Chapter 29

4.1K 98 1
                                    

   "What are you doing? Are you crazy?! "Hysterical ngunit pabulalas lamang nyang singhal sa lalaki habang hila hila sya nito sa kamay palayo doon. Di na sya masyadong nagpapalag para di sila gaanong makaagaw ng pansin ng mga bisita. Si Harold nga di nakahuma sa kanyang kinauupuan sa gulat nito sa mabilis na aksyon ni Skyye.
Lalo pa syang nanhilakbot ng makita nya kung saan sila patungo. Ni hindi pa sya nakakapagpaalam sa kanilang direktor.
"Skyye! Don't do this. It's humiliating! "Muli nyang protesta ng di man lang sya sinagot ng lalaki.
Tahimik lang ito at walang kangiti ngiti sa mukha ng balingan nya kaya bigla din syang napatahimik at napasunod dito ng walang namumutawing protesta sa kanyang labi. Dahil dama nya ang galit ng lalaki ng mga sandali iyon.

Pagkalabas nila ng building, walang salitang binuksan nito ang sasakyan saka sya pinapasok. Akmang poprotesta sana sya ng titigan sya nito ng masama kaya naumid sya sa kanyang kinauupuan. Nilagyan sya nito ng seat belt.
Pagkatapos noon malakas nitong isinara ang pintuan ng sasakyan. Napalundag pa sya sa gulat sa kanyang kinauupuan dahil sa ginawa nito.
Nilukuban sya ng matinding kaba dahil ito ang unang beses na nakita nyang nagalit ang lalaki dahil sa kanya.
Pagkapasok nito sa driver seat napatuwid sya ng upo saka itinuon ang mga mata sa unahan ng sasakyan at tahimik na napahalukipkip doon.
Tahimik pa rin ang lalaki ng paandarin nito ang sasakyan sabay paharurot noon ng mabilis.
Wala sa sariling napahawak sya ng mahigpit sa handle malapit sa kanyang ulo at tahimik na napadasal na sanay do sila madisgrasya.
"Don't worry I am a good driver honey. Losen up, we won't be meeting an accident. "Anitong medyo sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito.
Mabalasik nya itong sinulyapan saka inis itong hinampas sa balikat.
"At sa akala mo ba nasasayahan ako sayo ngayon? Kulang na nga lang palipadin mo itong letse mong sasakyan! "Galaita nyang singhal dito na ikinatawa lang ng hudyo.
"I won't do anything just to hurt you Starre because I love you. "Maya maya wika nitong biglang nagseryoso sa kinauupuan nito kaya mabilis syang napabaling uli dito.
Di sya nakapagsalita dahil di nya alam ang kanyang sasabihin. Nalilito sya sa dapat nyang gawin. Nagkahalong kaba, saya at guilt ang umuusig sa kanyang kunsensya ng sandaling iyon.
Nagulat pa sya ng huminto ang kanilang sinakyan. Nang tingnan nya ang kanilang kinaroroonan. Nasa parking lot na sila sa isang basement at likod na lamang ni Skyye ang kanyang natanaw ng lumabas ito ng sasakyan ng di nya namamalayan dahil lumilipad ang kanyang isipan.
Nabigla pa sya ng bumukas ang kanyang pintuan at dumukwang ito. Wala sa loob na napapikit nya ang kanyang mata sa pag-aakalang hahalikan sya nito ngunit laking dismaya nya ng di sya nito hinalikan. Tinanggal lamang lamang nito ang pagkakalagay ng kanyang seat belt.
Napapahiyang nagmulat at nag-iwas sya ng mga mata ng mahuli nya itong napangiti ng lihim.
Inis nyang tinabig ang kamay nito ng akma sya nitong hahawakan. Tinulak nya ito palayo sa kanyang dadaanan sabay baba sa sasakyan nito. Mabilis syang naglakad para takasan sana ito ngunit kung anung bilis ng ginawa nya sya ring bilis nito.
Maagap sya nitong nasaklit sa isang braso sabay hila sa kanya pabalik sa sasakyan nito. Mabilis sya nitong hinawakan sa magkabilang balikat sabay sandal sa kanya sa nakasarang sasakyan nito.
"You're just making me more aggressive honey... "Mahina nitong bulong sa kanyang punong tenga. Tila nanindig nman ang kanyang mga balahibo sa buo nyang katawan.
Matapos sya nitong binulungan inangat nito ang kanyang mukha para magpantay ang kanilang tingin. Pilit nyang iniiwas ang kanyang mata ngunit mas lalo nya lamang nahamon ang lalaki sa ginawa.
"Look at me Starre and tell me you don't want me now. "Naghahamon ang mga tinging tanong nito sa kanya.
Napatitig sya ng mariin sa mga mata ng lalaki. Gusto nyang magsinungaling at sabihing di nya ito gusto ngunit iba ang nanulas sa kanyang sariling dila.
"I want you... "Mahinang bulong bulong dito sabay baba baba tingin.
Iyon lamang ang hinintay ni Skyye na marinig mula sa labi nya pagkatapos mabilis sya nitong hinapit sabay angkin sa kanyang mga labi.

$SWEET REVENGEKde žijí příběhy. Začni objevovat