Chapter 4

5.4K 155 2
                                    

Lumipas ang mga araw ng pananatili ni Starre roon ng may kabuluhan. Naging masaya at exciting ang bawat araw nya kasama ang ama at pamilya nito.
Sya na ang kusang nagbuluntaryong alagaan ang kapatid sa ama para di na kailangan pang kumuha Ng babysitter every time na need Ng ama at madrasta nya na ipinagpasalamat ng malaki Ng mag-asawa.

Minsan pumapasyal sila sa kalapit na park Ng townhouse nila.
Nang mga sumunod na araw ay pinaaral sya ng kanyang ama na magmaneho ng sasakyan para saan man nya gusting pumunta eh may car syang gagamitin at di nya na need magpublic transport.
Kakakuha nya lamang ng kanyang driver license noong isang araw. Sya na rin ang naghahatid sa kapatid nya sa school na pinapasukan nito na malapit lang din sa bahay nila.

Minsan kapag walang pasok si Adam ay hinahatid nila si Alice sa pictorial venue nito na ikinasiya Naman ng huli.

Malimit silang magfamily picnic. Bonding ng perfect family ng kanyang ama every weekend. Masaya sya sa kanyang pananatili roon.

Nakalimutan nya na ang kanyang hinagpis noong bago sya dumating rito. Laking tuwa Pa nga ng kanyang tita ng malaman nitong malaki na ang ipinagbago nya sa ilang buwang pananatili roon ng tawagan nya ito minsan. Excited itong malaman Kung makahanap nga ba sya roon ng kanyang bagong kaligayahan sa bansang pinuntahan. Na ranging tawa lamang ang itinugon nya rito. Ayaw nyang magbitiw ng anumang salita patungkol sa kanyang future.

Isang araw may malaking event na sinalihan ang kanyang madrasta kaya kontodo support silang mag-ama rito. May fashion show ito ng araw na iyon kaya lahat sila ay excited.
Dahil bagong design ng famous clothing industry ang isusuot ng mga ito sa catwalks.

Di pa nagsisimula ang show ng dumating silang tatlo roon sa venue. Marami Ng mga bisita Ng dumating sila. Hinanap nila ang upuang nakareserve para sa kanila kanilang tatlo.

"Daddy I want to kiss mom before the show starts!"Ang ungot ni Adam sa ama.

Napangiti Naman syang napasulyap rito. Mahaba na ang nguso nito na nakatingin sa kanilang ama at naghihintay ng pagpayag ng ama na puntahan nito sa backstage ang Ina para bigyan ng good luck kiss.

"Starre, can you take this young man to his mom?"Ang napangiti baling sa kanya ng ama.

"Sure dad! He's little bit excited about this event and can't wait to give his mommy a kiss! "Ang napatawang saad nya sa ama.

Hinawakan nya ito sa kamay saka tinungo ang back stage.
Di nya malaman saan hahagilapin si Alice. Maraming mga models na nagkalat roon. Lalaki at babae. Kanya kanyang ayos ng sarili. Kasi in a minute magstart na ang shows.

"Where the hell is Valerie?! "Ang narinig nyang sigaw ng isang bakla na may kayamutan sa tinig nito.

Di nya iyon pinansin, nakisiksik sila sa mga modelong nakatayo sa daanan nila. Hinahanap Ng kanyang mata si Alice. Sa wakas namataan nya na din sa wakas ang madrasta. Excited na bumitiw sa kanyang kamay si Adam at tinakbo ang kinaroroonan ng ina.

Akmang susunod sya rito ng may mga kamay na bigla na lamang humila sa kanya palayo roon.

"Hey! Wait! "Ang gulat nyang wika sa taong walang babalang humila ng kanyang kamay.

Isang blonde na lalaki ang humihila sa kanya at tinulak sya papasok sa isang tila dressing room ng mapahinto sila sa isang dako ng back stage.
Pagkapasok ay mabilis sya nitong pabagsak na pinaupo sa harap Ng vanity mirror at may babaeng agad na humarap sa kanya.
"Hey! What are you doing?!"taranta nyang protesta sa mga ito.

"Do her make up! Hurry up! We're running out of time! "Ang sigaw nito sa babaeng Basta na lamang tumayo sa tabi nya.

"Wait! I'mm not one -"ang protesta nya sana ngunit agad syang pinatahimik ng make up artist.

$SWEET REVENGEWhere stories live. Discover now