Chapter 14

4K 134 2
                                    

"Miss, are you ok? "Ang mahinang wika nito sabay kamay ng kamay ng lalaki na nasa harapan nya.
Napaangat sya ng mukha sa nagsalita kahit masakit ang kanyang pang-upo na tumama sa rough road. Mabilisan nya ring pinalis ang mga luha sa mata ng pasimple syang yumuko para itago iyon sa kaharap saka muling sinalubong ng tingin ang nagtatakang lalaki dahil sa di dito nakaligtas ang mga luhang pinahid nya sa pisngi.
Di sya nakahuma agad ng masilayan ang mukha ng lalaking nakabanggaan. Napatitig lamang sya sa maiitim nitong mata na wari ay may misteryong nakapaloob.
Nagtataka nman ang lalaking tinitigan. Nakita nya itong tumayo saka lumapit sa kanya at inuumang ang isang kamay para tulungan syang makatayo.
Wala sa sariling iniabot nya ang kanang kamay at hinayaan nya itong hilanin sya patayo.
"T-thank you. Am alright. "Kimi nyang wika kahit nahihiya sya dahil matagal syang nakatitig rito.
"Ok lang sanay nman akong tinititigan ng mga gaya mong magaganda! "Anito saka nagpakawala ng magiliw na ngiti sa labi.
Di nya napigil mapangiti dahil may pagka conceited din pala ang kaharap na lalaki.
"By the way I'm Rigor Vergara, and you are....? "Ika nito na matamang nakabitin ang kamay sa ere para makipagkamay sa kanya.
"Starre, Starre Grande. "Tipid nyang wika sabay ngiti rito at saka nya tinanggap ang pakikipagkamay ng lalaki.
"Sounds familiar but I don't think so you're Star, the famous Model of my uncle Greg in Florida. "Anito pinasadahan pa sya uli ng tingin. Wari ba ay ini-inspection ang bawat detalye ng kanyang kabuuhan.
Napatawa sya ng mahina dahil sa sinabi nito.
"Don't tell me ikaw talaga yun?! "May pagdududa nitong wika ngunit may paniniyak rin sa tinig.
Napatango sya rito na ikinagulat nitong lalo.
"Wow! That's great! Nakita na rin kita in person "wika nito na di napigilang napatili ng impit. nagpalinga linga pa ito baka may ibang taong makarinig sa kanilang dalawa.
Shocks sya dahil ang machong kaharap na lalaki ay darna darnahan pala.
Nakasuot ito ng rug jeans at polong gray. Perfect para gawing boyfriend material kapag di mo sya totoong kilala. Nadismaya sya sa natuklasan ngunit di sya nagpahalata. Di bagay rito maging gay. Sobra itong gwapo para masayang lang ang lahi.
"You're closet queen! "Mahina nyang naibulalas ng hawakan sya sa kamay at biglang niyakap at hinalikan sa cheek nya.
"Yeah! But please don't tell my secret. My dad gonna hang me in the tree! "Taranta nitong wika sa kanya ng maghiwalay sila.
"Don't worry, your secret is safe with me as long as you promise to give me a tour in this town! "Aniyang may magandang ngiti sa labi na nakatitig rito.
"Sure! And also I will introduce you to ny fafa! "Sabi nitong lumandi na nga pati ang tinig.
"That won't be a problem princess. Come on let's get inside and play along with me. I'll introduce you to my dad and his friends! "Excited nitong wika sabay akbay sa kanya papasok sa main gate ng malaking rancho ng mga vergara.

Di nila alam kanina pa nakakuyom ng mahigpit ang kamao ni skyye habang nakamsid sa kanilang dalawa.
"Shit! She's such a pain in the ass! "Ngitngit nyang bulong sa sarili saka tinawagan ang lolo nya na babalikan nya na lamang ang mga ito mamaya.
Pagkapatapos ng tawag nya agad nyang pinasibad ang sasakyan palayo roon. Di maalis ang tagpong nakita na may ibang lalaking humalik at yumakap sa dalaga. Unang kita nya pa lamang iyon sa bunsong anak ng vergara at di nya ito nagustuhan. Ayaw nyang magkalapit ang dalawa sakali man kaya kelangan makabuo sya ng plano para di mangyari iyon.
"She's only mine and mine alone! "Ang mariing wika nya sabay nagbuga ng marahas na hininga.

$SWEET REVENGEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin