chapter nine

1.4K 65 0
                                    

"Gusto mo ba talaga si Krystal?"

Out of no where ay tanong sa kanya ni Victoria. Kasalukuyan sila ngayong nakatambay lang sa balcony ng apartment.

"Yes, i like her... very much." Sagot niya at kahit hindi niya ito tingnan ay alam niyang may kakaiba sa reaksyon nito. Masyado niya itong kilala para hindi mahalata ang mga kakaibang ikinikilos nito, mula ng dumating siya at magpakita ng interest sa pinakabatang member ng grupo nito.

"Gusto ko sya hindi lang dahil sa napakaganda niya. Napakadami din niyang mga katangiang na kung iisaisahin ko ay baka abutin tayo ng forever."

"Glaiza, ngayon lang ako makikiusap sayo, bilang sabi mo nga ay kapatid mo sa ibang magulang. Wag mong idagdag sa napakahaba mong listahan si Krystal."

"Bakit, Vic?...... Bakit ganan na lang ang concern mo kay Krystal."

"Dahil--"

Tila nagiisip pa ito ng kung anong isasagot sa kanya. Pero basang-basa naman niya ito. Ayaw na lang niya itong pilitin pang umamin.

"Im leaving, Vic." Putol niya sa pagiisip nito.

"Huh?" Naguguluhang tanong nito.

"Hindi ko alam kung saan na ulit ako pupunta, basta aalis na ako bago pa tuluyang lumago ang kung ano mang nararamdaman ko sa babaeng alam kong espesyal din sayo."

"A-ano?... Ano bang pinagsasasabi mo dyan, Glaiza?"

"Deny pa more, Vic." Natatawang sabi niya. "Sige na at mag aayos pa ako ng gamit ko." Tinapik niya ito sa balikat saka tuluyan na nga niyang iniwan ito doon.

---------

"Aalis ka na ba talaga?" Tanong ni Krystal na halata namang nalulungkot din sa pagalis niya.

"Oo, eh. Magiingat ka lagi, ha." Aniya saka marahang ginulo ang buhok nito. Ngumuso lang ito na lalong nagpa cute dito, kaya naman hindi na niya napigilang yakapin ito.

Nagpaalam na din siya sa iba pang members at kay Victoria na sinabihan niyang bilisan ang pag pifigure out sa kung anong nararamdaman nito para kay Krystal.

Hindi na siya nagpahatid pa sa mga ito, nagtaxi na lang siya papuntang airport. Nang umandar ang taxi ay muli pa niyang nilingon ang grupo, kaya kita niya ng akbayan ni Victoria si Krystal. Kumakaway ang mga ito sa kanya. Ngumiti lang siya ng tipid saka umayos na ng upo, kinuha niya ang cp niya at nagtype doon ng "Im on my way na sa airport. À bientôt." Saka niya pinindot ang send at tuluyan ng ini off ang cp.

-----------

Rhian's POV

"Eto na ba lahat?" Tanong niya sa inabot na brown envelope sa kanya ng inupahan niyang private detective.

"Oo, Miss Rhian. Kasalukuyan siyang nasa Korea ngayon at sa kaibigan niyang si Victoria Song na leader ng grupong f(x) siya tumutuloy."

"Sige, salamat." Inabot na niya dito ang sobre na naglalaman ng kabayaran niya sa trabaho nito.

"Salamat, Miss Rhian."

Tipid lang siyang tumango saka sinenyasan na niya itong umalis. Nag paiwan pa siya doon sa cafe para tingnan ang laman ng envelope. May ilang larawan doon si Glaiza kasama ang apat na babae at isang tomboy. Kilala naman niya ang kaibigan nitong si Victoria dahil ilang beses na din niya itong nakita noong sila pa ni Glaiza.

Kinuha niya ang kanyang cp at tinawagan ang kanyang Manager/handler. Pina move niya ang ilan niyang mga schedules at inusap na rin niya itong ibook siya ng ticket patungong Seoul, asap.

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now