chapter twenty-two

1.3K 68 7
                                    

Glaiza's POV

May ilang linggo na rin silang naninirahan ni Rhian sa Honolulu, Hawaii and so far ay maayos naman silang pareho. Bahay niya ang tinitirahan nila. Hindi ito alam ng parents niya dahil sarili naman niyang pera ang pinambili niya dito ilang taon na din ang nakakaraan. Iniwan nila pareho ni Rhian ang mga cellphone nila sa hotel na huling tinuluyan nila kaya naman wala na talaga silang komunikasyon sa Pilipinas. Sinadya naman talaga nila iyon dahil gusto nga nilang magsimula ng bagong buhay, malayo sa lahat.

Nakakabalita man sila ay sa telebisyon na lang, pero madalang din naman ang balita tungkol kay Rhian, dahil pinagtakpan ito ng Tiyahing may ari ng network na may hawak dito. Ang sabi sa isang interview doon ay nasa bakasyon daw si Rhian at baka matagalan pa daw ang balik. At ng tanungin niya si Rhian tungkol sa mga proyektong hindi nito natapos simple lang ang isinagot nito. Malamang daw ay binayaran nalang ito ng mga Tita nito para hindi na mag demanda.

Palagi pa rin niyang inoobserbahan si Rhian. Tinitingnan niya kung nagsisisi ba ito sa ginawang pagsama sa kanya at paglayo sa buhay na kinagisnan nito, pero wala siyang nakikitang ganoon. Bagkus ay mas nagmukha itong blooming, bakas sa mukha at mga kilos nito ang kakontentuhan at kasiyahan. Madalas ay mag katulong lang sila sa lahat ng gawaing bahay. May trabaho na din silang pareho. Siya ay bartender at tuwing gabi lamang ang pasok niya, habang ito naman ay kahera sa convenience store na kalapit lang ng bahay nila at pang gabi din ang duty nito.

Ngayon ay pareho nilang rest day. Kaya naman magkatulong sila sa paglalaba ng isang linggo nilang damit. Madali lang naman dahil may automatic na washing machine. Basta ilalagay lang at pagkalipas ng ilang minuto ay isasampay na. Nagtatagal lang sila dahil sa panghaharot sa kanya ni Rhian.

"Love, ano ba? Nababasa ako, ha." Saway ko dito dahil panay ang wisik nito sa akin ng tubig gamit ang kamay.

"Ay, grabe sya, oh. Mamaya ka naman na mabasa. Naglalaba pa tayo e. Pero pwede din naman isingit natin yun, after natin maisalang lahat ng ito. Naka timer naman, sakto pagtapos natin, magsasampay na. Ano, game?" May pataas-taas pa ito ng kilay.

Natatawang, naiiling ako dahil kahit kailan talaga ay may kapilyahan itong taglay.

"Ayaw mo ba, love? Ah, ah mahigit ng two weeks na wala ah. Tapos next week for sure hindi pwede kasi dadating na ang panauhing pandangal ko. Huhu."

Nag iyak-iyakan pa talaga ito. Tunay naman nga na dyeta sila sa larangang iyon, dahil noong nakaraang linggo siya ang may dalaw tapos sumunod ay pareho silang abala at laging pagod. Ngayon na nga lang sila mag momoment kung sakali.

"Wala naman akong sinabing ayaw ko, ah." Bahagya ko itong winisikan ng tubig dahil natahimik na ito at nakanguso pa habang nagsasalang ng mga damit sa washing machine ng padabog.

Hindi pa din ito umimik. Kaya binilisan ko na ang pagsasalansan ng mga damit. Pagkatapos ay ako na din ang nag set ng timer. Wala pa din itong imik at nagmamartsa pang pumasok sa loob ng bahay. Agad naman na din akong sumunod. Naabutan ko itong nakadapa sa sofa habang inooperate ang vacuum cleaner na robot.

"Love, akala ko ba may gagawin tayo?"

Tanong ko, pero denedma lang ako nito, kaya naman dinapaan ko din ito. At saka kinuha ko ang kamay nitong nakahawak sa vacuum.

"Mamaya nayan." Sabi ko.

Inalalayan ko ito para makatihaya habang nakadapa pa din ako dito. Sumunod naman ito sa gusto ko. At nang magkatapat na ang mga mukha namin ay marahan kong hinawi ang ilang hibla ng buhok nitong tumabing sa mukha nito.

"I love you, love." Sabi ko saka ko inilapit ng tuluyan ang mukha ko dito. At ng maglapat ang mga labi namin ay agad na sumayaw ang mga ito, tila mga mananayaw ang mga labi namin na matagal hindi nakarinig ng tugtog. Naroroon ang pananabik ngunit walang pagmamadali. Dinadama ang bawat dampi.

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now