Chapter 39

3.9K 103 1
                                    

Mabilis umusad ang mga araw at dalawang araw na lamang ay magaganap na ang pinakahihintay na sandali ng dalawang nag-iibigan na sina skyye at starre.
    Mula ng umayon silang dalawa na ikasal naging mabilis ang preparasyon ng kanilang pamilya para sa kasal nilang dalawa. Tulong tulong ang mga ito sa pagprepara ng mga kinakailangang gawin para sa kasal nilang dalawa.
   At ang tanging iniambag nilang dalawa ay ang siguruhing mayroon silang damit na maisusuot. Iyon lamang ang ibinigay ng kanyang tita na gawin nila. Dahil ayun dito sila na bahala sa lahat ng kinakailangan sa kanilang kasal. Well, sa connections ba nman ng lolo florence nila naging madali ang lahat. Ikakasal silang dalawa sa malaking simbahan sa kanilang lugar.
    Ang kanyang step mother at ina ni skyye ang umako sa paghahanap ng mga damit ng brides maid  and grooms men. Tita nya ang gumawa ng invitations saka humanap ng wedding organizer para sa kanila.
   Ang naging motif ng kasal ni Starre ay gold and silver. Naging issue pa iyon kay skyye dahil gusto nito ay ocean blue. Ngunit dahil sa iyon ang gustong-gusto nyang kulay para sa kanyang kasal walang nagawa ang lalaki.
More than a month ang naging preparasyon nila sa kanilang kasal. At sa mga araw na iyon walang linggo na di sila nagkaroon ng tampuhan dahil sa lalaki. Kung di ito magseselos sa mga maliliit na bagay sa kanyang buhay minsan nman gusto nitong sundin nya ang lahat ng gusto nito na para sa kanya ay di resonableng sundin.
    Minsan ng namagitan ang kanilang lolo sa away nila. At malapit na rin syang umatras sa kasalang iyon kung di sila inayos ng kanilang pamilya. Lumabas ang pagkadominante ng lalaki. At di nya alam kung lalala pa iyon kapag kasal na silang dalawa. Ayaw sya nitong parati syang magtatravel. Paroo't parito kasi sya sa Manila at probinsya ng lolo nila. May photo shoots pa kasi syang di nagagawa kaya inayos nya muna iyon bago dumating ang araw ng kanyang kasal na ikinaiinis ni skyye.
"I told you for a hundred times Starre l dont like you to keep working! I can provide you with my own money! Why cant you quit doing your modelling job?""galit nitong salubong sa kanya ng makabalik sya galing ng manila.
"I am quitting! I just wanted to finish all my pending photo shoots! Why cant you understand it?! The company will sue me if i dont finish it!"galit nya ring wika rito na di nya na napigilan pang salubungin ang galit ng lalaki.
Nasa bungad sila ng malaking pintuan nakatayo. Ni hindi man lang sya nito hinayaang makapasok sa loob ng bahay bago sya nito sermunan!
"Then why you didnt wake me up before you leave? When i woke up my bed is empty and there is no trace where my fiancee is!."ang muling angil nito sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay kulang na lang ata mag-isang linya ang mga iyon.
So, iyon pala ang pinagpuputok ng butse nito?ang naitanong nya sa sarili.
Tinapunan nya ito ng masamang tingin ngunit di nya ito sinagot. Walang babalang bumwelta sya paalis at nilampasan ito saka nagmamadaling naglakad papasok sa loob ng bahay. Dire-diretsong umakyat sya sa taas patungo sa sarili nyang silid. Di sya nag-abalang tumungo sa silid ng lalaki na naging silid nya na rin sa nakalipas na ilang linggong pamamaligi roon. Dahil ayaw nyang lumala pa ang bangayan nilang dalawa sa bagay na pinag-ugatan ng away nila.
Pagkarating sa kanyang silid mabilis nya iyon ini-unlock at malakas na ibinalibag pasara ang pintuan pagkapasok na pagkapasok nya sa loob niyon sabay click ng lock niyon sa loob. Pagkatapos patihayang ibinuwal nya ang sarili sa gitna ng kama at napatitig sa kisame. Magkahalong pagod, stress at inis ang kanyang nadarama ng sandaling iyon. At tanging pahinga lamang ang kinakailangan nyang gawin para maibsan ang kanyang mabigat na pakiramdam. Tila magkakasakit pa ata sya kung di sya mamalasin. Habang daan kasi pauwi medyo nakadama sya ng pagkahilo sa biyahe ngunit nawala lang din nman pagkalipas ng ilang sandali.
Tamang-tama nmang  papasok sana ang lalaki sa loob ng kanyang silid ng sumara iyon bigla sa  pagmumukha nito. Kung di ito mabilis na  napaatras sa mukha talaga nito tatama ang matigas na pintuan ng silid ng babae.
Di nman alam ni starre na sumunod pala ito sa kanya ang kaya wala syang kamalay-malay na malapit nya ng matamaan ang pagmumukha ng kanyang fiance.
"Starre! Open this door, right now!"ang malakas nyang sigaw sabay katok sa labas ng pintuan nito ng makabawi sa  malapitang pagkapitpit sana ng kanyang gwapong pagmumukha. Ilang araw na lang kaya at ikakasal na sya kung di sya mabilis nakailag sa malapitang pagkatama ng mukha sa pintuan nito baka ngayon sa hospital ang kanyang kinabagsakan.
"Go away skyye! I dont wanna talk to you right now. "Ang narinig nyang sigaw ng babae mula sa loob.
"No! I want you to open this door or I'm gonna break it!"pagbabanta nya rito.
Ngunit lumipas na lang ang limang minuto walang Starre na nagbukas ng pintuan para papasukin sya na ikinakuyom ng kanyang kamao.
"Starre! Starre! Open this damn door!"matigas nyang sigaw uli sabay katok ng malakas ng pintuan.
Ngunit di pa rin sya nito pinagbuksan kaya nagpatuloy sya sa pagkalabog ng pintuan nito na ikinalabas ng kanyang ina at ng kanyang lolo.
"What is going on honey?"ang nag-aalalang tanong nito ng makalapit sa kanya.
"She wont open her door mom!"iritadong tugon nya.
"Then, leave her."sabad nman na wika ng kanyang lolo mula sa kanyang likuran.
"No! We really need to talk right now!"pagmamatigas nya pa rin. Tumanggi syang lisanin at hayaan na lamang muna  ang dalagang mapag-isa.
"Let her calm down for a while iho.. am sure she will talk to you later."ani ng inasa kanya.
"No mom! Celso! Bring me the masters keys!" Sigaw nya sa kawaksing namataan.
"Skyye, let her have her privacy now before this misunderstanding grow big."payo nman ng matanda sa kanya.
"But-"aniyang di pa sana aalis roon ngunit maagap na syang nahila ng kanyang ina pababa ng stairways. Nagsimula na kasing magsidatingan ang kanyang mga relatives mula sa ibang lugar. Sila dapat ni Starre ang mag-i-estima sa mga ito ngunit dahil nag-away silang dalawa at pinagsarhan sya nito ng pintuan wala syang nagawa kundi mag-isanghinarap ang mga ito. Nang hanapin ang babae pinabulaan nya na lamang na masakit ang ulo ng babae kaya sya lang ang sumalubong sa mga ito.
   Halos maghahating gabi na ng makabalik sila sa bahay ng lolo nya. Di nya kasi mapahindian ang kanyang mga pinsan na hwag ipasyal.
Pasimpli nyang kinausap ang isa sa mga kawaksi ng magkaroon ng tyempo.
Nais nyang malaman kung lumabas ng silid ang babae ngunit nalaman nyang di ito lumabas ni bumaba para maghapunan. Pinahatiran raw ito ng pagkain ngunit di nagalaw. Kaya palihim nyang pinakuha nag duplicate key ng silid nito sa kanyang pag-aalala sa babae.
Napabuntong hininga sya ng makapasok at maaninag ang natutulog na babae. Humakbang sya palapit rito, napakunot noo sya ng mapagmasdan ang suot nito. Lahit di nya binuksan ang ilaw sa silid nito alam nyang isinuot ng babae ang pinakaaayaw nyang damit pantulog nito na si puca. Ang famous cartoon character ng japan. Hanggang tuhod iyon ng babae at di sya magkakamaling talagang galit sa kanya ang babae dahil isinuot iyon!
Tumindi nga kanina ang nadarama nyang galit rito ng mapag-alamang sa sarili nitong silid ito nagtungo at hindi sa kanyang silid kung saan sila magkatabing natutulog. Hindi rin sya nito pinagkaabalahang bigyan ng halik. Kahit kasi galit ito sa kanya di nito nalilimutang bigyan sya ng halik sa pisngi ngunit ngayong araw di sya nito hinalikan na sya nyang ikinagalit lalo.
Kaya nagdesisyon syang doon matulog sa silid nito dahil di mangyayaring lilipat ito ng kanyang silid kapag nagising. Galit ito at ayaw syang kausapin kaya sya na mismo  ang gagawa ng paraan para makatabi ito. Di sya sanay ng di ito katabi sa pagtulog saka namiss nya ito ng sobra. Kaya kahit galit ito sa kanya basta mayakap at makatabi nya lamang ito at mahalikan kuntento na sya roon. Bukas nya na lamang haharapin ang malamig nitong pakikitungo sa kanya.
Hinubad nya ang kanyang mga damit at tanging boxer short lamang ang itinira saka tumabi sa natutulog na babae. Hinila nya ito palapit sa dibdib saka niyakap ng mahigpit. Ibinaon nya rin ang kanyang mukha sa nakasabog nitong buhok at sinamyo iyon. Na miss nya ito buong araw. Bahagya itong gumalaw akala nya magigising ito kaya hinanda nya ang sarili. Lalo lamang pala nitong isiniksik ang sarili sa kanya na ikinasaya nya. Di nya napigil ang sariling kintalan ito ng halik sa mga labi sabay haplos ng mukha nito.
"Hardheaded woman..." mahina nyang usal habang hinahaplos ang mukha niyo. May sa saya sa labing ipinikit nya ang mga mata hanggang lagumin sya ng kadiliman.

$SWEET REVENGEWhere stories live. Discover now