Chapter 3

5.6K 128 2
                                    

   Pagdating nila sa bahay ng kanyang ama. Malakas na tili ng batang lalaki ang agad na sumalubong sa kanila ng buksan iyon ng kanyang ama.

"Daddy! "Ang sigaw nitong patili sabay yakap sa ama na animo isang buwan silang di nagkita.

Pinupog pa nito iyon ng halik ang ama na ikinatawa nman ng huli. Yumapos ito sa leeg ng akma itong ibaba ng ama sa sahig. Kaya naman napilitan ang kanyang ama na muli itong buhatin. Saka sya nilingon nito.

"Who's that girl behind you daddy? "Ang tanong nito ng makita sya. May curiosity sa mga mata nito.
"Don't you recognize your big sister,Starre anymore? "Ang napangiting tanong ni Ricardo sa nakakunot noo na anak.

"Ate Starre?! "Ang bulalas nito ng makilala sya.  Kasabay ng biglang pagkahiya nito at ibinaon ang mukha sa dibdib ng ama.

Sumilay nman ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita ang inakto ng kapatid. Sa video chat or call nya lamang ito nakakausap at nakikita. Maliit pa ito ng dalhin ng ama sa pilipinas noon kaya di pa sya nito natatandaan.

"Hi, Adam! "Ang magiliw nyang wika  ng sinilip sya nito.

Sa muli, nahihiya itong yumakap sa ama at lalong ibinaon ang mukha nito sa malapad na dibdib ng daddy nila. Kaya pumasok na lamang ang mga ito kasunod sya.

Pinasok nya rin ang kanyang bagaheng dala. Hinatid sya ng kanyang ama sa kanyang magiging silid. Sinabihan syang magpahinga muna para mawala ang kanyang jetlag.

Sinunod nyang sabi nito. Nagpalit lang sya ng damit saka nahiga sa bed. Nanibago sya sa kanyang paligid. Iba pa rin  ang kanyang pakiramdam kapag nasa sariling bansa but masaya syang magkasama sila ng kanyang ama. Kahit matanda na sya namimiss nya pa rin ang lambigan nila noon.

Wala pa ang kanyang madrasta sa bahay. Tanging nanny lang ni Adam ang naroon ng dumating sila. Ngunit agad din iyong umalis pagkarating nila.

Ang daddy nya na ang nag-asikaso sa kapatid. Mamaya pa raw ang uwi ng kanyang madrasta, meron pa raw itong pictorials.
   Isang modelo ang asawa ng kanyang ama bago pa ang mga ito unang nagmet. Di pinahinto ng ama ang babae kahit mag-asawa na ang mga ito.

Hinayaan lamang ito ng kanyang ama sa anumang gusto nitong gawin na nakapagpapasaya rito.

  Kaya naman mas lalong minahal ito ng kanyang madrasta. Ang kanyang ama kasi di tipong dodominahim ang buhay ng kanyang mahal sa buhay. Kung anu ang gusto ng mga ito sinusuportahan lang nito basta di makakasama at nakapagpapasaya sa kanila.

   Mas bumata ngang tingnan ang kanyang daddy ngayon. Iyon siguro ang epekto ng love sa kanyang ama. Kitang kita ang kasiyahan sa mukha nito. Larawan ng isang inlove pa ring ama sa asawa nito.

    Masaya syang nakikita na masaya ang kanyang ama sa buhay nito ngayon. Sapat na iyon para sa kanya. At di na sya naghahangad na maging ganun rin sya balang araw. Ii-enjoy nya na lamang ang pananatili rito kasama ng kanyang ama at kapatid. Baka sakaling dito nya na mahahanap ang kanyang gustong mangyari sa kanyang buhay.  At baka magkaron na ng direksyon ang buhay nya rito sa bansang ni minsan ay di nya pinangarap na puntahan.

   Kinagabihan na dumating si Alice ang asawa ng ama.
Gaya ng dati maganda pa rin ito at sexy. Alaga ang katawan na kailangan nito sa trabaho.

"How's Philippines honey?"Ang masigla nitong tanong habang nasa hapagKainan  na sila.

"Fine, Alice, nothing's changed. "Aniya na matipid itong nginitian.

Alam nyang gusto nitong maging malapit sya rito. Di ito nagpatawag ng mommy kasi dalawang taon lang nman ang pagitan ng kanilang edad.

"Oh that's good. "Anito saka binigyan sya ng pagkain. Ito mismo ang nagluto noon kahit galing pa ito sa trabaho.

   Nakikita nyang devoted itong wife sa kanyang ama. At natutuwa sya sa kaalamang masaya ito sa kanyang ama. Di tulad ng ibang babae na puro paganda or pasexy lamang ang inaatupag nga mga ito na hinahayaan ang kanilang obligations sa kanilang mga katulong.

Walang katulong ang mga ito sa bahay. Kapag parehong busy ang dalawa kumukuha lamang sila ng baby sitter para sa kanyang kapatid.

    Pinagmasdan nya ang pag-aasikaso nito sa mag-ama nito. Nakikita nya ang mga masusuyong tingin ng ama sa madrasta. Gusto nyang makadama ng inggit ngunit agad nyang kinastigo ang sarili.
Di lahat magiging pareho ng ama at madrasta. May iilang tao lang talaga na maswerte sa kanilang love life at di sya kasama sa mga iyon.
Gayon man di nya na iniisip ang kanyang love life. Ayaw nyang maging isipin pa iyon. Two years na syang namublema roon. Siguro naman its time na para ayusin nya nman ang sariling buhay sa ibang bansa kung saan malayo sa taong nagbigay sa kanya ng masakit na karanasan sa pag-ibig.

$SWEET REVENGEWhere stories live. Discover now