Chapter 1

12.9K 210 2
                                    

Chapter 1

"Hanggang kailan ka magiging ganyan Starre? "Ang napabuntong-hininga na sabi ng kanyang tita Agatha.
Kapatid ito ng kanyang ama na syang nangangalaga ngayon sa kanya dahil nasa malayo ang ama. Nasa ibang bansa na ito nakatira kasama ng new wife nito.

Napalingon sya rito at pilit ang mga ngiting nagsalita.
"Tita, hwag nyo na po akong intindihin. Ok lang po ako ."aniya na nilangkapan ng sigla ang kanyang boses ngunit halata pa ang lumbay sa kanyang tinig.

"Anung 'wag intindihin! Ilang taon ka na bang ganyan ha?! Buhay na parang patay rin Lang kasama ko rito sa bahay! Wala kang sigla sa bawat araw na nakikita kita. Di mo ba alam na nasasaktan akong nakikita kitang ganyan? Di maalis sa iyong mga mata ang lungkot at pagdadalamhati? Kung kaya ko lamang pawiin ang mga yan. Matagal ko na sanang ginawa noon pa Starre... "bulalas nito ngunit nabahiran din ng lungkot ang anyo nito ng tingnan sya sa mga mata. May awa syang nabanaag rito kaya nman mabilis syang nag-iwas ng tingin rito.

Itinuon nya na Lang ang kanyangpansin sa ginagawang report sa computer na nasa harapan nya.
"Tita, ok lang po ako. Di man bumalik ang dating masiglahing mong pamangkin at least po kasama ko po kayo. Hayaan nyo na po muna akong ganito. Di pa po hilom ang sugat sa aking puso."aniya na napahugot Ng malalim na buntong-hininga.

"Bakit di ka muna magbakasyon sa states. Matagal ka na rin nmang pinapapunta ng ama mo doon. "Suhistyon nito na tiningnan ang kanyang kabuuhan na nakaupo sa harap Ng maliit na Mesa.

Maang syang napasulyap rito.
"Sawa ka na bang nakikita akong ganito tita kaya mo ako pinapapunta roon? "Ang may lungkot sa mga matang turan nya rito.
"Hindi  sa sawa na ako sayo kundi naaawa ako para saying kapakanan! Maawa ka Starre, pwede bang ayusin mo yang sarili mo. Sa ayaw at sa gusto mo ipapadala kita sa iyong ama sa susunod na buwan! "Anito na nakapagdesisyon na itong ipadala sya sa kanyang ama.

"Tita! "Ang di makapaniwalang wika nya rito. Pipilitin sya niyong magtungo sa ama nitong nasa ibang bansa kahit ayaw nya?
    Five years ng naninirahan doon ang kanyang ama. Dalawang taon pa lang ng namamatay ang kanyang ina ng muli itong mag-asawa. Katatapos nya lamang ng kolehiyo noon ng mag decide itong pakasalan ang half pilipina nitong asawa ngayon. Isang modelo sa ibang bansa na namet nya sa pagbibiyahe noon sa states Ang kanyang step-mother.

  May  communication ang mga ito and later on nagkaroon ng relasyon saka after a months nagkasundong magpakasal.

  Di sya tumutol sa nais ng ama. Dahil kung doon ito magiging masaya di sya hahadlang sa relasyon ng mga ito.

Alam nyang malungkot ang buhay nito sa state kaya kahit ayaw nya sanang muli iyong magpakasal hinayaan nya na lang.
   Dalawang taon lang ang tanda ng masdrasta nya sa kanya.  Mabait ito at mahal nito ang kanyang ama sa kabila ng age gap ng mga ito. Forty four na ang kanyang ama. At ito naman ay twenty nine  pa lamang. Maaga kasing nagpakasal ang mga magulang nya noon.

    Meron na syang makulit na kapatid sa ama na apat na taon na ang edad. Nagbakasyon ang mga ito sa pilipinas two years ago bago sya na broken hearted.

   Gusto ng ama noon na dumuon na rin sya sa states ngunit nagpakatanggi tanggi sya kasi mas gusto nyang mamuhay sa pilipinas kasama ang tita nya.

    Ngayong ipapadala sya ng kanyang tita patungo sa states. Dapat nya na sigurong pagbigyan  ang kahilingan nito.

Two years syang naging aloof kahit kanino maliban sa kanyang tita simula ng makamit nya ang kanyang unang experience sa pagiging broken hearted. Office-bahay lamang Ang kanyang pinupuntahan.

May sariling business ang kanyang tita. Isang Travel agency iyon na located sa makati. At sya ang katulong nito roon.

Di sya humaharap sa mga kliyente nito. Tanging nasa loob lang sya ng office at gumagawa ng papers works. Ginagawa nya pag-aayos Ng contacts record, booking of flight, so on and so far.
Minsan lang sya makipag-usap sa iba nitong empleyado roon. Masyado nyang inilayo ang sarili sa ibang tao at naging mailap sya.
    Oo nga at masasabi nya pang di pa sya totally nakamove forward sa kanyang buhay. But ayaw nya na din nmang magbigay daan sa iba na makalapit Pa sa kanya at muling makadanas Ng broken hearted.

Kung kelan nya muling mababalik ang dating Starre di nya alam. Nakuntento na sya sa malungkot nyang daigdig. Marahil tama nga ang kanyang tita na dapat umalis sya patungong states para nakalimutan Ang unang pagkasawi nya sa pag-ibig.

New environment means new life. Susubukan nyang baguhin Ang pananaw nya sa buhay. Di man maging perpekto iyon ngunit Kung magkaroon sya ng outlook in life eh mas maigi na iyong panimula nya para sa sarili.

$SWEET REVENGEWhere stories live. Discover now