chapter twelve

1.3K 72 8
                                    

Glaiza's POV

Balak na sana niyang magtungo sa Milan after niyang masamahan si Daniella sa event na pinuntahan nito. Pero ng makiusap ito na samahan niya sa pagpunta ng Pilipinas ay hindi niya ito nagawang hindian. Hindi sa kung ano pa mang dahilan, kundi naawa lang siya dito, dahil ikinuwento na nito ang buong buhay nito sa kanya. Sabi nito ay kikitain nito sa Pilipinas ang Ina nito at Amang umabanduna sa kanilang mag ina at may bonus pa daw na pakikipagkilala sa mga kapatid sa Amang ni sa hinagap daw ay hindi nito naisip na makikilala pa. Nais siyang isama daw nito bilang suporta kaya naman ngayon nga ay kasama siya nito ngayon, papasok sa resto na tila arkilado yata.

Kaswal lang naman silang dalawa. Basta nakakapit ito sa braso niya na tila doon kumukuha ng lakas. Saktong narinig nila ang tanong na mula sa mic na naghahanap dito ang pagpasok nila. At parang gusto niyang lamunin ng marmol na sahig ng tawagin siya ng limang nag gagandahang babae na nasa mababang stage. Lalo pat namukhaan agad niya ang mga ito, partikular ang babaeng pilit niyang iniiwasan pero laman naman lagi ng kanyang isipan. Pasimple niya tuloy na tinanggal ang kamay ni Daniella na nakahawak sa braso niya. Para siyang nahuli sa aktong may ginagawa na hindi nito magugustuhan.

"Glaiza Unnie!" Excited na boses ni Krystal ang bumasag sa katahimikan ng nakakailang na titig ng mga babaeng kasama nito. Bumaba pa nga ito ng stage at yumakap sa kanya ng napakahigpit. "Kumusta ka na? Namiss kita, pati na din ni Unnie Rhian....... Di ba, Unnie?" Anito matapos bumitaw sa pagkakayakap sa kanya, lumingon pa ito kay Rhian. Pero pinandilatan lang ito ni Rhian at saka nag iwas na ng tingin sa kanila. Humagikgik lang naman si Krystal.

"Hey, young lady. She's my date so please back off." Sabi ni Daniella na bahagya pang itinulak si Krystal bago muling kumapit sa braso niya at inakay na siya patungo sa bakanteng mesa. Nilingon nalang niya ng tingin na humihingi ng dispensa si Krystal.

Mr. Howell's POV

"Ahm, Daniella and Krystal please come here in stage." Muling sabi na ni Mr. Howell matapos ang eksena ng panganay niyang anak at ng babaeng kasama nito na tila ata ay may kaugnayan din sa iba pa niyang anak. May hinuha siya na girl version niya ito at ang mga anak niya ang mga willing na biktima nito. Now he believes in karma.

Muli na ngang umakyat si Krystal sa stage na sinundan din naman ni Daniella, iyon ay matapos pa muna nitong halikan iyong babaeng kasama nito na parang ipinapakita talaga sa mga kapatid. Kita niya ang sari-saring emosyon ng mga anak, lalo na sa bunsong anak niya sa tanging babae na pinakasalan niya, si Rhian.

Pinasadahan niya muli ng tingin ang anim niyang anak mula sa ibat-ibang babae at hindi niya mapigilan na ma proud at maluha sa mga ito dahil puro ito matatagumpay sa iisa namang propesyon na tinahak ng mga ito, though medyo disappointed siya dahil wala ni isa man sa mga ito ang nagdala ng kanyang pangalan.

"Ladies and gentlemen, may i present to you all my six daughters! Daniella, my twins Jaime and Shay, Nadine, Rhian, and Krystal."

Napansin niyang hindi natuwa ang mga ito sa ginawa niyang pagpiprisinta sa mga ito kaya naman hindi na niya dinugsungan ang kanyang sinabi dahil hindi malayong may gumawa ng eksena sa mga ito pag tuluyang naiyamot sa kanya. Hinayaan na lamang niya ang mga ito ng magkakasunod na bumaba na ng stage.

Glaiza's POV

Nagulat siya ng halikan ni Daniella pero mas nagulat siya sa nalamang kapatid pala ni Rhian ang mga babaeng naging parte din ng buhay niya sa nakalipas na mga buwan. Ang mga babaeng sinubukan niyang ipalit dito dahil nakitaan niya ng mga katangian nito. Si Daniella na wild at palaban na parang ito. Si Shay na outspoken at adventurous gaya nito. Si Jamie na matapang at may pagka marahas na parang ito din, at si Krystal na super sweet, na dadaanin sa ka sa pagpapacute para makuha ang gusto na katangian din nito. Pag pinagsamasama ang lahat ng mga katangiang iyon ng apat na babae ay si Rhian lang ang equals niyon. Iyon ba kaya ang dahilan kaya siya napalapit sa apat?

"I didn't know na kakilala mo pala lahat ng mga anak ni Mr. Howell." Pag interrupt sa kanya.

"Hindi ko rin alam dahil kung-"

"Dahil kung alam mo lang ay iiwasan mo din ang mga iyon gaya ng pagiwas mo saken, di ba?." Tamang salo nito sa sasabihin niya. Pero hindi siya umimik.

"Glaiza, tama naman na ang pakikipaglaro mo sa akin ng hide and seek." Pakiusap nito. Pero hindi pa din siya nagsalita, ni lingonin ito ay hindi din niya magawa.

"Please." Hinawakan nito ang naka kuyom niyang kamay na nakapatong sa lamesa.

Hindi niya tuloy maiintindihan kung ano ang gagawin niya.

Nang may biglang humablot sa isa pa niyang kamay at pinatayo siya.

"Ano ba ang gingawa mo? Can't you see, hindi ka niya gustong kausap." Sabi nito saka ipinuwesto siya nito sa may bandang likod nito para iiwas siya kay Rhian.

"Wag ka nga makealam dito! You don't know anything!" Matapang na din na sabi ni Rhian at sinubukan pa siyang abutin.

"Hey! Hey! Sisters, what's going on here?" Entra din ni Jamie. "Hi, fiancee, how are you?" Baling nito sa kanya saka siya ibineso.

"Fiancee?" Sabay na tanong nina Rhian at Daniella.

"Yes! Ang babaeng pinag aagawan ninyo ay walang iba kung hindi ang fiancee ko. Ipinagkasundo kami ng parents nya." Lumapit at kumapit ito sa braso niya.

"What? When did it happen? Glaiza, I thought we had something." Tanong ng bagong dating na si Shay.

Oh, my Lord bakit para siyang iginigisa ngayon. Hindi niya makayang tumingin sa mga ito. Nagpasalamat na siya kanina na iniligtas siya ni Daniella mula kay Rhian. Hindi niya akalaing mas kukumplikado ang eksena sa pagpasok ng kambal. 'Lord, kunin na ho kaya ninyo muna ako, please.'

At tila sagot sa piping panalangin niya ang biglang paghila muli sa kamay niya sabay takbo, at ng tingnan niya kung sino ito ay napangiti siya kay Krystal na lumingon, ngumiti at kumindat pa sa kanya.

"Continue running, Unnie."

Lakas maka korean drama ng pagtakbo nila ni Krystal. Tila ata mahaba pa ang tatakbuhin niya para lang makaiwas sa magkakapatid. Napailing na lang tuloy siya.



Half Sisters Lover (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat