyon dahil sadyang sinabi niya sa PI na ipa check ng ayos ang authenticity ng bawat pictures na ibibigay sa kanya dahil hindi naman basta-basta ang mga anak niya kaya posible talaga na may mag edit ng mga pictures ng mga ito.
At isa pang nakalagay doon ay link na ng i open niya sa kanyang laptop ay clip pala mula sa isa sa mga interview nito na nagsasabing espesyal dito si Glaiza.

Sunod na pahina ay tungkol sa isa pa sa mga kambal, si Jamie. Ayon doon ay ang kaibigan talaga nito ang dapat na ipapakilalang Fiancee sa nag iisang anak ng mga De Castro, pero sa hindi malinaw na dahilan ay ito ang nagpakilala kay Glaiza. May picture din ang mga ito na sakay ng big bike, meroon ding kuha sa tagaytay habang nagpipiknik ang mga ito.

At ang huling pahina ay ang bunso naman niya ang kasama nito. Diumanoy tumira ito sa apartment ng kaibigan nito sa Korea na kagrupo at kasama sa apartment ng anak niya. Ayon daw sa mga kagrupo ng anak niya ay may gusto daw dito sa Glaiza. May mga pictures din ito na kasama ang buong grupo at mayroon ding ito lamang at si Krystal. At masasabi niyang totoo nga na may pagtingin ito sa anak niya dahil kahit sa larawan ay kita niya ang mga ibang tingin nito sa kanyang bunso.

Ngayong nalaman na niya ang kaugnayan nito sa kanyang mga anak ay lalong tumindi ang panalangin niya na sana ay hindi talaga ang Mommy nito ang Christina Galura na nakilala niya sa Japan noon.

Kaya naman kailangan niyang makasigurado. Pupuntahan niya ito sa Mansyon ng mga ito.

----------

Glaiza's POV

Labis ang tuwa niya sa pagdating ng Mommy at Daddy niya. Kaya naman sabay niyang niyakap ang mga ito sa magkabila niyang braso.

"I missed you so much, Mom, Dad." Emosyonal na sabi niya.

"Oh! We missed you too, Sweetheart." Ang daddy niya habang tinatapik-tapik ang likod niya.

Nang magbitaw sila sa kanilang small family group hug ay agad niyang iginiya ang mga ito patungo sa kumedor. Nagpahanda kasi siya ng mga pagkaing paborito ng kanyang mga magulang.

"So, Daddy kumusta naman po ang Hong Kong trip ninyo ni Mommy." Tanong niya habang nilalagyan niya ito at ang Mommy niya ng mga pagkain sa pinggan.

"Makapagtanong ka naman, iha ay akala mo ay shopping ang ipinunta namin doon ng Dad mo."

"Bakit, my? Hindi ka man lang ba ipinagshopping ni Dad."

"Hindi talaga." Sagot nito at inirapan pa ang kanyang Daddy.

"Eh, negosyo naman kasi talaga ang ipinunta natin doon at hindi ang pagsha-shopping e."

Natatawa na lang siya sa sagutan ng mga ito. Pero nahinto iyon ng pumasok ang isa nilang maid at sinabi nitong may kanong lalaki daw na naghahanap sa mommy niya.

Tinanong ng mom niya kung sino ba daw iyon, pero hindi daw sinabi.

"Okay, sige at susunod na din ako. Pakihanda na lang ng snacks para sa bisita, ha. Thank you."

Tumalikod na nga si ateng  maid para gawin ang sinabi ni Mommy.

"Sino kaya iyon?" Pa cool lang na tanong ng Dad niya.

"Hindi ko nga alam, e. Sige na at titingnan ko na muna." Tumayo at tuluyan na ngang lumabas ng kumidor ang kanyang Mommy.

Nakatingin siya sa dad niya. Inaantay niya ang senyas nito at iyon nga, ilang saglit lang at tumingin na ito sa kanya at ng mapansing tapos na nga siyang kumain ay sinenyasan siya nito na sundan ang kanyang mommy. Excited naman siyang tumayo dahil curious din siyang malaman kung sino ang kano daw na bisita ng mom niya.

------------

Mrs. De Castro's POV

Nakatalikod sa kanya ang lalaking kano na naghahanap daw sa kanya. Nakatingin lang ito sa family portrait nila. Tumikhim siya upang kuhanin ang atensyon nito. At para siyang binuhusan ng suka sa putla ng makilala niya ito. Maaring umidad na kasi ito, pero hinding-hindi niya malilimutan ang abuhin nitong mga mata na sa tuwinay hanap niya noon sa kanyang mga audience sa Japan.

"Kumusta ka na, Cristy?" Ang nakangiting tanong nito.

Noon ay ang ngiti lang nito ang kailangan niya upang siya ay kumalma, ngunit kabaliktaran na niyon ngayon ang epekto sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo akong nahanap?" Mahina pero tense niyang mga tanong dito.

"Aksidente lang na nahanap kita, pero may gusto lang kasi akong itanong sayo."

----------

Glaiza's POV

Nakatalikod sa kanya ang mom niya pero dahil hindi naman ito katangkaran ay kita at agad niyang nakilala ang bisita nito at dahil doon kaya napalapit siya sa mga ito.

"Mr. Howell? Ano pong ginagawa ninyo dito?"

Napalingon sa kanya ang mommy niya at kita niya ang pamumutla nito.

"Paano mong nakilala ang lalaking iyan, Glaiza?" Tanong ng mommy niya sabay hablot pa sa kamay niya.

"Uhm! Remember, Rhian? Dad po niya itong si Mr. Howell."

Ewan niya pero matapos niyang sabihin iyon ay marahas nitong itinaboy ang ama ni Rhian. Naisip niya kung ganoon ba kagalit ang mom niya kay Rhian para ganunin nito ang Ama niyon.

"Anong nangyayari at bakit ka sumisigaw, Christina?" Tanong ng kararating lang na Dad niya.

Ngunit sa halip na sumagot ay linampasan lang nito ang asawa at umakyat patungo sa silid.

Nagtatanong ang tingin sa kanya ng Dad niya pero nagkibit balikat lang siya dahil naguguluhan din kasi siya.

================

A/n: ako din e, naguguluhan  😧😧😧🙇🙇😫😫

Kung nga po pala magtatanong kayo kung sino ang inspiration ko sa character ni Mr. Howell, hindi po doon sa Don sa Los Bastardos, kundi inspired po siya ng sarili kong Ama. Illegitimate child din kasi ako at may lima akong kapatid sa Ama mula sa ibat-ibang Ina. Bunso ako, pero who knows kung ako na nga ba ang bunso. Share lang naman  😊

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now