Chapter 26

4.1K 97 1
                                    

   "Ok guys let's stop and wrap up for now. We'll continue the shooting for the Luxxe White commercial tomorrow and please don't be late again! Goodness! Di tayo binabayaran para maghintay ng mga modelong late!"mataray at seryosong sigaw ng kanilang commercial director.
    Napapakamot nman ng ulo ang iba pang kasamahan ni Starre sa commercial  ng bagong beauty products na iindorso nya. Lima silang mga modelo at sya lang ang tanging babae doon. Di lang nman iyon ang kanyang iindorso marami pang iba. Katunayan nga nasa kanya na iyong product at pinapagamit na sa kanya mag-iisang linggo na. Maganda nman ang epekto sa kanya ng produktong pinapaindorse sa kanya wala syang maiipintas doon.
    Kinabukasan pagkatapos ng kaarawan ng matanda ay gumayak na sya ng maagang-maaga pa lamang. Alam nyang the next day pa nman ang kanyang shooting ngunit nagmadali na syang gumayak paluwas ng maynila para iwasan si Skyye. Matapos pormal na makapagpaalam sa lolo Florence nya at tita Laila agad syang bumiyahe patungong Manila.
   Pagkatapos kasi ng mahabang pagtatapat ni Skyye ng totoong damdamin nito ay iniwanan nya ito ng di man lang nito naririnig ang kanyang saloobin dahil sa narinig nya ang matinis na tinig ng fiancé ng lalaki, tinatawag ang pangalan.
God!  Ganun na lang ang kabang nadarama nya sa pag-aakalang magpapang-abot sila ng babae at lumikha iyon ng malaking problema sa kaarawan ng kanilang lolo. Sya na ang nagkusang umiwas sa anumang gulo. Gosh! Ayaw nyang madumihan ang pangalang pinakaiingat-ingatan ng kanyang manager sa ibang bansa.
     Masama pa nman ang tingin nito ng masalubong nya ito sa pasilyo papasok ng bahay. Kahit pa nga nagtangkang humabol sa kanya ang lalaki di sya nagpadala sa kanyang naramdaman dahil di nya alam ang maaring gawin ni Skyye ng gabing iyon.
     "Starre! Matutuloy ba tayong magbar mamayang gabi.?"excited na tanong sa kanya ni Carl ang isa sa guy commercial model ng product na gawa sa USA. Matangkad ito at maputi,may matitipuno na pangangatawan at magandang lalaki rin gaya ng tatlo pang lalaki na kasama nila.
"Carl, haven't heard what director Vincent just said a while ago? Don't be late! "Madiin nyang wika sa kaharap.
"Yeah, yeah I heard him but who cares? He loves me... "Sagot nitong agad nyang pinutol.
"So,dahil close kayo ni direk ay aabusuhin mo na iyon. Gosh! You're being inconsiderate and unprofessional! "Di nya napigilang wag itong tarayan. Di sya makapaniwala sa attitude ng kaharap na lalaki. May pagkamayabang ito at medyo dikit sa kanilang director but di pa rin makatwiran makatwiran maging abusado ito sa lalaki. Napailing -iling na lamang syang tinalikuran ito.
"No,  thanks. I'd rather not to have company tonight I prefer the comfort of my bed! "Aniya saka binanatan ng talikod ang lalaking mayabang.
Unang araw pa lamang ng shooting nila malakas na ang pahaging ng lalaki sa kanya. Di nya lang pinapatulan ang hayagang pagpapakita nito ng gusto sa kanya.
Sa apat na lalaking kasama nya sa commercial ito lang ang mayabang. Mababait nman ang ibang modelong mga kasamahan nila.
"Direk, I'm going now. I'll see you again tomorrow morning. "Aniya pagkalapit rito sabay halik sa pisngi ng lalaki.
"Yeah, sure darling. Opps! Don't forget about the party tomorrow night. The owner of Frontrow company is giving his new models a big welcome party !"paalala nito sa party na magaganap bukas sa makati avenue. May office doon ang nasabing kompanya.
"Yes sure direk... Don't worry I won't forget it. Bye! "Aniya sabay kaway sa iba pa nyang mga kasamahan na gumanti lang din ng kaway na may kasamang ngiti.

"Oh-my-God! Is that Daniel Matsunaga,the guy who took my virginity ?!"tiling wika ng make-up artist ng kanilang commercial sa kanyang tabi.
"Really, Kurt? "Nakataas kilay nyang hinarap ang katabi na ikinatawa nman nito.
"Shush! Don't ruin my fantasy about Daniel Matsunaga, Starre, please. He's all my dream guy in show business! "Malanding wika nito. Napatirik nya ang mga mata sa kisame ng kinilig ito dahil napasulyap sa kanila ang lalaking kausap nman ng kanilang commercial director ng oras na iyon.
"Hmmmp! He's not looking through my very beautiful eyes. I should hide you behind my back so that I can have his attention! Look, he can't take his eyes away from you! "Naiimbyernang wika nito sabay hila sa kanya sa cocktail drinks table para kumuha ng maiinom.
Napapatawang nagpakaladkad sya rito. Ngunit ganun na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita at magkasalubong ang mga mata ng lalaking nakatayo sa tabi ng table. Napakagwapo nito sa suot nitong Italian black tuxedo.  Di nya malaman kung bakit tila may mga dagang rumagasa sa kanyang dibdib. Di lang man naglihis ng tingin ang lalaki nuot hanggang buto ang tingin nito. At matatalim ang tinging pinukol ang lalaking may hawak ng kanyang kamay.

$SWEET REVENGEWhere stories live. Discover now