Chapter 12

4.2K 125 0
                                    

   Si lolo Florence ang nabungaran nya sa labas ng opisina ng lalaki.
"Is everything's fine between you and skyye? "Ang agad na tanong nito. Napansin pa nito ang pamumula ng pisngi nya. Magkahalong hiya at inis ang nakalarawan sa kanyang mukha.
"Yes lolo. Come on let's go. "Wika nya sa matanda na may pagdududang di nagbangayan ang dalawa sa loob.
"Wait, I'll have word for my grandson. "Anito saka pumasok sa loob.
Sya nman naglakad patungo sa direksyon ng pagawaan ng asukal.
  Pagbungad nya sa entrance noon. Napahinto ang mga manggagawa at biglang napatuon ang tingin sa kanya.
"H-hi po kumusta? "Ang alanganing ngiti nyang sabi sa mga ito.
Napako lang ang tingin ng karamihan sa kanya. Nailang nman sya sa mga titig na iyon ng mga manggagawa.
Hanggang sa lumapit si Dave sa kinatatayuan.
"Starre? Ikaw nga ba yan? "Ang di makapaniwala nitong tanong. Sinipat sya mula ulo hanggang paa. Di pa Ito nakuntento nagpaikot ikot pa ito sa kinatatayuan nya.
"Yes dave! Bakit kelangan ko pa bang magpakita ng pruweba? "Napaarkong kilay nyang turan sa kaibigan.
"Wow hanep! Iba na talaga ang level ng kagandahan mo Starre! Totoo bang model ka na sa ibang bansa? Mga kasama si Starre yung dating assistant ni sir Florence na ngayon ay sikat ng model sa ibang bansa! "Ang anunsyo nito sa mga naroon
"Hoy! Parang awa mo na Dave kulang na lang ipamalita mo na sa lahat ang buhay ko ah! "Saway nya rito. Napahalakhak lang ito saka may iniabot sa harap.
Isang addidas na sobrero.
"Aanhin ko yan? "Napakunot noo sya rito.
"Signature mo miss model. Dito mo na ilagay para lagi kong makikita!"malawak ang ngiting wika nito.
Napatawa sya sa ginawa nito dahil nagsunuran ang iba pang mga lalaking naroon para magpasign sa kanya. Yung iba sa shirts pinalagay ang signature nya. Mabuti na lang meron inabot si dave na smart pen sa kanya.
    Di lang signature ang hiningi sa kanya kundi pati pictures na rin. Marami ang nagpakuha ng selfie kasama sya. Nagkagulo tuloy sa loob ng pagawaan. masaya ang mga itong may model silang kasama sa pictures.
   Mabuti na lang din at medyo maayos ang naisuot ng araw na iyon. Isang garterized body hugs mini dress na hanggang tuhod. Tube style iyon na printed. Nakalugay lang rin ang mahabang buhok at nagsuot ng bangles earrings na silver.
Di sya naglagay ng kolerete sa mukha tanging lip gloss lamang para di magdry ang labi.

   Magkasunod na nagtungo sina Florence at skyye sa pagawaan.
Nasalubong ang kanyang kilay ng makitang nagkakagulo ang mga tauhan sa loob. Tila may pinagkakaabalahang gawin. Dahil nahinto ang mga ito sa pagtrabaho.
Mayron silang pinapalibutan sa loob.
Di rin sila nakapasok kung di pa sya tumukhim sa likuran ng mga ito.
Saka lang nahawi ang mga ito sa bungad ng pagawaan ng makita silang dalawa ng matanda.
"Anung meron dito? Bakit nahinto kayo sa pagtrabaho? "Ang naglagom nyang tinig sa buong pagawaan.
Nakapamewang pa sya ng unti unting nagbalikan ang mga ito sa kanya kanyang gawain.
Saka nya nakita si Starre na nakaupo sa isang upuan at may ginagawa.
Inis syang napalapit rito. Nakita nyang naglagay ito ng signature sa isang sobrero ng tauhan nila.
"What do you think you're doing?! "Sita nya ng makalapit.
"Giving them my signatures and let them take photo of me? "Anito saka sya nginitian ng maganda at balewalang tumayo saka inabot ang hawak na sombrero sa isang tauhan nya na nagtatrabaho na uli.
Tila gusto nyang kaladkarin ang babae paalis roon. Pumayag itong magpost kasama ng mga lalaki nilang tauhan? Anu bang pumasok sa kukute ng babae. Pumasok ito ng pagawaan para maantala ang trabaho ng karamihan dahil nagbigay ito ng autograph? Ang di makapaniwala nyang diskusyon sa isipan.
"Bye guys! See you again! Dave you owe me something. Tomorrow morning come in lolo Florence. "Wika ni Starre saka agad tumalikod patungo sa pintuan.
"Sure Starre! "Ang malawak na ngiti sa labing pahabol ni Dave.
Napakuyom palad syang sinundan ang dalaga sa labas.
"Wait, where are you going? "Ani ni skyye sa kanya.
"We're leaving. Lo, let's go? "Sabi nya sa matandang lihim lang na nangingiti sa labas ng pagawaan. Nakita nito ang lahat at alam nyang naaliw ito sa naggagalaita nitong apo.
"No. Di ako papayag na dalhin mo si lolo kahit saan! "Ang wika nito.
"Oh don't be kj skyye. Lolo wants me to meet his friends. And besides I want to stroll around the town. I miss this place. "Aniya saka naglakad sa direkyon ng gate.
"I'll come. "Ang pasya nito.
"No. We don't need you!"aniyang nairita sa lalaki.
"I insist baka madisgrasya pa si lolo sayo. "Matigas nitong turan.
Napahinto sya sa paglalakad at inis nyang hinarap ang lalaki.
"Are you implementing I can't drive safely? "May diin ang pagkakasabi rito.
"No. Wala lang akong tiwala na walang mangyayaring masama sa matanda. "Saad nito.
"Oh my! Skyye, para mo na ring sinabing kaskasero ako! Do you think I let something happen to lolo? "Ang di makapaniwalang sabi nya na binigyan ang kaharap ng masamang tingin.
    Pigil nman ang galit ni skyye sa babaeng kaharap. Tila gusti nya itong parusahan sa pamamagitan ng halik. Naipilig nyang ulo dahil kung anu anu ng pumapasok sa kanyang ulo. Damn! Di sya dapat makaramdam ng ganun dahil may girlfriend na sya at malapit na itong dumating.

$SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon